S I M U L A

85 10 29
                                    

"ALMOST US."

SIMULA


Bata pa lang ako, maaga ko nang pinangarap ang magkaroon ng powerful love story kagaya ng mga nasa fairytale. Walang araw ang lumipas na hinihiling kong, sana, dumating na yung lalaking para sakin. Kahit pa elementary pa lang ako noon, gustong gusto ko nang makaranas magkaroon ng boyfriend.

Hindi ko rin alam ang dahilan. Siguro dahil sa influence na nakuha ko sa paligid ko? Andyan at kinikilig ako sa mga romantikong palabas, sa sobrang kakiligan pa nga ay, sumusuksok nako sa ilalim ng upuan habang umiirit pa. Mare-realise ko na lang na pinagtitinginan na pala ako kapag nawala na ang nakakakilig na eksena.


Simula umakyat ako ng ikaapat na baitang ay kung ano-anong kalokohan na ang nagawa ko, makahanap lang ng 'the one' ko. Pero nahinto rin 'yon bago ako tumungtong ng highschool dahil sa insidenteng, hindi ko inakalang mangyayari sakin.



" Let's all welcome, the valedictorian of this batch, Ms. Annalene Ramos!" naka-ngiti akong nagmartsa papunta sa gitna ng stage. Kinamayan ko ang Executives at nakangiting nagpasalamat sa kanila. Humarap ako sa dagat ng mga estudyanteng kagaya kong magtatapos na sa araw na 'to. Huminga ako ng malalim saka nagumpisang magsalita, "Today, I, Annalene Ramos, congratulate this batch of students, and all I want to say is, we did it."


Pinunasan ko ang takas na luha sa aking mata at saka muling nag-focus sa papel na nilatag ko sa aking harap. "Lahat ng mga luha, dugo at pawis na inilabas natin sa nakaraang limang taon. Mga pera at tulog na winaldas natin. Mga pagkaing lumamig sa kakahintay sating makatapos ng thesis at research, nagbunga na."

"Lahat ng paghihirap na pinag daanan natin sa nakaraang limang taong pagaaral, nagbunga na." Napangiti ako ng mapansing nagpupunas na ng luha ang mga kaibigan ko sa ibaba. "Oo, napagod tayo. Oo, dumating yung panahong ginusto na nating sumuko. Pero nandito tayo, kasi ipinagpatuloy natin. Kasi, naging matibay tayo. Kaya ngayon, nandito na tayo at magtatapos na."



"Gusto kong sabihin sa inyong lahat na, ang galing niyo. Kinaya niyo ang lahat. Ginawa niyo ang lahat. At bago mag tapos ang speech ko ngayon, gusto kong sabihin na salamat sa inyong lahat. Salamat sa mga magulang ko dahil sinuportahan nila ako. Salamat sa mga kaibigan ko na nandyan palagi sa tabi ko, kasabay kong umiiyak kapag bagsak at nakakuha ng cinco."

"Sinungaling ka! Wala kang cinco sa card!" Napatawa ang lahat nang biglang sumabat ang isa sa kaibigan ko. Para nakong baliw na nagpupunas ng luha habang tumatawa. "At salamat sa inyong lahat, dahil hindi ako makaka-rating sa kinatatayuan ko ngayon kung wala kayo." Salamat rin sa kanya. Naramdaman ko ang pagpitik ng sintido ko. Suminghot ako saka tinapos ang speech ko sa pamamagitan ng pagyukod sa lahat. Uminit ang gilid ng mata ko at lumabo ang paningin ko.  Nandito nako. Tapos na ko.


Sumisinghot ako nang lumingon ako sa camera pagkababa ng stage. Inalo ako ni Papa at inakbayan. Hindi ko napansing nasa tabi ko na siya. "Proud ako sayo, 'nak." Nilingon ako ni Papa at nakita ko ang pagiging proud niya sa mga mata niya, bagay na matagal kong inasam sa loob ng dalawang dekadang pag aaral ko.


Hindi ako makapaniwala. Sa dami ng pagsubok at paghihirap na dinanas ko, nakapag tapos na rin ako ng kolehiyo!


"Hihintayin na lang kita sa kotse, 'nak. Masyadong mainit sa campus niyo. Baka lumala ang sakit namin ng mama mo." Agad akong tumango sa sinabi ni Papa. Tuliro akong bumalik sa upuan ng graduates. Hindi ako makapag isip ng maayos dahil sa pinaghalong kaba at excitement. Agad akong niyakap ng mga kaibigan ko, sila Mac at Nicole.

Almost Us (Childhood Memoirs Series #07) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon