four.

0 0 0
                                    

KUNG TUTUUSIN, HINDI NAMAN AKO GANUN KA PALAKAIBIGAN. Oo madaldal ako, pero kakaunting tao lang ang pinapapasok ko sa social circle ko. Marami akong acquaintances, 'yung tipong mga tao na kaya ko sabayan sa lunch at samahan sa gala, pero hindi kami close enough para magtrade ng mga malalalim na bagay tungkol sa'min. Siguro sa mga mababaw na chismis ay pwede pa, pero 'yung mga secrets at iba pa? Hindi na.

Nasa Greenhills kami ngayon dahil nagkayayaan na magshopping daw kaming magkakablock, tas uminom na rin after sa kung saan man malapit. Medyo petiks na kami ngayon dahil tapos na 'yung midterms namin, kaya naman sinulit na namin yung time na to para magliwaliw.

Bumili lang ako ng mga cute na stationery dun sa tiangge. Hindi ko pa kasi natatab ng maayos yung isang libro ko, mukhang kailangan ko yun para sa finals dahil mahilig daw magpa cover-to-cover na finals yung prof namin dun. Mabuti nang ready para naman hindi na ako mahirapan pagdating sa review.

"Dalhin ko na 'yan para sa'yo." Offer ni Jun, pero umiling nalang ako.

"Di na! Kaya ko na 'to." Ngumiti ako nang makita ko na dala niya na halos lahat ng shopping bags ng mga kaklase namin'g babae. Ever the gentleman talaga si Jun kahit kailan.

"Ang liit liit lang ng dala mo, CC. Wala yan sa'kin." Paguudyok niya.

"Oo nga! Ang liit liit lang kaya okay lang sa akin na dalhin to. Kasya din naman to sa bag ko pero tinatamad lang ako ilagay." Nginitian ko ulit si Jun.

Kakaunti lang naman ang mga nagttake ng Bioeng sa Mapua kaya parang solid block na kami. Nababawasan nga lang every term dahil may mga bumabagsak o kaya naman ay nagddrop dahil ayaw na nila. Kami kami nalang ang mga natitira na kumakapit pa rin. Napaisip tuloy ako, magiging kaclose ko kaya sila if I tried harder pagdating sa pakikipagkaibigan? Wala namang masama sa pagkakaroon ng connections.

Although may mga acquaintances din naman ako mula senior high na nakakausap ko sa hallway at nahihingian ng mga OT galing sa ibang subjects, parang mas okay ata kung may makakausap din ako na pwede ko'ng pagbuntungan ng sama ng loob pagdating sa subjects namin. Hindi naman kasi naiintindihan ni Mark yung mga terms sa courses namin, kaya wala na rin siyang ginagawa kundi tumango at tapikin nalang ako sa likod kapag iritang-irita ako sa mga subjects ko.

"CC, kanina ka pa diyan sa likod!" Sigaw ni Natalie, kaklase ko rin.

"Ah sorry, eto na!" Humabol ako sa kanila. I don't think it's so bad to try and make new friends.

Nagdinner kami sa fast food at tsaka nagumpisa na magsiuwian ang mga tao. Umuulan kaya naman may mga nagpabook ng Grab at may iba naman na nagcarpool. Inoffer ni Natalie na isabay nalang ako sa sasakyan niya, pero dahil sa QC siya nakatira, umiling nalang ako. Out of the way na masyado yung condo ko.

May surge pa ngayon ang Grab kaya hindi ako makapagbook agad. Sinubukan ko na kanina, pero mukhang wala talagang driver na pupunta. 30 minutes na ang nakalipas at wala pa rin talagang tumatanggap sa book ko.

"Bakit nandito ka pa?" Tanong sakin ni Jun. Wala na 'yung mga paperbag na dala niya.

"Walang mabook sa Grab, wala din naman akong sasakyan." Pwede ko namang gambalahin si Stephanie o kaya si Mark para naman sunduin ako. Pero alam ko na nagaaral si Stephanie ngayon dahil midterms week nila next week at si Mark naman ay may ganap din ata ngayon.

"Malapit ka lang naman sa Intra diba? Tara na, hatid na kita." Nginitian ako ni Jun.

Habang tinitingnan ko siya sa ilalim ng mga ilaw, parang may nagbago sa itsura niya. Ganito ba talaga siya magayos ng buhok dati palang? Parang hindi naman ganito katangos yung ilong ni Jun dati... pero alam ko naman na hindi siya nagparetoke. Siguro may magic etong ilaw ng Greenhills.

ComsatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon