CHAPTER 1

1 0 0
                                    

CHAPTER 1

“Magic” suddenly one of my classmate said it infront of me. Nakataas ang isa nitong kilay at parang hinihintay ako nitong magsalita. Hindi ko kinibo at pinagpatuloy ang sinusulat ko.

“I don't know that you're a princess” sabi niya pa, tinukod nito ang kamay niya at yumukod. Malawak ang ngisi nito sa labi at hindi ko nagustuhan kung paano niya ako tignan. “At isang prinsesang walang kapangyarihan” bulong niya. Pigil ang hininga kong napapikit, 'kumalma ka Jean, nasa school ka'.

Hindi rin nagtagal ang pagtitig niya at umalis sa harapan ko, buntong hininga kong minulat ang mata ko. This past few days ay ako ang hotspot dahil may isang kumalat na balita sa mga Noble family na ang kaisa-isang anak na babae ng Hari ng Zealia ay walang kapangyarihan.

Kumalat rin sa buong school ang totoo kong katauhan na matagal ko ng tinatago, kaya lahat ng tao mapa-normal at may kapangyarihan ay puno ng pandidiri ang mga titig nila sa akin. For myself wala naman masama rito dahil may nababasa rin ako tungkol sa mga reyna o prinsesa na walang kapangyarihan.

At hindi ko ito ikinakahiya, dahil nga sa isa akong prinsesa at ako ang kauna-unahang prinsesa na walang kapangyarihan. Tinago ko ang katauhan ko sa mga tao lalo na sa eskwelahan, bilang lang ang mga taong nakakaalam na isa akong prinsesa. Ang mga propesor at tiyo ko na may ari ng academy na pinapasukan.

Nung una ay hindi pumayag ang mga magulang ko pero kinalaunan ay pumayag rin dahil rin sa sitwasyon ko.

Napa-iling nalang ako sa mga iniisip ko, masyadong maraming nangyari sa loob lang ng dalawang linggo. Binalewala ko ang mga titig ng mga kaklase kong abala sa pagke-kwentuhan. I know, ako ang topic nila.

Bigla silang napaayos ng upo at natahimik sila dahil kilalang kilala ang taong pumasok sa room namin. Walang iba kundi ang pangalawang anak ng Hari ng Zealia. Ang kuya ko, si Prince Caspian Quil Zealia. Nakatitig ito sa akin, naglakad siya papalapit sa akin habang hindi pinuputol ang paningin sa isa't isa.

Nang makalapit siya ay iling-iling itong sinapo ang ulo ko, “Bakit?” tanong ko rito. Kinuha niya ang isang upuan at umupo sa harapan ko. “Wala ka na bang klase pagkatapos?” tanong niya, umiling ako rito. Agad din itong tumayo at kinuha ang bag ko at naunang naglakad palabas ng room.

Tumayo na rin ako at sumunod kay kuya, bitbit niya rin pala ang bag niya, hindi naman ganun kabigat ang bag ko dahil ang librong dala ko at hawak hawak ko ngayon habang sinusundan si Kuya palabas ng Academy.

Madami students akong nakakasalubong na masama ang tingin sa akin, meron naman na puno ng awa pero wala naman akong magagawa ket kaawaan nila ako. Walang magbabago sa sitwasyon ko.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na pala si kuya at bumunggo ang likod niya sa noo ko. “Aray” sabay hilot sa noo ko, siya naman ay natatawang nailing saka ako inakbayan.

Ngayon ay sabay na kaming dalawa na pumunta sa karwahe namin. Naabutan namin dun ang butler namin, si Sir Nikolas Nikon. Ang butihin naming butler na simula bata palang ako ay butler na namin. Nang mapansin niya kami ay lumapit ito sa amin at kinuha ang dalawang bag na bitbit ni kuya.

Kukunin niya pa sana ang librong bitbit ko pero umalma ako, mabigat kase ang bag ni kuya lalo na may makapal na libro at bola siyang dala, dagdag mo pa ang tatlong makakapal na librong bitbit ko baka 'di niya kayanin na bitbitin lahat.

Pinagbuksan niya kami ng pinto ng karwahe, nauna akong pumasok at sumunod si kuya. Pagkapasok ay napatingin ako sa may ari ng pares ng sapatos aa harapan namin. “Kuya Keir?” kunot noo akong nakatingin sa kanya. Kahit si Kuya Caspian ay masama ang timpla ng mukha dahil nakita na naman niya si Kuya Keir.

MAGICAL WORLD OF LUMENWhere stories live. Discover now