Chapter 9

73 0 0
                                    

Pag katapos nang gabing 'yun ay madalas ng magawi dito sa cafe si marcus, minsan siya lang mag isa kung minsan naman ay kasama niya ang iba pa niya kaibigan. Ako na lang talaga ang umiiwas para lang hindi kami mag ka sarilinang dalawa ayaw kong may masabi ang mga kasamahan ko. At dahil sa naging regular customer na sila dito sa cafe ay lalong dumami rin ang mga nag pupunta rito which is good kaya lang ay madalas puro mga babae at mga estudyante pa, at kung minsang hindi nila sila nakikita ay nag tatanong pa sa amin kung bakit raw wala ang mga ito saulo na nga ata nila ang mga araw at oras na narito ang grupo nila Marcus.

Minsan sinasabi ni kate na ban na sila rito kasi naman daw halos ayaw umalis ng mga fans daw nila rito sa cafe kapag nandirito sila, at ginagawa na raw tambayan ang cafe. Ang sagot lang nila dapat daw may talent fee sila dahil kung hindi dahil sa kanila ay wala kaming customers.

Tulad ngayon dumating si Marcus kasama si Miguel at Alexander at parang naka amoy ang mga babae na narito sila kaya hayan at pinag kakaguluhan nanaman sila ang iingay pa naman, at itong tatlo baliwala lang may mga nag papakuha rin ng litrato sa mga ito na pumapayag naman sila basta raw grupo walang solo. At siyempre go na sino ba naman may ayaw may tatlo kang kasamang mukhang adonis sa picture.

Napailing na lang ako inilagay ko sa display kabinet ang refill ng apple tart at bumalik na sa kitchen para ipag patuloy ang pag lalagay ng frosting sa red velvet cupcake at fondant birthday cake na order para bukas. Nag accept na rin kasi kami ng mga orders pero limited lang.

Napa igtad ako nag may mga brasong yumakap sa aking baywang mula sa likuran at hinalikan ako sa pisngi.

"Hey.." Saad ni marcus at mahina siyang tumawa dahil sa pagka gulat ko.

"Anong ginagawa mo rito?"

Kinalas ko ang kanyang mga braso sa akin at nilingon siya, bahagya akong lumayo sa kanya at saka tumingin sa pintuan baka may pumasok o makakita sa amin, he sighed at tumingin sa akin.

"Busy sila sa labas, don't worry!" Saad niya na parang nabasa ang aking nasa isip.

"Hindi ka dapat nandito marcus!"

Mahina at madiin kong saad, he tsk at lalapitan sana niya ako ulit pero agad akong lumayo. He look at me with disbelief at inabot ang aking kamay.

"I just wanna see you, I miss you."

"Lagi ka naman dito, saka nag usap na tayo diba? Ayaw Kong malaman nila ito."

"In case you forget girlfriend kita Dianne, sinabi ko na sayo yung panliligaw ko for formality lang 'yun! At ano naman kung malaman nila gusto ko nga 'yun eh!"

Tinignan ko siya ng masama. Ito 'yung mahirap sa lalaking ito gagawin at gagawin niya kung ano ang gusto niya ayaw makining, he Singh.

"Alright! We'll talk later hm? I'll fetch you after your duty."

Marahan niya akong hinalikan sa noo at lumabas na ng kitchen na hindi na hinintay ang aking sagot, bumuntong hininga na lang ako. Napahawak ako sa aking dibdib hindi ko maintindihan bakit tuwing malapit sa akin si Marcus ay bumibilis ang tibok ng puso ko.

Alam ko sa sarili ko na attracted ako sa kanya. Sino ba naman ang hindi, gwapo maganda ang pangangatawan mayaman at higit sa lahat mabulaklak ang mga salitang lumalabas sa bibig lalo na kung babae ang kausap. Pero alam ko din ang mga tipo niya, wala man akong karanasan pa sa pakikipag relasyon pero base sa mga nababasa ko at napapanood ay ang mayaman ay para  lang sa mayaman, at ang gwapo para lang sa maganda at saka isa pa panigurado papalit-palit ang mga 'yan ng babae.

Kaya hindi ko hahayaang mahulog ako ng tuluyan sa kanya, tama na itong hangang crush lang ayaw kong masali sa mga listahan niya ng babaeng pinaiyak at sinaktan.  Advance ka masyado mag-isip the!  Ipiniling ko na lang ang aking ulo at ipinag patuloy ang ginagawa.



Someone Like You Where stories live. Discover now