one.

17 1 0
                                    

KUMARIPAS AKO NG TAKBO PAPALABAS NG LAB MATAPOS GAWIN YUNG EXPERIMENT NA INASSIGN SA AMIN PARA SA ARAW NA 'TO. Nagextend yung prof namin ng thirty minutes dahil kailangan daw talaga matapos yung activity na to bago magfinals. Eh pake 'ko ba kung hindi sapat yung oras na mayroon kami bago magfinals? Sino ba naman kasi nagpauso ng quadsem quadsem na yan, parang ang saya ayain ng suntukan sa may Parian.

Hinihingal na ako nang makalabas sa gate ng Mapua. Nakita ko si Mark na nakasimangot na'ng naghihintay. Nakasandal lang siya sa pader, akala mo naman sobrang pogi kahit hindi.

"'Tangina ang tagal mo! Ano ba'ng pinaggagawa niyo dun sa lab niyo?" Tanong niya nung makalapit na ako sa kanya. Ginulo pa 'yung buhok 'ko nung lumapit ako! Okay lang sana kung hindi ko inayos eh, kaso literal na kakasuklay ko lang bago ako tumakbo palabas ng campus.

"Nagextend yung prof ko. Kailangan daw namin bilisan para maka-catch up sa mga topics na kasama sa midterms." Naiinis ako sa tuwing naaalala 'ko na minamadali lahat ng topic namin ngayon, pero wala naman akong choice.

Kahit kailan talaga, hadlang ang pagaaral sa paglalaro.

"Pero saan ba tayo ngayon?" Hinila ko 'yung hood ni Mark para makahabol sa paglalakad niya. Ang haba kasi ng biyas amputa

"Mineski. Sawang sawa na 'ko sa TNC eh." Nagkibit balikat si Mark at sumunod nalang ako.

Bihira lang kami pumunta ng Mineski sa Taft. Bakit pa ba? Eh mayroon namang TNC malapit sa amin. Kakaunting lakad lang nandoon na kami agad. Siguro gusto lang ng change of scenery ni Mark — or ewan ko. Basta ako gusto ko lang mag-LOL. Stress reliever ko yung laro'ng 'yon kahit mas nakakastress pa siya sa finals ko'ng akala mo landslide kung makaguho sa amin.

"Hindi tayo mag-LRT?" Tanong ko sa kanya nang mapansin na hindi siya dumiretso sa dulo nung underpass.

"Hassle ka kasama sa LRT! Kailangan nakahawak pa ko sa may bag mo para di ka matangay ng mga tao." Tinulak niya 'ko paakyat ng hagdan at inirapan ko nalang siya.

Nung huling beses na sumakay kami ng LRT ni Mark papuntang Taft, natangay ako ng maraming tao papalabas nung tren. Rush hour kasi nun tapos hindi talaga nangsasanto yung mga tao. Akala mo naman ikamamatay nila kung magsasabi man lang sila ng excuse me sa mga nababangga nila!

Kahit puro stoplight, parang byaheng langit pa 'rin yung byahe ng jeep na nasakyan namin. Pagdating namin ni Mark, haggard na kami pareho. Gulong gulo na ang buhok ko at lusaw na 'rin ata 'yung kaunting makeup na nilagay ko sa mukha ko.

Bahala na. Hindi naman ako pumunta dito para magpaganda. Nandito ako para maglaro ng LOL at makipag trashtalkan sa mga toxic ko'ng kakampi at kalaban.

"Hoy Kotse, huwag ka maingay ha." Pagbabanta ni Mark bago kami pumasok, "Baka mamaya magingay ka dito mapaalis tayo. Nung nasa paci tayo saksakan ka ng ingay eh! Napaalis tuloy tayo!"

Sumimangot nalang ako. Hindi naman ako makakalaban kasi totoo yung sinabi niya.

Nung umupo na kami, agad na'ng binuksan ni Mark yung LOL at syempre sumunod na rin ako. Hardstuck ako ngayon sa plat, ayokong matapos yung season ng hindi ako nakakatungtong ng diamond. Panigurado ay aasarin lang ako ni Mark pati yung iba naming katropa kung hindi ako makalevel up ngayong season.

Kung may hindi ako malilimutan tungkol dito sa Mineski, 'yun ay nung sinabi sa akin ng kaibigan ko na amoy paa daw dito. Sanay na ako sa mga computer shop na mabaho dahil sa mga amoy araw na naglalaro doon. Lalo na nung elementary ako, walang aircon ang mga computer shop kaya't amoy na amoy ko kapag mga kapwa ko'ng pawisan at galing sa arawan na mga bata.

Buti nalang talaga tapos na ako sa phase ng buhay ko na 'yon. Kung hindi baka mamaya naging meme na ako sa internet, o kaya naman ay pinagtripan nalang lagi neto ni Mark.

ComsatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon