Nang matapos akong makapag grocery ay nag abang nako ng jeep na masasakyan papauwi
Hindi din naman nag tagal ay naka-para ako.
Nang makababa ako sa kanto ay hindi kalayuan, rinig ko na agad ang boses ni Auntie, mukang binubungangaan na naman si Bam
Hanggang nakarating nako sa tapat ng pinto ay bumungad sakin si auntie at Bambam na nag tatalo, dahil nag uwi na naman ng babae sa bahay
"oh? Andyan kana pala?!" - ani auntie sakin
"oh? ano yan?! Grocery?!" - haltak ni Bambam sakin ng grocery at nag bukas kaagad ng isang latang tuna
"babe! Tara na kumain kana dito!" - ani Bambam doon sa babaeng nakaupo sa sofa
"aba! Wala na nga tayong makain, tas dito mo pa papakainin yang babae mo!" - ani auntie kay Bambam.
Hindi naman ito pinansin ni Bambam.
"oh, ikaw? Mukang nakasahod kana?, nakapag grocery kana eh? Akina yung parte ko?" - ani auntie
Kumuha ko sa bag ko ng 5,000 para iabot kay auntie yon, nang mag salita si Bambam
"oh ako?! wala?!" - anito
"five thousand?! Eto lang??! Aba ang hina mo naman atang mag bigay??!" - ani auntie
"auntie yan nalang po natira sa sahod ko e" - sabi ko
"yan lang natira e, tingnan mo nga yung grocery mong binili kakaunti! Aba gabo? San mo dadalin yang pera mo? Ipang w-wal-wal kasama yang mga kaibigan mo? Manapa ibigay mo sakin yan, nang mapakinabangan! " - sabi ni auntie
"aba, asan yung akin?!" - sabat ni Bambam
"bam, wala na baon ko pa bukas yung natira" - sabi ko
"kahit pang yosi lang penge na!" - pangungulit nito
"bigyan mona kasi! Ang ingay lang eh!!" - ani auntie
"bam, baon ko pa nga yun" - sabi ko
"Gabo, wag mong hintaying kap-kapan kita, baka makuha ko lahat ng tinatago mo?!" - anito at akmang lalapit sakin
Ayaw ko man bigyan ay inabutan ko na ng five hundred si Bambam para lang hindi nako kap-kapan.
"five hundred?! Aba, ma? tinitipid ata tayo neto eh?!" - anito kay auntie
"aba Gabo?! ako ang nag palaki sayo kaya wag mo kaming tipidin dito?! Hindi ka namin tinitipid aba, e kami pa nga ang nag papalamon sayo araw-araw?!" - ani auntie sakin.
"auntie, hindi po ganun-" - sambit ko
"aba sumasagot kana ngayon ah?! Aba hindi ulit may trabaho kana, kaya mona kong sagut-sagutin?! kala mo naman at'ay ng laki ng binibigay mo!?" - ani auntie
"auntie hindi ko po kayo tinitipid, pang kain ko po kasi bukas yon-" - sabi ko ng pinutol ulit iyon ni auntie
"Aba Gabo?! Mukang nakakalimutan mo atang dito ka nakatira at dito ka kumakain?hinda ka ata tumatanaw ng utang na loob ah!?!" - sabi ni auntie
"Auntie-" - putol ulit ni Auntie sakin.
"Aba. edi kung alam ko sana noon pa na hindi ka tatanaw ng utang na loob, sana hindi na pala kita binuhay??! Lakas mong sagutin ako at tipidin kami dito, hindi kapa mag pasalamat na kinupkop pa kita pag katapos pumanaw ng mga magulang mo?!" - sumbat ni auntie