The Chain Breaker by aliwrithes
__________________♡___________________
Maagang-maaga pa lang masama na ang timpla ko dahil napanaginipan ko ang lalaking yon. Pati sa panaginip ko bini-bwesit niya ako. Nakakagigil.
Did you believe that if you dream one thing it is one of your wants to happen in your life? Because for me I do believe on it but those dream of mine earlier is the only exception.
Nagluto na lang ako ng almusal namin. Tsaka tinupi ang mga nilabhan naming damit at pants kasi sabi ni lola kagabi na after 1 day kinukuha na ni Ashton ang mga pinalabhan niya.
Nagtupi ako na may kasamang sama ng loob kasi di parin ako makamove on sa panaginip ko.
Tamang-tama naman ang pagdating niya dahil kakatapos ko lang.
"Hi Elthea, good morning" pambungad niya sakin.
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
Ang kapal pala ng kilay niya singkapal ng mukha niya. But seriously he had a thick eye brows even his eye lashes are thick. Ang ganda rin ng mga mata niya pati ang ilong matangos and most especially he have a kissable lips.
"Anong sabi mo?" ani ko sa kanya.
"May sinabi ba ako?" sabay turo sa sarili niya.
"Pilosopo ka?" sabay taray ko sa kanya.
"Anong tinawag mo sakin?" Nagpapatay malisya lang ang lalaki. "I didn't call you. I don't have your number yet," sabay pakita niya ng contacts sa cellphone niya "ikaw ha para-paraan para makuha mo ang number ko." kilig niya pang dagdag.
"Ang kapal din ng pagmumukha mo, sa sobrang kapal pwede na gawing libro pangsampal sayo." Nakakagalit talaga siya. "What I mean is anong tinawag mong pangalan sakin kanina..." saad ko sabay bulong "punyeta...""Elthea, bakit?" ani niya. "Bakit Elthea itinawag mo sakin?... di naman tayo close."
"Gantong close ba dapat?" bigla namang kumabog ang dibdib ko ng bigla siyang humakbang palapit sakin. Ilang hibla na lang ang pagitan namin sa isa't isa. Halos magkakalapit lang ang aming mga ilong at labi.
Papalapit na ang kanyang labi sa labi ko hanggang sa...... "Which do you prefer? love? baby? babe? babi? bebu? or mine? you choose." tanong niya sa akin habang nasa tenga ko ang labi niya.
Napalayo ako sa kanya. Dali-dali naman akong pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Ba't ang init-init dito ang aga pa.
Bigla namang pumasok si lola kasama si Ashton. Nagtitigan kaming dalawa pero bigla ko ring binawi. "Kanina pa pala nandito si Ashton sana ginising mo'ko apo" bigla naman akong tumingin kay Ashton nong sinabi yon ni lola at nakatingin sya sakin at di man lang naiilang na tinititigan ko siya. Anlakas naman ng fighting spirit niya.
"Nawala po kasi sa isip ko la, pasensya."
"O sya kumain na tayo"
Pinagsandok ni lola si Ashton. Nag-ooverthink na'ko. What if magjowa pala 'tong dalawang 'to? Iniisip ko palang di ko na kaya. Di naman siguro 'no. Di kayang ipagpalit ni lola si lolo kahit wala na siya. Saksi ako sa pagmamahalan nila noon kasi lagi akong nakatambay dito sa kanila pag napapagalitan ako ni tita.
Speaking of tita...ano na kayang nangyayari don sa bahay? Namiss kaya nila ako? Si papa namiss niya kaya ako? Ang kapatid ko okay lang kaya siya dun?
"Eltheanna apo ano ng nangyayari sayo? Napano ka?" agad namang nagising ang diwa ko nang marinig ko ang sabi ni lola.
"W-Wala po la, may iniisip lang." ani ko.
Nagpatuloy kami sa pagkain. Usap lang ng usap sila lola at Ashton habang ako tahimik lang na kumakain.
After eating breakfast lumabas si lola para magdilig ng mga halaman niya. Ako naman ang nagligpit ng mga pinagkainan namin. "Okay ka lang?" tanong ni Ashton. "Do I look like okay?" bara ko naman.
"Ang sungit..." ani niya "kaya ka walang jowa eh" bulong niya pero naririnig ko naman. Sinadya talagang iparinig sa'kin.
Sinundan niya parin ako hanggang sa lababo. "Ako na diyan, umupo kana lang." presenta niya. "Baka di mo alam pa'no maghugas ng plato mabasag pa" ani ko.
"Mukha ba akong 7 years old sayo?" pagsusungit naman niya sakin nakataas pa ang kilay.
Kahit nakataas ang kilay niya ampogi parin. He looks like a thai actor.
"Ay okay!" umupo na lamang ako habang siya naghuhugas ng plato. Nakatalikod siya sakin. Nang bigla niyang hubarin ang kanyang t-shirt, napatitig ako sa kanyang likod. Likod palang nakikita ko what more kung sa harap. Napatulala naman ako.
"Wag masyadong titigan baka matunaw" sambit naman niya. "Ang kapal ng mukha mo, akala mo naman ang ganda-ganda ng katawan mo" litanya ko.
"Okay naba?" bigla naman siyang humarap sakin. Shit, walong pandesal ang sarap titigan lalo na siguro pag hahawakan. Pero syempre di ko sasabihin sa kanya kasi lalaki lang ang ulo niya.
Dali-dali naman akong kumuha ng baso at nagsalin ng tubig para uminom. Bigla akung nauhaw. "Did my abs makes you thirsty?" tanong niya. Bigla naman akong kinabahan at the same time nakikiliti dahil bumubulong ulit sya sa tenga ko. May kiliti pa naman ako sa tenga. Bigla naman akong namula kaya umalis agad ako. Mabilis akong lumakad papunta sa tindahan. Ako na ang nagbukas nito kasi nagdidilig parin ng halaman si lola.
Dito na muna ako tatambay hanggang sa aalis 'yong lalaking 'yon. Konti na lang talaga mapapaamo niya na'ko pero dapat di ako magpapaapekto sa mga pinanggagawa at pinagsasabi niya sakin.
I don't know him enough but lola did. I don't trust him enough. Dahil di naman basta-basta nabibigay ang tiwala pinaghihirapan itong makuha. Once 'yong tiwala mawala mahirap na itong ibalik. So for me, it's really difficult to trust again especially because of my past. Past with my family.
'Yong sarili mong pamilya... sarili mong papa di mo na pinagkakatiwalaan. Paano ba kasing di mawawala ang tiwala ko sa kanya 'kong kahit hindi naman ako ang may kasalanan kahit 'yong asawa naman niya ako ang pinagbibintangan. Mas mahalaga pa ang asawa niya kaysa sa aking anak niya. Ngayon ko napatunayan yon dahil naglayas ako sa amin pero di ako hinanap. Di ako tinext o kahit tawag man lang. Wala as in wala. Sa kanilang dalawa ni mama mas paborito ko si papa...noon. Hindi na ngayon. Nag-iba na siya eh. Simula nang makilala niya si tita nag-iba na siya hindi na siya ang dating papa na nakilala ko.
Hindi ko naramdaman na umiiyak na pala ako kung hindi lang ako niyakap ni Ashton. "Okay ka lang ba?" habang hinahagod niya ang aking likod. "Hush tama na, nandito lang ako makikinig sayo, kami ni lola."
Di ko namalayang pumasok pala sa tindahan si Ashton at nakita niya akong umiiyak.
BINABASA MO ANG
The Chain Breaker (On-going)
ContoEltheanna lost her mom at a very young age. Later on, his dad married another woman. At first, they became a small happy family. Years after, she run away from home. She's so sick of fighting with her stepmom. She told her dad about it but his dad...