KABANATA 2

4 1 0
                                    

AUTHOR'S NOTE:
UNEDITED PO ANG NEW CHAPTER. PLEASE BEAR WITH THE WRONG GRAHAM OR SPILLINGS HAHAHAHAHAHHA

ENJOY READING!

KABANATA 2

Journal




ISANG BUNTONG hininga ang aking pinakawalan nang matapos kong ayusin ang mga damit ko sa cabinet. Kararating lang namin sa Central. Madilim na sa labas pero mas pinili ko pa ring ayusin ang mga gamit ko sa kwarto ko kaysa ang magpahinga. 

Hindi kasi ako mapalagay sa pagpunta namin dito. Pagkatapos ng pag alis ko ng bahay, hindi na ako kinausap pa ni mama. Pinaderetso na lang nila ako sa loob at pinatulog dahil malalim na raw ang gabi. 

Nagkaayos rin naman kami kinaumagahan. Ipinarating rin nila sa akin na kailangang kailangan ni wàimā si mama, at ako sa bahay sa Central dahil sa nagdaramdam daw ito. 

Hindi na rin kasi kami nakakabisita sa central bukod sa mga okasyong limitado lang rin naman. 

Pagkarating namin kanina ay agad kaming inanyayahan ni Wàimā na mag tsaa sa terasa ngunit hindi na ako sumama pa. Bukod rin kasi sa bata pa ako at nangangailangan ng tulog at pagod sa biyahe, hindi rin naaayon na naroon ako kung nag uusap sila ng mga patungkol sa trabaho. 

Lumingon ako sa orasan sa taas ng study table ko sa kwarto. Parallel ng kama ko ang table at nakadikit ang parehong furniture sa mga pader.

I always want to keep my personal space clean kaya naman ganun ang design ng kwarto ko. Most of my furniture is in different shades of brown. Tapos, ang ibang gamit naman kagaya ng mga unan at sofa ay sa kulay ng pink naka base. Ang dingding naman ay kulay puti. Ang sabi kasi ni Wàimā, hindi maganda sa mata kung madilim ang kulay ng parteng iyon ng kwarto. Mahirap raw makakita ng maayos.

Ganito rin ang kwarto ko sa Baguio, pero iba pa rin talaga dito sa central. Hindi ko alam kung madidismaya ba o matutuwa ngayong nakabalik na ako sa paboritong kong lugar noong bata pa ako. 

Almost eleven in the evening na pala. Kaya pala inaantok ako ng sobra. 

Napahikab ako. Nangangalong mata ay pumunta ako sa walk-in closet ko para hanapin ang tuwalya na palaging inilalagay mismo ni Wàimā  sa kwarto ko. 

Nanlalagkit ako dahil sa biyahe kaya kinakailangan kong makapaligo muna bago makatulog. Kahit pa anong antok ko ay hindi ko pwedeng kaligtaan iyon. 

Nang mahanap ay bumalik ako sa tukador ko n pinaglagyan ko ng mga damit na dinala ko mula bahay. Hindi naman na kailangang gawin iyon dahil palagi namang may mga masusuot dito sa bahay ni Wàimā. Ngunit hindi ko rin mapigilan ang mag impake ngang talaga. Basta ko na lang kinuha ang lahat ng mga damit na kumportable ako. Panigurado kasing pulos bestidang puti ang ipasusuot sakin dito ni Wàimā.  

At hindi nga ako nagkamali, may mga bestidang nakapaloob sa tagong parte ng tokador ko. Tila nagtatago sa kung sino ngunit alam ko naman kung paanong hahanapin. 

Iyon na lang ang gagamitin kong pantulog. 

Kinuha ko ang bestida bago bumalik sa bag ko na nakalatag pa sa sahig. Nanduon pa kasi ang mga undergarments ko. Humugot ako ng isa mula sa nakasarang zipper ngunit laking gulat ko nang may sumunod na panyong kulay puti mula doon!

Nanlalaki ang mga matang lumuhod ako sa sahig para pulutin ang panyo! Tanda ko pa ang gamit na yon! Iyon ang binigay sakin ng batang babae nuong nasa parke ako at umiiyak. 

It's been five months since it happened. I really thought na naiwala ko na ang panyo dahil hindi ko na iyon makita nang makaligtaan ko sa basket ng maruruming damit!

Almost Us (Childhood Memoirs Series #07) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon