Scene 5: Pangako Ko

309 9 0
                                    

Si Mina ay isang dakilang inspirasyon upang makagawa si Ron ng mga orihinal na mga compositions. Masaya ang pakiramdam ni Ron kapag naaalala niya si Mina. Maraming bagay ang sumasagi sa kaniyang isipan. Totoo na magkaibigan lang sila ni Mina pero ngayon ay lagi na niya itong nami-miss. Sa tingin niya ay napamahal na sa kaniya ang dalaga ng higit pa sa isang kaibigan.

Muli ay ganadong pumuwesto si Ron sa kaniyang study table upang gumawa na naman ng kanta para kay Mina.Sa puntong ito ay iba ang naging paraan ni Ron, hindi base sa format ng kaniyang Lolo.

Mas nauna ang melodya kaysa sa mga liriko na pumasok sa kaniyang isipan. Para siyang tumutogtog ng drums gamit ang mga daliri na kaniyang hinahataw sa mesa. Ang tempo ay medyo mabilis at masayang pakinggan. Kinapa niya sa cellphone app ang chords ng kaniyang bagong kanta.

Dahil mahigpit na ipinagbabawal ni Ben ang anumang musical instruments sa kanilang tahanan, kaya kung ano na lang ang pwede niyang ipangtugtog ay kaniyang pinagtyatyagaan gamitin.

Ang pamagat ng pangalawang kanta niya para kay Mina ay "Pangako Ko". Ito ay nagsasaad na planong manligaw ni Ron kay Mina. Nais niyang ikwento sa pamamagitan ng awitin ang damdamin niya kay Mina. Nais niyang ipaalam sa dalaga na hinding-hindi niya ito lolokohin sakali mang sagutin siya nito ng matamis na "oo".

"Ganito pala kapag umiibig, inspirado ka sa lahat ng iyong ginagawa", sambit ni Ron.

Kung yung "Kaya Mo Ba?" ay natapos niya sa buong gabi, itong "Pangako Ko" ay kalahating oras lang!

Mas humuhusay si Ron sa pag-gawa ng kanta. Na-diskubre niya na pwede ang iba't-ibang paraan kung saan siya komportable. At hindi niya nililimitahan ang sarili sa isang partikular na genre, basta may pumasok na idea sa kaniyang isip ay sisimulan at tataposin niya 'yon.

"Sana maniwala si Mina na mahal ko siya ng tapat",napapailing na nag-iisip si Ron.

"Sana mapakinggan niya itong awiting nilikha ko.", nasasabik niyang bulong sa sarili.

Kinabukasan sa eskwelahan ay plano niyang ibigay kay Mina ang handwritten na kopya ng kantang "Pangako Ko". Subali't hindi niya magawa dahil wala lagi sa timing sa dami ng school activities, halos hindi niya mahagilap si Mina.

Habang nagpa-practice silang mag marcha, tila nai-imagine ni Ron na kinakanta ng kanilang mga kaklase sa pangunguna ni Erick ang "Pangako Ko" at sila'y tila masayang nagpeperform sa upbeat na tugtog nito.

PANGAKO KO

'Di ko na gusto itong nangyayari
Dahil nami-miss kitang parati
Mula ng pumasok ka sa puso't isipan ko
Biglang nagbago ang takbo nitong aking mundo

Nagsimulang lahat sa pagkakaibigan
Sa isang pagkakataong 'di inaasahan
Ngayon ko sasabihin tong tinatago ko
Minahal kitang lubos kahit noon pa man, oh who

Sana'y makamit ko ang pagibig mo na nagbibigay ligaya sa buhay kong ito, o giliw ko
Pangako ko sa 'yong 'di kita sasaktan magpakailanman
Asahan mong pagibig ko ay tunay

Hinanahap-hanap kita sa tuwina
Anong saya ko pag nakikita ka
Pag makausap ka kahit lang sa telepono
Maligaya nang muli itong buong araw ko

Dalawang buwan na lamang ay ga-graduate na sila. Nagsisimula na silang mag ensayo sa seremonyas ng kanilang pagtatapos. Abala ang mga estudyanteng magreserve ng kanilang isusuot na toga, nakita niya si Mina na nagbabayad sa counter.

Sa wakas ay malalapitan na niya si Mina. Nguni't ng tangkain niyang iabot ang kopya ng kanta ay nabitiwan niya ito at inilipad ng malakas na hangin at napunta sa bubong ng kanilang building. Hindi magandang pahiwatig yaon para kay Ron.

Wishful thinking na lang ang lahat ng ito kay Ron. Hindi niya kayang sirain ang tiwala ni Mina sa kaniya. Alam niyang hindi pa handa si Mina sa ganoong sitwasyon. Hanggang sa pag-gawa na lamang siya ng kanta.

"Kailangang magtapos ako ng pag-aaral", bungad ni Ron sa sarili.

"Hindi ko bibiguin sila Itay at Inay, yan ang pangako ko.", dagdag niya.

Hulog Ng Langit (Wattpad Pop-Musical)Where stories live. Discover now