Tyranny's POV

“Kleo, tawagin mo na sila para makapag-simula na tayo.” Utos ko sa lalaking nagse-selpon sa tabi ko.

Agad naman itong tumayo at pumunta sa kabilang dako ng kwarto kung saan nakakumpol ang iba pa naming ka-grupo.

Nagsilapit naman ito sa akin at umupo ng naka-paikot.

“Dapat na nating ayusin kung sino-sino ang mga gaganap, para masimulan na natin ang pagpa-praktis ng ating mga linya.” Panimula ko habang iniisa-isa ang mga pangalan na aming gagampanan sa pelikula.

Inagaw sa akin ni Tiara ang papel na hawak-hawak ko at binasa ito.

“Oh, may karakter palang gaganap na bakla sa pelikula, e. Sino gaganap para rito?” Saad nito at tumingin sa amin.

Tila iisa ang naiisip naming lahat at agad naming nilingon ang lalaking nasa gitna.

Isang lalaking may maputing balat, mapupungay na mata, matangos na ilong at mapupulang labi. Relihiyosong tao na may mabuting puso.

Agad naman napakamot sa batok ang tiningnan namin.

“Bakit naman ako ang gaganap na bakla?” Naguguluhang tanong nito.

“Kasi naman, lagyan ka lang ng wig mapapagkamalan ka ng isang babae.” Sabi ni Drake.

“At saka 'yong kilos mo masyadong pino, dinaig mo pa itong si Mikaela.” Ani Rafael na tinawanan pa si Mikaela.

“Ako na naman ang nakita mo.” Iritableng saad nito at pabirong sinuntok sa braso si Rafael.

“Oh tama na 'yan, diyan nagsimula ang lolo't lola ko.” Natatawang saad ni Lucid, ang pinagkaka-isahan naming maging bakla sa pelikula.

Napuno ng tawa at asaran ang buong kwarto bago kami nakapagsimula ng pagpa-praktis.


“Good morning, prinsesa!” Isang malakas na bati ang nagpagising ng diwa ko.

Pupungay-pungay pa ako habang bumabangon sa kama ko at pilit inaaninag ang nilalang na umistorbo ng tulog ko.

Nanaginip na naman pala ako tungkol sa mga kaibigan ko.

Nabungaran ko sa may pintuan ang aking inang nakasandal sa may dingding at naka-pameywang pa.

“Anong oras na oh," turo nito sa wall clock ko.

“Male-late ka sa school mo kapag hindi ka pa bumangon diyan.” Sabi lang nito at saka tumalikod at lumabas sa kwarto ko.

Tumayo na ako sa kama ko atsaka naginat-inat.

Hayy, isang araw na naman na napaka-boring.

Kinuha ko na ang tuwalya ko at pumasok na sa banyo upang gawin ang mga seremonyas ko sa umaga.


Hotdog. Bacon. Egg. Sinangag.

Ilan lamang sa mga nakahain sa lamesa pagbaba ko sa kusina.

“Kain na ikaw at dali-dalian mo 'wag masiyadong makupad kumilos, Tyranny Elize.” Sabi ni Mama habang nakain.

Nagtimpla na lang ako ng gatas kasi wala akong gana kumain.

“Nasaan na pala si Tiara?” Tanong ko sa aking ina ng mapansin na wala ang aking kambal sa bahay.

“E 'di ayon, nauna ng pumasok sa'yo. Alam mo naman na hindi 'yon nagpapa-late.” Sabay higop nito sa kape.

Ibinaba ko na sa lababo ang basong pinag-inuman ko at kinuha ang mga gamit ko.

“Ma, alis na ako. Ingat kayo kung may lakad kayo ngayon.” Paalam ko sa kaniya at sabay humalik sa kaliwang pisngi nito.

Pagka-labas ko ng bahay ay may namataan akong nakaipit na sulat sa may gate namin.

Agad ko naman itong nilapitan at kinuha.

“Magandang umaga! Mag-iingat ikaw palagi.” Basa ko sa nakasulat sa liham.

“Kanino galing ito?” Naitanong ko sa sarili dahil walang nakasaad sa mismong papel kung kanino ito galing.

Nasagot rin ang tanong ko ng pagbaliktad ko sa sobreng pinaglalagyan nito bumungad ang pagkakakilanlan ng nagpadala.

“Yours truly, L.” Basa ko muli.

Sino naman kaya ito? Baka isa lang sa mga kaibigan ko na nangti-trip na naman.

Biglang nag-vibrate ang cellphone na nasa bulsa ng palda ko.

“Tyra, bilisan mo ikaw na lang ang wala pa rito sa school. Malapit na magsimula ang klase natin.” Ang nilalaman ng chat na galing pala kay Drake.

Malapit na palang mag-seven, hala!

Dali-dali ko namang isinilid sa bag ko ang sulat pati ang telepono ko at agad na tinungo ang sakayan ng bus na patungo sa school ko.






Sa kabilang banda,

Nakangiti ang isang nilalang na nakahilig sa maduming pader dahil sa kaniyang nakita.

Isang ngiting puro, na animo'y punong-puno ng pangungulila ngunit kalauna'y naging ngiting puno ng hinanakit at pagkamuhi.











Yours truly, Lucid
crueldestruction 2022.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yours truly, LucidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon