Chapter 5 The Welcome Ceremony...

14 0 0
                                    

Four years ago in Zeiran Academy's Grand Hall...

Excited na magkahawak kamay si Cashiele at Desdemonadelle habang naglalakad papunta ng Grand Hall para sa welcoming ceremony ng Academy para sa bagong school year. Halos hindi makatulog si Cashiele ng nagdaang gabi sa sobrang excited at kaba dahil papasok na siya sa wakas sa Academy kung saan nagkakilala at kapwa nagtapos ang kanyang mga magulang. Dito din nag-aaral ang ibang mga kaibigan niya na mga prinsesa na sila Deronellellie, Austorieneette, Aurorinielle at Elleveranelle pati na din ang apat na prinsipe.
Dahil magkakaedad sila Cashiele, Desdemonadelle at Austorieneette ay sabay sabay silang magsisimula sa Zeiran Academy samantalang si Aurorinielle at Elleveranelle ay magtatapos na sa taong iyon habang si Deronellellie naman na kakambal ni Deronellei ay nasa mid term na kasabay nila Ralsheirne, Aravhone at Kholiche.
At dahil lihim pa din na anak siya ng dalawang pinakamakapangyarihang Mages na sila Auror Chrosodente and Auror Chielserd, hindi gagamitin ni Cashiele ang Sordana des Moines na apelyido niya mula sa mga magulang. Ginawan ng paraan ni Queen Aurosielle na makapasok si Cashiele sa Academy gamit ang apelyidong Druesolaine na apelyido ng reyna mula sa ina nito upang walang makahalata kahit na ang mga guro na si Cashiele ay isang Sordana des Moines.
Habang palapit silang dalawa sa pinto ng Grand Hall ng Zeiran Academy ay excited na nagkukuwentuhan sila Cashiele at Desdemonadelle at dahil hindi nakatingin sa daan si Cashiele ay mayroon siyang nakabanggaang isang senior na lalake. Dahil sa medyo malakas ng impact ng pagkakabanggaan nilang dalawa ng lalake ay napaatras si Cashiele. Nagulat ang lalake kaya mabilis na inalalayan siya ng lalake sa kanyang braso upang hindi siya matumba. Nagkatinginan sila ng lalake at ngumiti ito kila Cashiele at Desdemonadelle.
"Ooppss... Sorry Miss... Nagmamadali kasi ako eh" sabi ng lalake habang unti unting binibitawan ang braso ni Cashiele.
"No, it's okay... Hindi din kasi ako nakatingin sa daan" sabi ni Cashiele tapos ay ngumiti siya dito.
"Bagong senior students kayo ano? Hindi kasi familiar ang mukha ninyo sa akin" sabi nito habang palipat lipat ang tingin kay Cashiele at Desdemonadelle.
"Uh... Yes... Bago nga kami dito" sagot naman ni Desdemonadelle dito.
"If you both like, samahan ko kayo doon sa lugar ng new seniors. Kahit man lang sa ganoon ay makapagsorry ako sa iyo" alok nito sabay baling kay Cashiele.
"Thanks pero okay lang talaga saka hindi naman ako nasaktan eh" sabi ni Cashiele dito.
"By the way I am Jolouier, isa akong Healer student" pakilala nito sabay lahad ng kamay kay Cashiele.
"Ako si Cashiele, isang Magi student at siya si Desdemonadelle isang Spellcasting student" pakilala ni Cashiele sa kanilang dalawa ni Desdemonadelle.
Kinamayan silang dalawa nito saka sinabing "samahan ko na kayo, malapit lang naman ang spot ninyong mga bagong senior sa lugar ng Healer class eh" sabi nito.
"Uhm... Okay sige thanks sa iyo" sabi ni Cashiele.
Lumakad na silang tatlo papasok ng Grand Hall ng Academy habang kinukuwentuhan sila ni Jolouier ng mga bagay bagay tungkol sa Academy. Napansin ni Cashiele na karamihan sa mga students na nadadaanan nila ay tumitingin sa kanilang dalawa ni Desdemonadelle tapos ay magbubulungan kaya medyo kinabahan si Cashiele na baka mayroong makakilala sa kanya na isa siyang Sordana des Moines.
Pagpasok nila sa Grand hall ay madami nang estudyante ang naroon at kumpleto na din ang lahat ng Auror na nakaupo sa tapat ng stage kung saan nakaupo naman ang Head Mistress na naginterview kay Cashiele noong nag enroll siya. Kasama nitong nakaupo sa stage ang apat na hari na sila King Dreusonde ng Fierone, King Erostread ng Geigerelleden, King Winderloque ng Aurione at si King Sindermaise ng Solositeiren bilang mga head representative ng Board and Council. Sa bandang likod naman ng hilera ng mga upuan ng Head Mistress at ng apat na hari ay ang mga hari at reyna ng mga nakapaligid na kaharian sa Zeiran Academy na mga members ng Board and Council.
Malapit sa tapat ng stage ang puwesto ng mga bagong senior students kaya inihatid sila ni Jolouier hanggang doon at ito pa ang humanap ng magkatabing upuan para sa dalawang magkaibigan. Nang makakita ito ng dalawang bakanteng upuan ay kinawayan ni Jolouier sila Cashiele at Desdemonadelle para lumapit sa kanya. Habang lumalakad silang dalawa ni Desdemonadelle papunta kay Jolouier at sa dalawang upuan na nakita nito, nakita ni Cashiele na umakyat ng stage ang apat na prinsipe tanda na magsisimula na ang opening at welcome ceremony ng Zeiran Academy.
"Dali upo na kayo at magsisimula na ang program" sabi ni Jolouier sa dalawa ng makalapit sila dito.
"Thanks sa paghanap ng upuan para sa amin Jolouier" sabi ni Desdemonadelle dito.
"No problem... Kapag tapos na ang ceremony kung gusto ninyo meet up tayo doon sa Mezzanine ng Academy. Libre ko kayo ng lunch" sabi ni Jolouier.
"Naku, nakakahiya naman" sabi ni Cashiele habang nakatingin siya sa stage kung saan nakita niya na nakatayo ang apat na prinsipe. Napansin niya na nakatingin sa kanya si Deronnellei tapos ay ngumiti ito ng makahulugan bago nito siniko ng mahina si Aravhone sabay tango sa direksiyon nilang dalawa ni Cashiele.
Naningkit ng konti ang mga mata ni Aravhone ng makita nito na kinakausap ni Jolouier si Desdemonadelle. Napansin din ni Cashiele na nakatingin sa direksiyon na kinauupuan nilang dalawa si Kholiche na blangko ang ekspresyon ng mukha.
"Sige na... Ipakilala ko din kayo doon sa mga friends ko para dumami agad ang mga kakilala ninyo dito" sabi ni Jolouier kay Desdemonadelle.
"Sige subukan namin mamaya okay?" sabi ni Desdemonadelle kaya ngumiti si Jolouier saka ito nagpaalam bago ito tumalikod at pumunta sa lugar kung saan nakapuwesto ang lahat ng Healer students. Ibinaling nila Cashiele at Desdemonadelle ang tingin sa stage ng makita nilang lumakad papunta sa gitna ang Head Mistress na si Auror Greffelieras.
"Good morning to everyone! I would like to welcome all of you to the new school year of Zeiran Academy. As all of you have known, there are some changes that will happen in our curriculum but it doesn't mean that the quality of education that the Zeiran Academy that is well known for in every Kingdom will be diminished. As for the rules and regulations, there will be still no changes. The Head Councilor of the Supreme Student Council and the Captain of Duel Club, Prince Kholiche Vhonelleline deu Seychelles will explain to all of you everything so that the new senior students will be familiarized in the rules and regulations of the Academy. Again, welcome to the Zeiran Academy to all of you!" sabi ng Head Mistress. Nagpalakpakan ang lahat matapos ang speech ng Head Mistress bago ito umalis sa gitna ng stage at pumalit dito si Kholiche.
"Good morning fellow students... For those new students here in Zeiran Academy, I would like to welcome you all on our Academy and we all hope that this school year will be a valuable learning experience for all of us. For the rules and regulations, may I suggest to the new students to refer in their student's guidebook for a complete lists of the do's and don'ts of the Academy. As for the old students, I would like you all to guide those new students on our Academy so that they will not be bewildered on everything that the Academy have. As the Captain of the Duel Club, we would still accept the petitions on Duels as long as the reason is solid and reasonable. Once again, welcome on Zeiran Academy!" sabi ni Kholiche.
Nagpalakpakan ang lahat ng matapos ang speech ng prinsipe at nang tumayo na ang mga Auror pati na ang mga hari, ang Head Mistress at ang mga miyembro ng Board and Council upang umalis, ay tumayo na din sila Cashiele at Desdemonadelle.
"Uy, girls... Andito pala kayo sa bandang harap. Saan kayo pupunta?" biglang bati sa kanilang dalawa ni  Austorieneette na lumalakad palapit.
"Lalabas na kami kasi tapos naman na ang welcome ceremony eh" sabi ni Cashiele sa prinsesa.
"Huwag na muna kayo lumabas. Mayroong after ceremony acquaintance party para sa mga students mamaya so mag stay na muna kayo" sabi ni Austorieneette sa dalawa.
Nakita ni Cashiele na palapit din ang tatlong prinsesa na sila Deronellellie, Elleveranelle at Aurorinielle sa kanila kung kaya napangiti ng maluwag si Cashiele at tumakbo palapit kay Aurorinielle.
"Ate Conelle!!!" tuwang tuwa na tawag ni Cashiele sa prinsesa sabay palundag na yumakap dito.
"How are you Cashiele? Sobrang tagal na kitang hindi nakita! My, bagay na bagay sa iyo ang Zeiran uniform" tumatawa na sabi ni Aurorinielle kay Cashiele habang yakap ito ng mahigpit.
"And you are so pretty in your uniform" sabi naman ni Elleveranelle kay Cashiele.
"And already made a conquest in the seniors" sabi ni Deronellellie habang nililingon ang spot ng mga Healers kung saan nakaupo si Jolouier at nakikipagkuwentuhan sa mga kaklase nito habang nililingon ang lugar nila Cashiele.
"Narinig ko nga sa isa sa mga student na malapit sa kinauupuan ko na mayoon silang nakitang pretty new students na may bangs at gold streaks sa buhok, isang brunette at isang blond" sabi ni Aurorinielle na nakangiting pinagmasdan sila Cashiele, Desdemonadelle at Austorieneette
"At least matatahimik na din tayong tatlo nila Deronellellie sa mga suitors hindi ba Aurorinielle?" sabi ni Elleveranelle habang natatawang lumapit sa tatlo.
"Kayo lang naman ni Deronellellie ang may problema sa guys eh. You know that Seimond will conduct a duel right away kung mayroong guys na biglang lalapit lang sa akin" nakangiting sabi ni Aurorinielle
"Well you can't help it if you are the 'Fair Queen of Zeiran' kaya lapitin ka ng guys" sabi ni Deronellellie habang umuupo sa bakanteng upuan sa tabi ng kinauupuan nila Cashiele at Desdemonadelle.
"Well coming from the 'Hurricane Princess', it's a great praise dahil even the girls ay inlove sa iyo" natatawang sabi ni Elleveranelle.
"They are just attracted dahil sa Human Pheromone ability ko" nakaismid na sabi ni Deronellellie habang naupo naman uli sila Cashiele at ang iba pa.
"May I have all of your attention please?" narinig nilang sabi ni Deronellei mula sa stage.
Natuon lahat ng attention ng mga estudyante sa stage kung saan nakatayo ang apat na prinsipe habang nasa pinakaharap si Deronellei.
"Sa mga new students na hindi pa nakakakilala sa amin then we will introduce ourselves. I am Prince Deronellei Servidell deu Pronteiren, ang spokesperson of the Duel Club and the public relation officer of the Supreme Student Council. I am also the Head Officer of the  Windlow Club" pakilala nito sa sarili sabay ngiti ng maluwag at kindat. Naghiyawan ang mga members ng fans club ni Deronellei matapos siyang magpakilala at dinig nila Cashiele ang mga cheers para sa prinsipe.
"Ang guwapo mo pa rin Prince Deronellei!" hiyaw ng isa sa mga taga Herbology.
"Your Highness ikaw ang pinaka cool sa lahat!" sigaw naman ng isang taga Mystics.
"Prince Deronellei! Ngiti mo pa lang buo na araw namin!" sabi naman ng isa sa mga Dreamers.
"So Cashiele, kita mo na ngayon kung gaano karami ang 'tanga-hanga' na members ng fans club ni Sevielle. Parang mga baliw na baliw sa kanya" nakasimangot na sabi ni Deronellellie kay Cashiele.
"As in fans club talaga?" manghang tanong ni Desdemonadelle sa prinsesa.
"Yes... All four princes have their own fans club. Ang pinaka sikat na club ay kay Deronellei pero ang pinaka malaki at pinaka maraming member ay kay Kholiche" sabi ni Elleveranelle na kailangang ilakas ng kaunti ang boses dahil sa malakas na hiyawan ng mga taga-hanga ng prinsipe.
"Good morning to my fellow students. I am Prince Ralsheirne Archoloseni deu Fointesuenett, the secretary of the Supreme Student Council and Deriviator of the Duel club. I am also the President of Asquarine Club" sabi naman ni Ralsheirne sabay yukod ng kaunti.
"Prince Ralsheirne, lalo ka naging cute!" sigaw ng isa sa mga Thempaty na girls.
"Guwapo mo Prince Ralsheirne!" sigaw naman ng isang taga Seers na tumayo pa sa upuan nito.
"Your Highness dalaw ka uli sa club namin!" imbita naman ng isang taga Leviator na student.
"Well Collhen is also popular pero medyo iwas siya ng kaunti sa mga fans niya" nakangiting sabi ni Elleveranelle habang pinagmamasdan ang kapatid na tahimik na bumalik sa puwesto nito hindi katulad ni Deronellei na patuloy pa din ang pagpapa cute sa mga students.
"I am Prince Aravhone Fivorden deu Trafallalyne, vice captain of the Duel Club and also the Vice Councilor of the Supreme Student Council. I am also the leader of Phermatics Club. Have a pleasant school year to everyone of us!" maikling pagpapakilala ni Aravhone sa sarili sabay balik sa dating puwesto.
"Grabe!!! Ang cute talaga ni Prince Aravhone!" tili ng isang Potions student.
"Mysteriously cute talaga ang kanyang type" kinikilig na sabi naman ng isang Tamers na student.
"Inlove na ako sa kanya sobra!!!" tila hibang na sabi naman ng isang Frasdaer na student.
"Ha ha ha... Kailangan na yatang dalhin sa Imporium yung karamihan ng girls dito" natatawang sabi ni Austorieneette nang makita nito kung paano tilian ng mga babae ang kanyang kuya.
"Eh kahit dalhin sa Imporium ang mga girls dito hindi na sila magagamot ng mga iyon" nakangiting sabi ni Deronellellie.
"I am Prince Kholiche Vhonelleline deu Seychelles. Captain of the Duel Club, Head Councilor of the Supreme Student Council, Head Leader of the Flare Club, Head Prefect of the Prefects Club and the Student Representative of Zeiran Academy" maikli at diretsong pakilala ni Kholiche sa sarili.
Nagulat sila Cashiele, Desdemonadelle at Austorieneette ng isang dumadagundong na hiyawan ang kanilang marinig mula sa halos lahat ng mga female students kasabay ng iba't ibang comment at cheers para dito.
"Prince Kholiche! Will you marry me?!"
"Your Highness you are my dream man!"
"Prince Kholiche let me be your girlfriend!"
"I love you Prince Kholiche!!!"
"I would follow you every where your Highness!"
"Let me be your queen Prince Kholiche!"
"Catch me Prince Kholiche because I am falling for you!"
"Can I be your only flame your Highness?"
"Can you have my heart with yours Prince Kholiche?"
"Well medyo naging tame ang mga girls this year unlike last year na muntik ng magkaroon ng stampede dahil ang daming girls ang gustong malapitan si Vhonelle" natatawang sabi ni Aurorinielle ng mapansin na wala halos nakaupo sa mga girls at patuloy pa din sa paghiyaw ng mga cheers at I love you ang halos lahat ng female students.
"Mukhang nabalitaan na kasi nila na nag enroll na ang girl na rumored girlfriend ni Kholiche" sabi ni Elleveranelle sabay ngiti ng makahulugan kay Cashiele.
"Saka malamang baka magpalabas uli si Kholiche ng flame ghosts kapag mayroong lumapit sa kanya na girl tulad ng ginawa niya last year" natatawang sabi naman ni Deronellellie.
"Ginawa niya iyon?!" shocked na tanong ni Desdemonadelle
"Hinimatay nga sa sobrang takot ang girl na naglakas loob na lumapit kay Kholiche and magsabi ng I love you sa kanya kasi inisnob lang siya ni Kholiche at ng nagpumilit ang girl na pasagutin si Kholiche, nagpalabas siya ng isang flame ghost" kuwento sa kanila ni Deronellellie habang pinipilit na huwag tumawa.
"Eh di nadala na yung girl?" tanong ni Austorieneette.
"Actually no... In love pa din hanggang ngayon yata yung taga Phyretics na girl kay Kholiche eh" sabi ni Elleveranelle habang nililingon ang lugar kung saan nakapuwesto ang mga estudyante ng Phyretics.
"Well they should all back out now dahil dumating na si Cashiele" sabi naman ni Deronellellie.
"And why should they? As if naman Prince Kholiche and I are in good terms... Saka ayaw ko ng magulong student life" nakasimangot na sabi ni Cashiele.
Nagkatinginan ang apat na prinsesa dahil sa sinabi ni Cashiele. Magsasalita sana si Deronellellie ng marinig uli nilang nagsalita si Kholiche kaya ibinaling nilang lahat ang atensiyon dito.
"I would like to clarify something to everyone here... Princess Austorieneette, could you please come here in the stage with the two new students with you?" sabi ni Kholiche.
Nagakatinginan si Cashiele at Desdemonadellle dahil sa narinig nilang sinabi ni Kholiche.
"Uy, akyat daw kayo doon" sabi ni Deronellellie habang tumatayo na si Austorieneette sa kinauupuan nito.
"Bakit namin kailangan pumunta ng stage?" kinakabahang tanong ni Desdemonadelle sa mga prinsesa.
"Baka ipakikilala si Austorieneette sa student body as kapatid ni Aravhone. And since magkakasama kayong tatlo eh damay na din siguro kayong dalawa bilang mga kaibigan niya" hula ni Deronellellie
Tumayo si Aurorinielle at saka hinawakan ang kamay ni Cashiele saka sabing "whatever it is, pumunta na kayong tatlo sa stage at ng malaman na natin ang dahilan" sabi nito kay Cashiele habang hinihila patayo ito.
Nauna ng lumakad si Austorieneette papunta ng stage habang mabagal na sumunod sa kanya sila Cashiele at Desdemonadelle. Habang paakyat ng hagdan ng stage si Austorieneette ay sinalubong siya ng kapatid niya na si Aravhone.
"Welcome in your first senior year lil' sis!" sabi ni Aravhone kay Austorieneette habang inilalahad niya ang kamay sa kapatid para alalayan ito sa pag akyat.
"Kuya Fiorde naman eh, hanggang ngayon little sis pa din tawag mo sa akin?" natatawang simangot ni Austorieneette sa prinsipe.
"As long as wala ka pang asawa Schevalle, ikaw pa din ang little sis ko" sabi ni Aravhone habang nakangiting hinalikan sa pisngi ang kapatid.
Lumapit naman si Ralsheirne sa hagdan at inabangan sa pag akyat si Cashiele at inalalayan ito sa pag-akyat samantalang si Aravhone ay bumaba pa sa stage para salubungin si Desdemonadelle.
Narinig nila Cashiele at Desdemonadelle ang iba't ibang mga comments ng mga students, mapalalake man o mapababae.
"Yung blond hair girl yata ang bunsong kapatid ni Prince Aravhone".
"Ang ganda ng kapatid ni Prince Aravhone. Sabagay puro good looking naman ang apat na royal children ng Geigerelleden Kingdom"
"Yung brunette na girl sobrang kamukha niya si Auror Drimaeras hindi ba?"
"Yung ash gray na may gold streak na buhok, ang ganda niya hindi ba? Sinong princess kaya siya at saan Kingdom galing?"
"Bakit kailangan pang special treatment doon sa dalawang girl nila Prince Ralsheirne at Prince Aravhone?"
"Mayroon yatang lahi ng Sylph yung mayroong ash gray na buhok kasi ang ganda niya"
"Grabe dumagdag si Princess Austorieneette sa listahan ng mga magagandang princess dito sa Zeiran"
"Yung dalawa yata yung rumored flames nila Prince Kholiche at Prince Aravhone eh"
"Mukhang close ng dalawang girl yung apat na prinsipe"
"Ibang klase yung ganda ng ash gray ang buhok. Tapos ang regal tignan naman ng brunette ang buhok"
"Wait, nakita ko na yung dalawang girl na iyan doon sa soiree ni Prince Serionellefe sa Geigerelleden four months ago"
"Pati sila Princess Elleveranelle, Princess Deronellellie at Princess Aurorinielle close ng dalawang new seniors"
"Oo nga eh... Saka narinig kong tinawag ng ash gray hair na senior ng 'Ate Conelle' si Princess Aurorinielle so siguradong they have a special connection"
"Cashiele! Mabuti naman at nakapag enrol ka na din dito! Matatahimik na din sa wakas ang kaluluwa ko!" malakas na sabi ni Deronellei habang tuwang tuwa na mabilis na lumapit kay Cashiele.
"Baka gusto mong tuluyan na talagang manahimik habang buhay Prince Deronellei?" inis na sabi ni Cashiele habang umuurong papunta sa likod ni Ralsheirne.
"Namiss ka lang naman namin eh..." kunwaring malungkot na sabi ni Deronellei na yumuko ng kaunti at pinaglaruan ang mga daliri na tila isang batang pinagalitan.
"Ingat Deronellei at baka bigla kang umapoy sa kinatatayuan mo at tuluyang manahimik nga talaga ang kaluluwa mo" sabi ni Aravhone habang hawak sa kamay si Desdemonadelle na inaalalayan sa pag-akyat ng stage.
"Eh sa namiss ko nga si Cashiele eh... Wala na palaging nang aaway sa akin kapag pumupunta ako ng Fierone" nakangusong sabi ni Deronellei.
"Quit it Deronellei or else..." mahinang banta ni Ralsheirne kay Deronellei sabay tango sa direksiyon ni Kholiche.
Napatingin si Cashiele sa kinatatayuan ni Kholiche at nakita niyang mukhang asar na asar na ito sa kaibigan. Napangiti si Cashiele ng lihim at isang balak ang biglang pumasok sa isip niya. Inilahad niya ang kamay kay Deronellei saka ngumiti dito.
"Okay for old times sake... How are you Prince Deronellei? Namiss ko makipaglaro kila Nourhaie" nakangiting sabi niya kay Deronellei.
Tila na estatwa ang prinsipe ng makita siya nito na nakangiti dito. Lumingon si Cashiele kila Ralsheirne at Aravhone at bakas sa mga mukha nito ang gulat dahil sa pagbago niya ng tono kay Deronellei. Sinulyapan naman ni Cashiele ng palihim si Kholiche at nakita niya na lalong nagdilim ng husto ang mukha nito.
"Baka next time dumalaw kami nila Mama at Papa sa Solositeiren para maka bonding ko si Deronellellie at makita uli sila Nourhaie" dagdag pa ni Cashiele sabay ngiti ng matamis kay Deronellei.
Halos malaglag ang panga ni Deronellei sa gulat ng makitang nakangiti ng matamis sa kanya si Cashiele. Nang makita ng mga students ang eksena sa pagitan ni Deronellei at Cashiele ay nagsulputan na naman ang iba't ibang comments.
"Oh my... Gumanda lalo yung girl nung ngumiti siya kay Prince Deronellei"
"Mukhang hindi naman pala siya ang rumored flame ni Prince Kholiche eh"
"Wala na akong pag asa kay Prince Deronellei kasi in love na siya doon sa bagong senior student"
"Hahamunin kaya ako ng duel ni Prince Deronellei kung liligawan ko yung bagong senior?"
"Mukhang mayroong love triangle between Prince Kholiche, Prince Deronellei at doon sa bagong senior student"
"Nakakatakot naman yung itsura ngayon ni Prince Kholiche! Sigurado nagseselos siya ng husto"
"If I remember right, noong soiree ni Prince Serionellefe eh sila ni Prince Kholiche ang magkapartner right? Or ibang girl ba iyon?"
Ngumiti lalo si Cashiele tapos sabay sabing "actually Prince Deronellei namiss ko kayong tatlo nila Prince Aravhone at Prince Ralsheirne specially yung pagiging mahangin mo" natatawang sabi ni Cashiele.
Narinig ni Cashiele na pinipigil nila Ralsheirne at Aravhone na tumawa samantalang si Deronellei ay parang naguguluhan sa pagiiba ng pakikipag usap sa kanya ni Cashiele. Namimilog ang mga mata nitong lumingon kay Kholiche at nakita nito na masamang masama na ang tingin sa kanya ng kaibigan. Nanlaki ang mga mata ni Deronellei nang nabasa niya ang nasa isip ni Kholiche sa kung ano ang binabalak nitong gawin sa kanya sa mga oras na iyon kaya bigla siyang bumaling kay Cashiele.
"Parang awa mo na Cashiele... Please save me from the torment na pinaplano niyang gawin sa akin! Sobrang nakakatakot lahat ang gusto niyang gawin sa akin... If you want, I will zip my mouth for an entire school year o kaya ako na lahat ang gagawa ng projects and assignments mo o kahit anong gusto mo just please save me Cashiele!" nagmamakaawang sabi ni Deronellei kay Cashiele na lumapit pa ng husto sa kanya habang bakas sa mukha nito ang kaba dahil sa nabasa niyang mga plano ng kanyang kaibigan sa isip nito.
Hindi na napigilan nila Ralsheirne at Aravhone ang tumawa ng malakas dahil sa nakitang kaba ni Deronellei sa gagawin sa kanya ni Kholiche. Si Cashiele naman ay napabuntong hininga habang naririnig niya na pati ang mga prinsesa na sila Austorieneette, Aurorinielle, Elleveranelle at Deronellellie maging si Desdemonadelle ay nagtatawanan din.
"Why are you being so afraid of? Torture lang naman iyon at hindi ka naman niya siguro papatayin hindi ba?" tanong ni Cashiele kay Deronellei.
"What?!" nanghihinang bulong ni Deronellei sabay lingon uli kay Kholiche. Nakita niya na tumaas ang sulok ng mga labi ni Kholiche habang masama pa din ang tingin sa kanya.
"Bro please... Joke lang naman ang mga sinabi ko eh... So please Bro huwag mo akong ipasunog ng buhay sa mga flame ghosts mo o kaya hagupitin ng flame whip o kaya gawing isang human flame torch o kaya ipakain sa mga flame sprites mo. O kahit yun na lang ang mga gawin mo sa akin na torture basta yung Concealment Bro huwag mo gamitin sa akin" pakiusap ni Deronellei sa kaibigan.
"It's so tempting you know Deronellei?" mahinang sabi ni Kholiche.
"Do it to him and you will see what will happen to your plans" hamon ni Cashiele bigla kay Kholiche.
"Huwag mo na siya galitin Cashiele please!" sumamo ni Deronellei na nagtago na sa likod niya.
"Don't worry Prince Deronellei" nakangiting sabi ni Cashiele dito.
"And what do you mean by that Cashiele?" hamon ni Kholiche sa kanya.
"Try me" ganting hamon naman ni Cashiele dito.
Nang marinig ng mga estudyante ang paghamon ni Cashiele kay Kholiche ay napasinghap ang mga ito sabay ulan uli ng mga comments.
"Hindi ba niya kilala si Prince Kholiche para hamunin niya?"
"Akala niya siguro hindi siya papatulan ni Prince Kholiche"
"First time na mayroong humamon kay Prince Kholiche"
"Exciting ang mangyayari kung sakali"
"Ano kaya ang abilities ng new senior na iyan?"
"Sabagay nasa tabi naman niya sila Prince Aravhone at Prince Ralshierne kung sakali"
"Saka baka hindi naman ganoon kalakas ang gagawing pag atake sa kanya ni Prince Kholiche"
"Wait Kholiche... Baka mayroon kang nakakalimutan? Her identity should be a secret" pabulong na biglang sabi ni Ralsheirne.
"No I don't forget Ralsheirne. That is why gusto kong subukan on what she is made of" sagot ni Kholiche.
"Well, what are you waiting for then?" nakataas ang kilay na tanong ni Cashiele kay Kholiche.
"Wait!!! Are you really serious Cashiele na ipatorture ako sa kanya?" kinakabahang tanong ni Deronellei.
"Just stand behind me Prince Deronellei at ako ang bahala sa lahat" sabi ni Cashiele dito na nilingon pa si Deronellei sabay ngiti dito.
Nang makita ni Kholiche na nginitian ni Cashiele si Deronellei ay nagdilim lalo ang mukha nito. Itinaas ni Kholiche ang kanang kamay at inilahad ang palad niya. "Isetchi ile Jinni alve lause deil flama" sabi ni Kholiche. Biglang nagdilim ang buong paligid ni Kholiche at yumanig ng kaunti ang kinatatayuan nito sabay unti unting lumabas mula sa sahig ng stage ang tila mga pulang ulap na pumaligid sa paanan ni Kholiche. Maya maya pa ay nagkahugis ang mga ito na parang mga kalansay na mayroong nakatalukbong na mga kulay pulang, punit punit na hood sa mga bungo at nakalutang sa paligid ni Kholiche. Naghiyawan ang ilang estudyante na babae dahil sa takot ng makita nila ang apat na mga flame ghosts na pinalabas ni Kholiche.
Samantalang si Cashiele naman ay napangiti lang at itinaas ang kaliwang kamay at bumulong. "Zhu shar lind asignz vart ayme oge Sveld!" sabi ni Cashiele ng pabulong. Mula sa kamay niya ay may lumitaw na isang maliit at kulay asul na paruparo at mahinay na lumipad papunta sa ulunan nila Cashiele at Deronellei.
"Is that all you can do hmm Cashiele?" nakangising sabi ni Kholiche sabay taas ng kanang kamay at sinenyasan ang apat na mga flame ghost na sumugod kay Cashiele at Deronellei.
Ngumiti si Cashiele ng makitang pasugod na ang mga flame ghosts ni Kholiche kung kaya tumingala siya sa paruparo na lumilipad sa ulunan niya. Biglang nagliwanag at nagbago ng anyo ang paruparo at naging isang magandang babae na mayroong sobrang haba na kulay silver na buhok at dalawang pares ng pakpak ng tila sa isang paruparo at napapalibutan ng isang kulay asul na mahaba at manipis na sutla. Inilahad nito ang magkabilang palad sa direksiyon ni Cashiele at Deronellei at lumipad sa dalawa ang sutla na nakapaligid dito at pinalibutan si Cashiele at Deronellei. At mula doon ay lumabas ang isang barrier na tila isang makinis na crystal chamber. Nagbulungan ang mga estudyante ng Zeiran ng makita nilang nagbago ng anyo ang paruparo na pinalabas ni Cashiele.
"Hindi ba si Goddess Sveld yan? Ang Barrier Goddess?"
"Wow! First time ko makakita ng isang actual Goddess!"
"Isang Goddess ang familiar ng bagong senior?"
"Ibig sabihin halos kasing lakas ng aura niya ang mga princes at princesses kung mayroon siyang isang familiar na Goddess"
"Imposibleng makalusot ang mga flame ghosts ni Prince Kholiche sa kanya dahil si Goddess Sveld lang ang kayang gumawa ng pinakamatibay na barrier"
"Kaya pala malakas ang loob ng bagong senior na hamunin si Prince Kholiche dahil isang Goddess ang familiar niya"
"Pero mas malakas pa rin si Prince Kholiche ng di hamak doon sa bagong senior dahil mas malakas ang familiar ni Prince Kholiche"
Napangiti si Kholiche ng makita ang pinalabas na familiar ni Cashiele kung kaya ipinitik niya ang mga daliri at biglang tumigil sa pagsugod ang apat na flame ghosts niya at naglaho. Napakunot ang noo ni Cashiele ng makitang biglang naglaho ang apat na flame ghosts samantalang nakahinga ng maluwag si Deronellei na nagtatago sa likuran niya
"Whew!!! Akala ko talagang lilitsunin ako ni Bro... Buti na lang at tinakot lang niya ako" natatawang sabi ni Deronellei habang humahakbang palayo sa likod n Cashiele.
"Who said na tinatakot lang kita?" sabi ni Kholiche sabay ngiti ng misteryoso. Itinaas ni Kholiche ang dalawang kamay at mula sa mga palad niya ay may lumabas na puting apoy. "Ille flama ure firdone alouse Fleireux" sabi ni Kholiche. Isang matinis na ingay na tulad ng isang agila ang narinig ng lahat at mula sa puting apoy na nasa mga palad ni Kholiche ay may biglang sumambulat paitaas na isang matingkad na pulang apoy at mula doon ay unti unting lumitaw ang familiar ni Kholiche na si Fleireux. Ang phoenix na si Fleireux ay ibinigay mismo ng diyos ng apoy na si Fleirez noong sanggol pa lamang si Kholiche bilang kanyang bantay at familiar. Si Fleireux ay may kakayahang basagin ang lahat ng klase ng barrier, hilumin ang kahit anong sugat, ineutralize ang kahit anong lason, magpalabas ng iba't ibang klase ng apoy at kaya nitong sunugin ang kahit na anong bagay sa pag-uutos ni Kholiche. Nang makita ng mga students ng Zeiran ang pag summon ni Kholiche ng kanyang familiar ay iba't ibang comments na naman ang naglipana.
"Wow, seryoso nga talaga si Prince Kholiche na sunugin si Prince Deronellei"
"Ngayon lang nag summon ng familiar si Prince Kholiche hindi ba? At hindi pa ito mismong duel"
"Iba pala magselos si Prince Kholiche. Sobrang nakakatakot."
"Walang laban ang Goddess of Barriers sa sacred phoenix ni Fire God Fleirez"
"Pero malay natin baka magtawag pa ng isang Goddess yung bagong senior"
"Pero bakit ganun wala pa rin inilalabas na aura yung new senior student samantalang si Prince Kholiche naglabas na ng kaunti sa aura niya?"
"Uy Cashiele!" untag ni Prince Deronellei kay Cashiele na napabalik sa likuran nito ng makitang inilabas na ni Kholiche ang phoenix familiar niya.
Ngumiti si Cashiele sabay lahad ng isa pang palad at lumabas naman dito ang isang pula na bolang apoy.
"What?! Are you freaking kidding me?! Don't tell me Cashiele that you are a fire manipulator also?" gulat na sabi ni Deronellei kay Cashiele ng makitang naglabas ito ng bolang apoy mula sa palad.
"Not only these Your Highness" sabi ni Cashiele sabay tulak pataas ng apoy mula sa palad niya at kumumpas si Cashiele sa harap niya at mula doon ay mayroong lumitaw na mga bola ng elemento na asul para sa tubig, puti para sa hangin at berde para sa lupa. Ikinumpas ni Cashiele ang kamay at lumutang ang tatlong bola pataas at sumama ito sa pulang bola ng apoy na nakalutang sa tapat ni Cashiele.
"Whoa!!! Four elemental spheres in one summon?!" gulat na sabi ni Aravhone.
"Well as expected from her" napapangiting sabi naman ni Ralsheirne.
"Uy Bessy... Baka mapaano ka na niyan" nag aalalang sabi naman ni Desdemonadelle.
"This should be interesting" sabi ni Austorieneette na pinanonood ang nagaganap na munting duel.
"Well she is 'their' daugther so it's not a surprise na kaya niyang kumontrol ng apat na elemento" nakangiting sabi ni Elleveranelle kay Aurorinielle.
"No doubt about that" sang-ayon ni Aurorinielle sa kaibigan habang pinagmamasdan ang reaction ng kapatid.
"She is pretty, charming and powerful. A deadly combination para sa kahit anong guys kahit pa kay Prince Kholiche" komento ni Deronellellie na amused na pinanonood ang nangyayari.
"Ito ang first time na nakakita ako ng isang summon na nagpalabas ng four elemental spheres"
"From what Kingdom ba siya galing?"
"Ibig sabihin ba nito that she is way more powerful kaysa sa apat na elemental prince?"
"Aside from having a Goddess as a familiar, element summoner din siya?"
"Yung four elemental princes ay hindi kaya magpalabas ng apat na elements na katulad ng ginawa ng bagong senior hindi ba?"
"Hindi kaya taga Ryuurhan Academy siya that is why kaya niya ang four element summon?"
"Wala pa ni isa sa history books natin ang nagsabi na mayroong kayang gumawa ng four element summon ng sabay sabay hindi ba?"
"Hindi ba mahirap magsummon ng isang element sphere?
"Eh di walang laban ang kahit na sinong students sa kanya?"
"Eh mukhang wala naman yatang hahamon ng duel sa kanya eh"
"Saka nakakatakot kaya lumaban or humamon sa isang elemental wielder. Paano pa kaya yung tulad niya na kaya ang apat na element summon?"
"Paano siya nakagawa ng four element summon ng sabay sabay aside pa sa pagtawag niya kay Goddess Sveld ng hindi naglalabas ng malakas na aura?"
"If she have a Goddess as a familiar at four element wielder siya, she must be a very powerful student para makaya niyang itago ang isang malakas na aura"
Ito ang ilan sa mga iba't ibang reaksiyon na narinig sa buong Grand Hall nang masaksihan nila na nag summon ng apat na elemento ng sabay sabay si Cashiele.
Napangiti si Kholiche sabay senyas kay Fleireux na umatake. At dahil napatingin si Cashiele kay Fleireux ay hindi niya napansin na nag apparette ang prinsipe. Nagulat si Cashiele ng biglang lumitaw sa harap niya si Kholiche.
"How did you-" gulat na sabi ni Cashiele ng makitang nakapasok si Kholiche sa loob ng barrier na ginawa ng Goddess na si Sveld.
"Well done Shire... As expected from you..." bulong ni Kholiche kay Cashiele sabay hapit sa balakang ni Cashiele at halik sa mga labi niya.
Dahil sa gulat ay biglang nanlaki ang mga mata ni Cashiele at nawala ang concentration niya kung kaya biglang naglaho si Goddess Sveld at ang apat na elemental spheres sa ibabaw niya. Kasabay ng paghalik sa kanya ni Kholiche ay siyang pagkawala naman ni Fleireux at pagsinghap ng lahat ng mga estudyante na nakasaksi sa paghalik ng prinsipe sa bagong estudyante.
"He marked his territory" sabi ni Aurorinielle sabay tawa nilang dalawa ni Elleveranelle.
"Nice move, tactical and very sly" sabi naman ni Deronellellie na napa ismid pa.
"Well now that everyone saw that Prince Kholiche has taken Cashiele's kiss, wala nang magbabalak pa na manligaw sa kanya" tumatawang sabi ni Aravhone.
"You are so cruel Bro. Ginamit mo pa ako para lang makahalik kay Cashiele..." nanlulupaypay na sabi ni Deronellei na napaupo pa sa sahig ng stage.
"Well, well, well... All is well that ends well I think" napapangiting sabi ni Ralsheirne.
"What!!! Hinalikan ni Prince Kholiche ang new senior!"
"Wala na... Ibig sabihin taken na ang prince ko"
"Taken na agad ang bagong senior?"
"Ibig sabihin totoo ang rumor na mayroong girlfriend talaga si Prince Kholiche?"
"Does it mean na they are already an official couple?"
"Well ayaw ko maging abo so hindi ko na lang liligawan ang bagong student"
"Crush ko pa naman yung bagong senior student"
"Mayroon ng bagong love team dito sa Zeiran aside from Prince Reisemondue at Princess Aurorinielle"
"Eh bakit parang hindi naman yata sila on good terms ni Prince Kholiche?"
"Hindi pa naman sila official couple right? So mayroon pa akong pag asa kay Prince Kholiche"
"Oh my goodness... I wish na ako na lang sana yung bagong senior na student"
"Exciting ang bagong school year na ito. I am really glad na pumasok na ako dito sa Zeiran"
Nakangiting unti unting inangat ni Kholiche ang mga labi niya mula sa mga labi ni Cashiele at tinitigan ito sa mga mata. "I missed your barbs Shire. No doubt that this school year would be an interesting one" bulong ni Kholiche sabay bitaw kay Cashiele.
Naningkit ang mga mata ni Cashiele dahil sa ginawang paghalik sa kanya ni Kholiche at nang binitawan siya nito ay lumipad ang kanyang nakakuyom na kamao papunta sa mukha ni Kholiche. Nakangiting sinalo ni Kholiche ng kanyang kamay ang kamao ni Cashiele at sabay hinila ito palapit sa kanya.
Lumingon si Kholiche sa lahat ng mga estudyante saka sinabing "as you have witnessed just now that the new students, Princess Austorieneette is the youngest royale of Geigerelleden and the only sister of Prince Aravhone, while Desdemonadelle is the only child of Auror Drimaeras and Auror Froiste. And as for the lady with me now, Cashiele is under my protection and anyone who would try to hurt or insult her or anything at all will answer to me as the Head Councilor of the Supreme Student Council and I will not hesitate to challenge anyone in a duel if it needed. I haven't been made the Captain of the Duel Club for nothing. I hope I have made myself clear because this is the first and the last time I will give everyone a warning" seryosong sabi ni Kholiche saka nito binitawan si Cashiele sabay tumalikod at nag apparette. Naiwang tahimik ang buong Grand Hall samantalang si Cashiele naman ay nilapitan nila Ralsheirne, Aravhone, Desdemonadelle at Austorieneette.
"Now I can breath freely..." sabi ni Deronellei habang tumatayo.
"Well you got yourself an infinite protection from bullies here in Academy, Cashiele" nakangiting sabi ni Ralsheirne kay Cashiele.
"No one would dare to lay a finger on Cashiele since Kholiche made a very excellent example on Deronellei a while ago if he is provoked" sabi naman ni Aravhone na pinipigilang tumawa.
"Bessy okay ka lang ba? Baka mamaya mapagod ka ng sobra sa pagpapalabas ng Goddess at ng apat na elemental summons" nag aalalang sabi ni Desdemonadelle sa kanya na lumapit sa tabi niya.
"Very unique way of making himself aware to Cashiele huh?" nakataas ang kilay na sabi naman ni Austorieneette
"Well what can we say about that small act a while ago... It's very entertaining not to say very funny specially having Sevielle looked like a weakling" tumatawang sabi ni Deronellellie habang paakyat sa stage kasama sila Aurorinielle at Elleveranelle.
"Kholiche has a way to make himself clear to everyone with just one threat" nakangiting sabi naman ni Elleveranelle
"But then again, I am amazed at Cashiele when she showed that she is not afraid at all to Kholiche. And what's more when she matched his summon with hers" nakangiting sabi ni Aurorinielle habang nilalapitan si Cashiele.
Tahimik si Cashiele habang naririnig niya ang mga reaction ng mga estudyante at ng mga kaibigan. Hindi niya lubos maisip kung anong nangyari at biglang bumaligtad ang sitwasyon. Idinampi ni Cashiele ang mga daliri sa labi niya dahil hanggang ng mga sandaling iyon ay ramdam pa din niya ang halik ni Kholiche sa kanya.
"Ang first kiss ko..." bulong ni Cashiele habang unti unting namumuo ang luha sa mga mata.
"So does it means that you are her girlfriend now?" tanong ni Desdemonadelle sa kanya.
Napatingin si Cashiele kay Desdemonadelle at nang makita niyang nakatingin ang lahat sa kanya ay napaiyak siya at yumakap kay Aurorinielle.
"Ate Conelle! Ang sama niya!" umiiyak na sabi niya habang nakasubsob sa dibdib ni Aurorinielle.
"He is just protecting you here in the Academy, Cashiele. That is what I think on his motive on the announcement of his claim to you" nakangiting alo sa kanya ni Aurorinielle habang hinihimas ang likod ni Cashiele.
"And besides don't you think it's about time na magkabati na kayo ni Kholiche?" sabi naman ni Elleveranelle sa kanya.
"Never!!! Baka mapatawad ko pa siya kung hindi niya ako hinalikan!" umiiyak na sabi ni Cashiele.
Nagtawanan ang kanyang mga kaibigan ng marinig nila ang sinabi ni Cashiele.

Flame and Ice LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon