Chapter 8 A day together...

5 0 0
                                    

Paakyat ng hagdan sila Cashiele at Desdemonadelle sa Crescent Dormitory upang magpahinga dahil kakagaling lang nila ng town center upang mamili ng mga ingredients at libro na gagamitin nila sa kanilang mga klase. At dahil weekend ay half day lang ang pasok sa Zeiran at wash day ng mga estudyante kung kaya nakasuot si Cashiele ng kulay floral pink na summer dress at sandals samantalang si Desdemonadelle naman ay naka off shoulder light green blouse, white pants at doll shoes na puti.
"Cashiele, may dumating na naman na mga letters" sabi ni Austorieneette na pababa nang makasalubong nito sila Cashiele paakyat ng dormitoryo. May hawak ang prinsesa na isang maliit na basket na may mga sulat at kung ano ano pa.
"Bessy mukhang hindi ka na titigilan ng mga guys hanggang dumating ang Full Moon Ball" natatawang sabi ni Desdemonadelle habang paakyat sila ni Cashiele sa kuwarto nilang dalawa bitbit ang mga pinamili
"May nagbago ba? Sa loob ng four years ko dito sa Zeiran ay palagi na akong nakakatanggap ng mga invitations na ganyan pero hindi ko alam kung bakit itong year na ito ay naging triple pa" naiiling na sabi ni Cashiele habang inaabot ni Austorieneette ang maliit na basket ng mga sulat na nakalagay sa iba't ibang kulay na mga sobre. Ang ilan sa mga sulat ay may mga kasamang bulaklak, Choimere Sweets at kung ano ano pa.
"Well I think mayroon pa din nag-aaspire na piliin mo sila since malapit na din ang Soiree mo not to mention na ang Full Moon Ball is just three weeks from now" sabi ni Austorieneette
"Wala akong balak tumanggap ng kahit anong invitations para sa Full Moon Ball. Gusto ko sanang pumunta ng Aurione that day para bisitahin sila Mama at Papa" sabi ni Cashiele bago ito bumaling kay Austorieneette. "How about you? Madami ka din namang natatanggap na mga invitations hindi ba? So may napili ka na ba?" tanong niya sa prinsesa.
Biglang namula ang mukha ni Austorieneette at nag-iwas ng tingin sa kanila ni Desdemonadelle kaya nagkatinginan silang dalawang magkaibigan sa naging reaksiyon ng prinsesa.
"Okay never mind the question" natatawang sabi ni Cashiele bago sinabing "pupunta kami ng town center tomorow afternoon uli, gusto mong sumama?" tanong niya sa prinsesa.
"Actually doon ako pupunta ngayon kasi mayroon akong kameet up na friend doon" sabi ni Austorieneette sa magkaibigan.
"Oo nga pala every weekend ka pumupunta ng town center. Nasaan sila Prince Aravhone ngayon?" tanong ni Cashiele.
"Nasa headquarters silang apat ngayon ang alam ko pero hindi ko sure kasi may plano daw lumabas silang apat" nakangiti ng misteryosong sagot naman ni Austorieneette tapos ay nagmamadaling nilagpasan na sila nito sa hagdan habang nagpatuloy na sila Cashiele at Desdemonadelle sa pag-akyat.
"Shucks!!! I almost forgot" narinig nila Cashiele na sabi ng prinsesa kung kaya napalingon silang dalawa ni Desdemonadelle dito. "Kuya Fiorde and Kholiche said na kapag nakita ko daw kayong dalawa ay papuntahin ko daw kayo sa Ellsentrallie this afternoon" sabi nito habang nakatingala sa magkaibigan.
"Sa Ellsentrallie? Bakit doon?" takang tanong ni Desdemonadelle.
"I don't exactly know eh basta mayroon akong narinig na something about the coming Full Moon Ball" sabi ni Austorieneette na nakangiti ng makahulugan bago ito kumaway sa kanilang dalawa at nagmamadaling bumaba na ng hagdan palabas ng dormitoryo.
Isang linggo ang matulin na lumipas magmula ng nagkabati sila Kholiche at Cashiele at sa loob ng mga panahong iyon ay hindi lumilipas ang isang araw na hindi nagkikita ang dalawa. May mga pagkakataon na pinupuntahan ni Kholiche si Cashiele sa mga lugar na alam nitong naroon si Cashiele o kaya ay mayroon itong inuutusan na hanapin si Cashiele para sabihin na puntahan si Kholiche sa Supreme Student Council Headquarters ng mga ito o kaya sa Podium. Madalas ng nakikitang magkasama ang dalawa at palaging nakikitang masayang nagkukuwentuhan na kahit ang mga miyembro ng fans club ng prinsipe ay naninibago dahil ang dating suplado at malamig na prinsipe ay palagi ng nakikitang nakangiti at masaya lalo na kapag kasama si Cashiele. Alam ni Cashiele na mayroong kumakalat na mga tsismis na magnobyo na daw sila ni Kholiche, mayroon ding kumakalat na si Cashiele na ang napiling next na candidate para sa Head Councilor ng Supreme Student Council. Pero dahil sa pagkakabati nilang dalawa ay lalong dumami ang mga lalakeng estudyante na nagpapadala ng mga love letters at mga token of admiration kay Cashiele na para bang nawala na ang takot ng mga ito sa 'Untouchable Flame'.
"So ikaw Bessy mayroon ka na bang natanggap na invitation na gusto mong tanggapin?" tanong ni Cashiele kay Desdemonadelle.
"Ahm... Wala din... Saka tulad mo, gusto ko dumalaw sa Reimiesrch kasi ang tagal ko ng hindi nakikita si Papi" sabi ni Desdemonadelle na ang tinutukoy ay ang ama nito na tagapamahala ng isa sa mga pangunahing templo ng Fierone.
"Wierd huh..." natatawang sabi ni Cashiele dahil alam niyang gusto ni Aravhone na maging Enchantress nito si Desdemonadelle sa parating na Full Moon Ball.
"Ikaw ang mas wierd Bessy dahil ikaw ang pinaka popular na female student pero wala kang tinatanggap na kahit anong invitation" natatawang sabi ni Desdemonadelle.
"Wala naman kasi sa akin ang position na iyon eh saka mas magiging magulo lang ang lahat lalo kapag alam ng lahat na may pinili na ako. Baka mamaya niyan eh umulan ng mga Duel Application at Challenges sa Duel Club" sabi ni Cashiele.
"Wala naman sigurong hahamon kay Prince Kholiche kapag siya ang pinili mo eh" nanunuksong sabi ni Desdemonadelle.
"Har, har, har... Funny mo Bessy ha" sarcastic na sabi ni Cashiele habang binubuksan ang pinto ng kuwarto nilang dalawa ni Dedemonadelle.
Ang bawat kuwarto ng Crescent dormitory ay mayroong dalawang students na maaaring umukupa ng bawat kuwarto. Ang isang kuwarto ay mayroong sariling sala, kusina, banyo, dalawang kuwarto, isang laundry at storage area. Sa lahat ng female dormitories ng Zeiran, ang Crescent Dormitory ang pinakasikat at pinakamalaki sa lahat ng anim na female dormitories ng Academy at karamihan sa mga boarders nito ay mga sikat na estudyante tulad nila Cashiele, Desdemonadelle, Austorieneette at Deronellellie. Dati din boarders ng dormitoryo sila Aurorinielle at Elleveranelle pati na ang mga nagdaang mga prinsesa ng apat na kaharian. Pagpasok nila Cashiele at Desdemonadelle sa kuwarto nila ay agad nilang napansin ang isang bouquet ng Dreastrille flowers na nakapatong sa mesa na nasa gitna ng sala at may nakasingit na sulat sa pagitan ng mga bulaklak. Sa tabi nito ay isang kulay lilac na damit na may kasamang sapatos at sa ibabaw ng mga ito ay isang papel na nakasulat ang pangalan ni Desdemonadelle.
"Bessy, bongga ng admirer mo" manghang sabi ni Cashiele na ibinaba ang mga biniling gamit at ang basket ng mga sulat habang tinitignan ang bulaklak at ang damit sa mesa.
"No way... Paanong naipasok yan sa kuwarto natin?" takang tanong ni Desdemonadelle habang dinadampot ang sulat sa pagitan ng mga bulaklak at sa ibabaw ng damit pagkatapos ipatong sa upuan ang biniling mga gamit.
"Baka mayroong pinakiusapan ang admirer mo na ipasok yan dito" hula ni Cashiele habang binabasa ni Desdemonadelle ang mga sulat.
"Oh... My... Bessy..." pabulong na sabi ni Desdemonadelle kaya napalingon si Cashiele dito. Napansin ni Cashiele na namumula ito at halatang hindi makapaniwala habang inaangat ang tingin mula sa mga sulat.
"Bakit?" agad na tanong ni Cashiele saka lumapit dito.
"Read this Bessy" tulalang sabi ni Desdemonadelle habang inaabot kay Cashiele ang dalawang sulat.
"For so many years, I have been meaning to give this to you... If you please accept this flowers as a token of my affection and esteem" basa ni Cashiele sa sulat na nasa bulaklak. Napakunot noo si Cashiele ng mabasa ang sunod na sulat na may pangalan ni Desdemonadelle. "All of this past years, I have been loving you from the distance. And I have been a coward to tell you what I really feel. Wear this dress before you go in Ellsentrallie..." sa baba ng sulat ay nakasulat ang pangalan ni Aravhone.
"Bessy!!! This is it!!!" kinikilig na tili ni Cashiele habang palundag na niyakap ang tulala na si Desdemonadelle.
"Bessy... Sabihin mo... Nasa Orchard tayo at nakaupo sa favorite shade natin hindi ba? At nakatulog ako kaya ito ang panaginip ko ngayon?" tulalang bulong ni Desdemonadelle.
Biglang kinurot ni Cashiele sa pisngi si Desdemonadelle sabay pabirong inalog ito at sinabing "snap out of it Bessy!!! Bilis magbihis ka na!" nagmamadaling sabi ni Cashiele bago dinampot ang damit at sapatos saka hinatak si Desdemonadelle papunta sa kuwarto nito.
Tulalang nagpahatak si Desdemonadelle kay Cashiele at tinulungan pa siya nito na magbihis dahil halos hindi gumagalaw si Desdemonadelle at parang nawala na sa katinuan na nakatulala lang.
"Grabe Bessy!!! Ang ganda mo sa damit na binigay ni Prince Aravhone!" sabi ni Cashiele habang pinagmamasdan ito matapos makapagbihis.
"Huh?" pabulong na sabi ni Desdemonadelle habang unti unting nilingon si Cashiele.
"Hay naku Bessy... Ako na nga bahala mag-ayos sa iyo" natatawang sabi ni Cashiele ng makitang hindi pa din makapaniwala si Desdemonadelle. 'Ille fellise truenter sharente isfille' sabi ni Cashiele habang inihaplos ang kaliwang kamay sa buhok ni Desdemonadelle. Nahati sa kanang bahagi ang buhok ni Desdemonadelle samantalang umangat ang dulong bahagi at kumulot ito bago umikot papunta sa tuktok na ulo nito at pumihit paloob para magmistulang isang hugis bulaklak ang ayos ng buhok nito at may ilang hibla ng buhok nito ang naiwan sa gilid ng tainga nito. Bumalik si Cashiele sa sala at pinitas ang pinakamalaking bulaklak ng Dreastrille na kulay puti at isinama ito sa buhok ni Desdemonadelle sa bandang gilid ng nakaayos na buhok nito. Ipinitik ni Cashiele ang mga daliri sa tapat ng mukha ni Desdemonadelle at nagkaroon ng kulay pink blush sa mga pisngi nito at faded lilac eyeshadow samantalang sa mga labi ni Desdemonadelle ay nagkaroon ng glazed cinnamon na shade.
"Ayos na Bessy!!! Siguradong matutulala si Prince Aravhone sa iyo" tuwang tuwa at kinikilig na sabi ni Cashiele ng matapos ayusan si Desdemonadelle.
"Huh?" wala pa din sa sariling sagot ni Desdemonadelle.
Sasagot sana si Cashiele ng marinig niya na may kumatok sa pinto kung kaya agad siyang lumabas ng kuwarto ni Desdemonadelle para tignan kung sino ang kumatok. Pagbukas ni Cashiele ng pinto ay nakita niya ang personal na tagapagsilbi ni Aravhone sa Podium na si Justride na suot ang formal racing attire ng mga tagapagsilbi ng Geigerelleden na green hunter's cap na may white and green plume at black suit na may green and silver badges na siyang kulay ng livery ng kaharian nila Aravhone.
"Ms.Cashiele, pinapasundo kayong dalawa ni Ms.Desdemonadelle ni Prince Aravhone" magalang nitong sabi pagkatapos nitong yumukod bilang pagbati kay Cashiele.
"Ah okay... Kakatapos pa lang mag-ayos ni Desdemonadelle. Pasok ka muna para hindi ka mainip" anyaya ni Cashiele dito.
"Sorry Ms.Cashiele pero ipinagbabawal sa amin ang tumapak sa loob ng kahit anong room that is used by ladies" magalang nitong tanggi sa paanyaya ni Cashiele.
"Oh is that so... Sige lalabas na kami ni Bessy" sabi ni Cashiele na agad tumalikod at nagmamadaling bumalik sa kuwarto ni Desdemonadelle.
"Uy Bessy!!! Pinapasundo na tayo ni Prince Aravhone!" nagmamadaling sabi ni Cashiele sa kaibigan na hindi gumagalaw mula sa kinauupuan nito sa tapat ng salamin.
Napakurap si Desdemonadelle bago sinabing "bakit? Saan tayo pupunta?" litong tanong ni Desdemonadelle.
"Hay naku Bessy... Let's go na nga lang para bumalik na ang katinuan mo" natatawang sabi ni Cashiele bago hinatak patayo si Desdemonadelle mula sa upuan at lumabas na sila ng kuwarto.
"Ready na kami Justride" sabi ni Cashiele sa tagapagsilbi ni Aravhone na yumukod agad at sinabing "after you ladies" sabi nito at nagbigay daan sa magkaibigan para makalabas na ng kuwarto.
Paglabas nila ng kuwarto ay napuna nila na may ilang estudyante ang nasa hallway at nag-uusisa dahil mayroong nakalatag na red carpet sa hallway at may nakakalat ding mga petals. Naunang maglakad sila Cashiele at Desdemonadelle habang nakasunod sa kanilang dalawa si Justride. Pagbaba nila sa main hall ng dormitoryo ay nakita nila na may isang puting open carriage na hatak ng isang pares ng kulay puting Creveoll na nakilala ni Cashiele na personal na inaalagaan ni Aravhone sa Fresille Gamekeep, na nasa bukana ng double door ng dormitoryo habang mas madaming estudyante ang nasa labas at halatang nagtataka at kinikilig sa nakikitang eksena. Nilagpasan sila ni Justride at ipinagbukas sila ng pinto ng makalapit sila ni Desdemonadelle sa karwahe. Inilahad ni Justride ang palad upang alalayan silang makaakyat ng karwahe at ng makaupo ng maayos ang magkaibigan ay pumunta ito sa likod ng karwahe at naupo sa footman's seat ng karwahe.
"Ellsentrallie" sabi ni Justride sa coachman na agad namang sumunod.
"Grabe Bessy!!! Over to the max ang pangliligaw ni Prince Aravhone sa iyo" pabulong na sabi ni Cashiele habang tumatakbo ang karwahe papuntang Ellsentrallie.
"Bessy... Totoo ba talaga ang lahat ng ito?" pabulong na tanong ni Desdemonadelle na halatang hindi pa din makapaniwala.
"Desdemonadelle Cypreanel Asremoaner des Seruveone kapag hindi ka pa naniwala ay itutulak na kita dito sa karwahe at ng magulungan ka. Siguro naman kapag naramdaman mo na bali bali ang katawan mo ay maniniwala ka na totoo ang lahat" natatawang sabi hi Cashiele sa kaibigan.
"It's just that sa sobrang tagal na itinago ko ang nararamdaman ko para kay Prince Aravhone at last malalaman ko na kung pareho kami ng nararamdaman" niiyak na sabi ni Desdemonadelle.
"Bessy... Kahit kanino mo itanong, sobrang obvious na pareho kayo ni Prince Aravhone ng nararamdaman and yet pareho din kayong nag-aalangan na magtapat" sabi ni Cashiele sa kaibigan.
"Pero Bessy on the way he treats me and every other girls dito sa campus ay pare-pareho lang so I just kept my feeling for him hidden kasi sobrang nakakahiya kung hindi naman pala kami pareho ng nararamdaman" sabi naman ni Desdemonadelle.
"You are wrong Bessy... Iba ang trato sa iyo ni Prince Aravhone to the point na it's all very obvious sa buong Zeiran na ikaw ang gusto niya" paliwanag ni Cashiele.
"But..." sabi ni Desdemonadelle pero hindi na nito natuloy ang sasabihin ng narinig nila si Justride mula sa likod nila.
"Ms.Cashiele, Ms.Desdemonadelle, we are already here sa Ellsentrallie" sabi nito kung kaya nag-angat ng tingin ang magkaibigan at nakita nilang papasok na sila sa bukana ng Ellsentrallie.
Ang Ellsentrallie ay isang lugar sa Zeiran na kung saan madalas na ginaganap ang mga kasalan at engagement party dahil sa napakaromantic na atmosphere ng buong lugar. Madami din mga bumibisita sa lugar na ito upang mag-unwind, magpicnic o kaya ay makipagkita sa mga kaibigan o kaya sa mga kasintahan. Isa itong tila malaking hardin na mayroong ampitheater sa gitna at mayroong malaking pond na may malaking gazebo sa gitna na kayang ukupahin ng mahigit isang daang katao na malapit sa boundary ng Ramerine Forest. Iba't ibang klase ng mga bulaklak ang nakatanim sa buong paligid at kapag sumapit na ang dilim ay kusang lumiliwanag ang buong lugar dahil sa Hashisev fungi na nakakalat sa lupa ng Ellsentrallie kung kaya nagmimistulang isang parang panaginip ang buong lugar.
Nakita nila Cashiele at Desdemonadelle na mula sa bukana ng Ellsentrallie ay mayroong nakalatag na red carpet na may mga petals ng mga bulaklak at naririnig nila ang orchestra at choir ng Zeiran Academy na Zeiran Herald Symphony. Sa magkabilang gilid ng carpet ay may estudyante at mamamayan ng siyudad ng Zeiran na halatang inaabangan ang mga mangyayaring mga eksena. Bumaba si Justride at ipinagbukas sila ng pintuan habang nakalahad ang palad nito upang alalayan sila Cashiele at Desdemonadelle sa pagbaba. Nang makababa ang magkaibigan ay napuna nilang lalong dumami ang mga nag-uusisa na mga tao sa buong kahabaan ng red carpet.
"Bessy... Balik na kaya tayo sa dorm?" pabulong na sabi ni Desdemonadelle na kumapit ng mahigpit sa braso ni Cashiele.
"Loka!!! Eh di gusto mong nagpakamatay si Prince Aravhone kapag hindi ka sumipot sa declaration niya" natatawang bulong ni Cashiele sa kaibigan na nanlalamig ang mga kamay.
Nagulat ang magkaibigan ng biglang nag-apparette sa harap nilang dalawa ang mga magulang ni Desdemonadelle na sila Auror Drimaeras at Auror Froiste
"It's been four months since I last saw my little darling" sabi ng ama ni Desdemonadelle na si Auror Froiste.
"And time passes by so quickly na we just realized na ang aming little darling ay isang dalaga na" nakangiting sabi ng ina nito na si Auror Drimaeras.
"Mami! Papi! Bakit kayo andito?!" gulat na sabi ni Desdemonadelle na nagmamadaling yumakap sa magulang nito.
"Well... We received an invitation and frankly we have been waiting for it for a long time since noong una siyang nagpaalam sa amin six years ago" misteryosong sabi ni Auror Froiste sa anak bago bumitaw dito at bumaling kay Cashiele. "Can you accompany our daugther?" hiling nito kay Cashiele.
"Of course Auror Froiste" sagot ni Cashiele.
"We will wait for you Cyreald" sabi ng ina nito na si Auror Drimaeras na naiiyak na bumitaw kay Desdemonadelle bago humawak sa asawa at nag apparette ang mga ito.
"So let's go Bessy" sabi ni Cashiele bago hinawakan ang kamay ni Desdemonadelle at nagumpisa silang maglakad sa red carpet.
Habang nilalakad nilang dalawa ang red carpet ay may ilan sa mga nasa gilid ng red carpet ang nagsasaboy ng mga petals habang ang iba naman ay nagbubulungan.
"So it means si Desdemonadelle ng Spellcast talaga ang magiging Enchantress ni Prince Aravhone?".
"Si Prince Aravhone ang first sa apat na elemental prince na gagawa ng declaration".
"Ibig sabihin wala na dapat maginvite kay Desdemonadelle kasi sigurado ilalampaso lang sila ni Prince Aravhone kapag hinamon siya ng duel".
"Sabagay matagal ng halata kay Prince Aravhone na gusto niya talaga si Desdemonadelle".
"Frankly I am disappointed kasi ang akala ko na mauunang gumawa ng declaration ay si Prince Kholiche".
"Puwede pa naman siguro kaming mga members ng fans club ni Prince Aravhone na magkagusto sa kanya hindi ba?".
"So we will have to wait and see kung sino ang susunod sa natitirang tatlong elemental princes ang gagawa ng declaration".
"How sweet naman ni Prince Aravhone para dito sa Ellsentrallie gawin ang kanyang declaration ".
"Not bad... Maganda ang napili ni Prince Aravhone".
"Isn't she is the daugther ng fire sprite tamer na si Auror Froiste? So ibig sabihin she can also tame a fire sprite?".
Lalong namula si Desdemonadelle dahil sa mga narinig at pati si Cashiele ay hindi napigilang mapangiti bago sinabing "Bessy your happiness is almost near" sabi niya ng makitang naghihintay si Aravhone sa ilalim ng isang trellis archway na nagagapangan ng kulay lilac ng mga bulaklak ng Dreamist.
Nakasuot ang prinsipe ng puting long sleeve na polo na bukas ang unang tatlong butones at itim na slacks at itim na sapatos. Mayroon itong hawak na isang pirasong malaking kulay puti na Chrosenthie sa isang kamay habang nakapamulsa naman sa pantalon nito ang isang kamay. Huminto si Cashiele sa paglalakad at hinayaan si Desdemonadelle na magpatuloy sa paglapit sa prinsipe na halatang sobrang kinakabahan.
"Hi Shire!" narinig na Cashiele na bati ni Kholiche mula sa likod niya kung kaya napalingon siya sa kanan niya. Nakita niya si Kholiche na nakangiti sa kanya habang nakatayo ng ilang hakbang ang layo sa kanya. Nakasuot ito ng gray na sweatshirt na pinatungan ng off white na cardigan at itim na pantalon at itim na running shoes at halatang kasabwat ito ni Aravhone sa gagawing declaration ng prinsipe dahil medyo lukot ang damit nito at mukhang pagod ito.
"Vhonelle!" tuwang sabi ni Cashiele bago nagmamadaling lumapit sa prinsipe. "Bakit hindi mo man lang ako sinabihan ng tungkol sa declaration ni Prince Aravhone? Pareho kaming nashock ni Bessy kanina sa dorm" mahinang sabi ni Cashiele ng makalapit sa prinsipe.
"Dahil kapag sinabihan ka namin ay baka hindi mo mapigil ang dila mo at masabi mo kay Desdemonadelle ang surprise" nakangiting sabi ni Kholiche bago inabot ang kamay ni Cashiele at hinila papunta sa gilid ng red carpet at naglakad malapit sa arched trellis. May ilang mga estudyante at mamamayan ng Zeiram ang nakakita sa dalawa at umugong uli ang mga bulungan.
"Bagay na bagay tignan sila Prince Kholiche at Cashiele hindi ba?".
"Well what do you know? Maybe Prince Kholiche would be the next to have a declaration".
"Isa isa ng nagkakaroon ng relationship ang apat na elemental princes".
"How I wish na ako ang makakuha ng isa sa declaration nila Prince Ralsheirne at Prince Deronellei".
"They are a perfect match dahil si Prince Kholiche ang pinaka outstanding among the students and princes dito sa Academy while Cashiele is the most famous female student due to her ability to summon four elements".
"I thought at first na si Cashiele at Prince Ralsheirne talaga ang magiging couple".
"The Full Moon Ball will be the most exciting event dahil sa four elemental princes and their Enchantresses".
"So Shire what can you say about Aravhone's declaration?" pabulong na sabi ni Kholiche habang pinagmamasdan nila si Desdemonadelle na marahang lumalapit kay Aravhone.
"Shh! I will tell it to you later. Gusto ko marinig ang sasabihin ni Prince Aravhone kay Bessy" mahinang saway ni Cashiele bago itinuon ang pansin sa dalawa.
Nang makalapit si Desdemonadelle ng ilang hakbang kay Aravhone ay humarap ng maayos si Aravhone kay Desdemonadelle tapos ay huminga ng malalim bago sinabing "Desdemonadelle Cypreanel Asremoaner des Seruveone, you and I have known each other for the past ten years. Everytime na nagpupunta ako ng Fierone to have my classes with Kholiche and the others, palagi akong umaasa na kahit saglit lang ay makita ko ang tanging tao na hindi ko kayang tanggihan at kalimutan. When I realize the true extent of my feelings for you when I was just fourteen years old, I seek out the permission of you parents na kung maaari bang hayaan nila akong maging bahagi ng iyong buhay. Everyday when I saw you here in Zeiran, even if it's just a glimpse of you sa hallway o kaya ay marinig lang ang pangalan mo ay sapat na para mabuo ang araw ko. But I have been a coward to tell you what I do really feel dahil kung nagtapat ako sa iyo, you might feel awkward and start to avoid me. Hindi mo lang alam kung gaano kalaki ang takot ko when I saw you in the Portmandue unconcious and heavily wounded na even though sinabi na sa akin ng mga attending Aurors ng Infirmary na you are alright, the fear that I might loose you is enough to make me gather enough courage to make my intentions clear to you" sabi ng prinsipe habang nakatingin ng diretso kay Desdemonadelle.
Si Desdemonadelle naman ay tahimik lang na nakatingin sa prinsipe habang ang mga kamay ay nanginginig na itinakip sa bibig niya at naluluhang nakikinig.
Lumapit si Aravhone ng ilang hakbang kay Desdemonadelle at ng nasa harap na ni Desdemonadelle si Aravhone ay masuyo nitong kinuha ang isa sa mga kamay ni Desdemonadelle at sinabing "I would like to take this chance and tell you how much you mean to me. You are the only person that my heart longs for at ang tanging babae na may kakayahang pangitiin ako kahit na sa isang sulyap lang. Will you accept this Chrosenthie and be my Enchantress? Can you be the only woman in my life that I would say I love you everyday for the rest of our lives, my lady Desdemonadelle Cypreanel Asremoaner des Seruveone?" masuyong sabi ni Aravhone habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Desdemonadelle at inabot ang bulaklak kay Desdemonadelle.
"I... I can't..." nauutal na sabi ni Desdemonadelle kung kaya nanlaki ang mga mata ni Cashiele ng marinig na tinatanggihan ni Desdemonadelle ang declaration ni Aravhone kasabay ng pagsinghap at ilang mahihinang protesta ng mga nakarinig sa sinabi ni Desdemonadelle.
"Oh my dear..." narinig ni Cashiele na bulong na sabi ni Auror Drimaeras nakita niyang malapit sa kinatatayuan ng dalawa habang si Auror Froiste naman ay malungkot na napailing.
"Is that so..." nanlulupaypay na sabi ni Aravhone habang unti unting binibitawan ang kamay ni Desdemonadelle habang ang kamay na may hawak na Chrosenthie ay walang lakas na bumagsak sa gilid nito.
"Wait... What I mean is..." tarantang sabi ni Desdemonadelle na napalingon at hinanap kung nasaan si Cashiele. "Bessy help me..." narinig ni Cashiele na sabi ni Desdemonadelle.
Pupuntahan na sana ni Cashiele si Desdemonadelle ng bigla siyang pinigilan ni Kholiche. "You should let her face it alone Shire, believe me, because it will make it a lot more easier sa kanilang dalawa and that will make them stronger" pabulong na sabi ni Kholiche na hinawakan ng mahigpit ang kamay ni Cashiele.
"I am sorry for the embarassment Desdemonadelle" malungkot na sabi ni Aravhone bago tumalikod at nagumpisang lumayo.
"Wait Prince Aravhone... Please hear me out..." sabi ni Desdemonadelle sa prinsipe.
"What is the use to clarify what you said? Obvious naman sa lahat kung ano ang ibig mong sabihin" malumanay na sabi ni Aravhone bagaman hindi ito humaharap kay Desdemonadelle.
"What I mean by saying I can't is that... I can't believe that you are really infront of me and confessing your feelings for me... I have been loving you for a very long time and you cannot blame me if I couldn't get over the shock on hearing your words... Hindi ko kayang sabihin sa iyo Prince Aravhone kung gaano kalalim ang nararamdaman ko para sa iyo at hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon na marinig mula sa iyo kung gaano ako kaimportante para sa iyo... These past years is so hard for me to hide my feelings dahil sa tuwing nasa paligid ka ay hindi ko mapigilan ang puso ko na lalong mahalin ka... I love you Prince Aravhone Fivorden deu Trafallalyne and can I have the honor of being your Enchantress and love you for the rest of my life?" naluluhang sabi ni Desdemonadelle sa prinsipe.
Unti unting humarap si Aravhone kay Desdemonadelle at bakas sa mukha nito ang sobrang gulat at hindi matatawarang saya bago mabilis na lumapit kay Desdemonadelle at niyakap ito ng mahigpit. Nagpalakpakan ang lahat ng makitang niyakap ni Aravhone si Desdemonadelle lalo na at ng makita ng lahat ang pagluha ng prinsipe habang yakap ng mahigpit si Desdemonadelle.
"Oh my gosh Bessy... I am so happy for you" naiiyak na sabi ni Cashiele habang pumapalakpak kasabay ng lahat ng mga naging saksi sa declaration ni Aravhone.
"Finally... Aravhone's heart will be at peace now that he have Desdemonadelle's answer with him" narinig ni Cashiele na sabi ni Kholiche kaya napatingin siya dito. Napansin niya na bagaman masaya ito para sa kaibigan ay halatang malungkot ito na hindi mawari. Isang suspetsa ang nabuo sa isip ni Cashiele kung kaya huminto siya sa pagpalakpak at hinawakan ang braso nito. Napatingin sa kanya si Kholiche at napakunot noo ng makitang mataman na nakatingin sa kanya si Cashiele.
"Tell me Vhonelle the truth and don't ever hide or lie to me... Are you secretly in love kay Desdemonadelle?" pabulong na tanong ni Cashiele.
"What???" nabiglang sigaw ni Kholiche kung kaya napatingin sa kanilang dalawa ang lahat maging sila Aravhone at Desdemonadelle. Napalingon sa buong paligid si Cashiele at napangiti ng alanganin ng makitang nakatingin sa kanilang dalawa ang lahat.
"Congrats Bessy!!! Prince Aravhone!!! Best wishes!" malakas na sabi ni Cashiele sabay bitaw kay Kholiche at patakbong lumapit kay Desdemonadelle at niyakap ito.
"Bessy thanks sa support" umiiyak na sabi ni Desdemonadelle habang yumayakap ng mahigpit kay Cashiele.
"At last magiging happy na kayo ni Prince Aravhone" nakangiting sabi ni Cashiele bago bumitaw kay Desedemonadelle at bumaling kay Aravhone. "Your Highness I wish the both of you happiness and more best memories and loving years to come. Alagaan mo ang Bessy ko at huwag mo sasaktan at baka tawagin ko ang lahat ng elements to punish you" nakangiting sabi ni Cashiele kay Aravhone.
"No need to say it Cashiele because I don't have any intentions na saktan at paiyakin ang Bessy mo" natatawang sabi ni Aravhone habang inaakbayan si Desdemonadelle.
"Oh my little darling... I am so happy for you" sabi ni Auror Drimaeras habang palapit ito at si Auror Froiste.
Bumitaw sa pagkakaakbay si Aravhone kay Desdemonadelle at bilang tradisyon na ginagawa ng lahat ay lumuhod sa isang tuhod si Aravhone sa harap ng mga magulang ni Desdemonadelle at iniyukod ang ulo at sinabing "Auror Froiste, Auror Drimaeras I am honored to be a part of your daugther's life and I am thankfull for the blessings you have given me six years ago" magalang na sabi ni Aravhone sa mga magulang ng nobya.
"All we want to say ay alagaan mo ang aming anak. Truthfully medyo masakit ang kalooban ko dahil pakiramdam ko ay inagawan mo ako ng isang anak pero right at this moment, that feeling was instantly replaced by happiness dahil narealize ko na nadagdagan ako ng isang anak na lalake which we never had" nakangiting sabi ni Auror Froiste na inilapat ang kamay sa ulo ni Aravhone.
"And the happiness of our little darling is our happiness too and if means na kung masaya siya sa iyo then no doubt na magiging masaya din kami. Love her with all you can and make plenty of happy memories at magiging masaya kami at kuntento dahil maligaya ang aming little darling" naiiyak na sabi ni Auror Drimaeras bago ipinatong kamay sa ibabaw ng kamay ng asawa na nakalapat sa ulo ni Aravhone.
"We will Auror Froiste, Auror Drimaeras. Thank you for accepting me for your daugther" sabi ni Aravhone habang patayo ito matapos makuha ang official na blessing ng mga magulang ni Desdemonadelle.
"Well from now on you shouldn't call us so formally. Tawagin mo kaming Papi at Mami just like kung paano kami tawagin ng aming little darling" sabi ni Auror Froiste bago nilapitan ang anak at niyakap ng mahigpit.
"Cyreald my little darling..." naiiyak na sabi ni Auror Drimaeras bago niyakap ang anak na umiiyak din.
"Mami, Papi... Thank you so much for your blessing to us" umiiyak na sabi ni Desdemonadelle sa mga magulang.
"Matagal na naming hinihintay ang moment na ito since Prince Aravhone seeked us out personally para ipagpaalam na liligawan ka daw niya which rolled into so many years and frankly we are amused to see how he gets shy and embarassed a whole lot kapag nasa paligid ka" natatawang sabi ni Auror Froiste na tinignan ang nahihiyang si Aravhone.
"I will call on my parents to formally introduce Cyreald to them this week" paalam ni Aravhone sa dalawang Auror.
"By all means Prince Aravhone" nakangiting sabi ni Auror Froiste.
"Please just call me Aravhone Mami, Papi..." magalang na hiling ni Aravhone sa dalawa.
"Well then we will go back in Fierone to announce the declaration of Aravhone to our little darling to some of our relatives na matagal ng nagtatanong kung ano na ang nangyari sa lihim na pagsinta ng aming little darling" nakangiting sabi ni Auror Froiste.
"We will see you in Fierone, Cyreald, Aravhone, tomorrow or the next day alright?" sabi naman ni Auror Drimaeras bago hinaplos ang pisngi ng anak.
"Of course Mami, Papi... Expect us tomorrow evening" sabi ni Aravhone.
Ngumiti ang dalawang Auror bago magkahawak kamay na nag-apparette. Nang maiwan silang tatlo ay lumapit si Kholiche sa mga ito at sinabing "so finally the ever so shy and evasive Aravhone has gotten enough courage" nakangiting sabi nito sa kaibigan.
"Well then what about the 'Untouchable Flame'?" pabirong tanong ni Aravhone sa kaibigan.
"Soon Bro..." misteryosong sagot ni Kholiche kaya natawa ng malakas si Aravhone bago bumaling kay Desdemonadelle.
"Well then my dear Cyreald, hindi mo pa tinatanggap itong Chrosenthie to formalize your acceptance as my Enchantress sa Full Moon Ball" sabi nito kay Desdemonadelle bago inabot uli ang puting Chrosenthie kay Desdemonadelle.
"Thank you Fiorde" kiming sabi ni Desdemonadelle habang tinatanggap ang Chrosenthie mula sa prinsipe. Nang mahawakan na ni Desdemonadelle ang Chrosenthie ay lumiwanag ito at naglaho sa kamay ni Desdemonadelle. Lumiwanag ang bandang pulso ni Desdemonadelle at lumitaw doon ang isang silver wreath na pulseras na may maliliit na puting Chrosenthie bilang design.
"Wow ang cute naman ng Chrosenthie Seal mo Bessy!" tuwang sabi ni Cashiele habang pinagmamasdan ang bracelet.
"Actually ang gusto ko sana ay singsing pero since we still have two years to go before makagraduate si Cyreald dito sa Zeiran so I decided na bracelet na muna instead of the ring because I want her to wear the Royal Family engagement ring na ipinapasa sa amin generations by generation" sabi ni Aravhone bago inakbayan si Desdemonadelle at hinalikan ang buhok nito.
"Oo nga pala Bessy, what was the reason kung bakit nagulat kanina si Prince Kholiche?" tanong ni Desdemonadelle sa kaibigan.
"Ahm... Never mind about it Bessy... Inaasar ko lang si Vhonelle" sabi ni Cashiele agad bago bumaling kay Kholiche at pinanlakihan muna ito ng mga mata bago sinabing "right Vhonelle?".
"This is exactly what she said a while ago... 'Tell me Vhonelle the truth and don't ever hide or lie to me... Are you secretly in love kay Desdemonadelle?' that is why I found it so ridiculously shocking" natatawang kuwento ni Kholiche sa dalawa habang si Cashiele naman ay naiinis na tinakpan ang bibig ni Kholiche at nahihiyang ngumiti sa dalawa.
"You are millions of miles off the target Cashiele yun ang sagot sa tanong mo kay Bro" tumatawang sabi ni Aravhone kay Cashiele.
"Don't mind him... We better go now so you could have your first ever couple date" nahihiyang sabi ni Cashiele bago hinatak si Kholiche sa braso.
"See you Bro sa Headquarters then" sabi na lang ni Kholiche habang patuloy si Cashiele sa paghatak sa kanya.
Nang makalayo sila sa dalawa ay huminto si Cashiele at naiinis na hinarap si Kholiche.
"Why did you said it to them? Nakakahiya kaya" inis na sabi ni Cashiele kay Kholiche.
"You must know Shire na it was a really ridiculous question" nakangiting sabi ni Kholiche habang ginugulo ang buhok ni Cashiele.
"Kahit na... Nakakainis ka naman eh" asar na sabi ni Cashiele habang tinatanggal ang kamay ni Kholiche sa buhok niya.
"Okay sorry Shire it won't happen again I promise" nakangiting pangako ni Kholiche bago kinuha ang kamay ni Cashiele.
"Hmp! It better be kung hindi I will not speak to you again and this time sisiguraduhin ko na aabot ng golden anniversary ang wedding nila Bessy at Prince Aravhone ng hindi tayo magkabati" banta ni Cashiele na nagpatawa kay Kholiche.
"That my dear Shire is enough threat to make me keep my promise" sabi ni Kholiche kaya tumawa na si Cashiele.
"So what are your plans for the rest of the day?" tanong ni Cashiele kay Kholiche.
"Well nothing really... Maybe babalik na lang ako ng headquarters to work on some papers there" kibit balikat na sabi ni Kholiche.
Pinagmasdan ni Cashiele si Kholiche at napuna niya na iba ang itsura nito sa madalas na nakikita nilang mga students ng Zeiran. Madalas itong naka uniform kahit wash day nila at bihirang bihira na nakikitang naka suot ito ng casual clothes maliban sa uniform. At kung makita man ito ni Cashiele na nakasuot ng casual clothes, palagi namang formal itong tignan at kahit mismong lukot sa damit ay mistulang mahihiyang lumapit dito. Madalas din itong seryoso at kung ngumiti man ay sobrang pormal kung kaya ang makita itong ngumiti ng masaya talaga at tumawa ay bihirang bihira. Isang idea ang kumislap sa utak ni Cashiele at unti unti siyang napangiti.
"Ahm... Shire, could you explain to me the meaning of that smile?" kunot noong sabi ni Kholiche ng makitang ngumiti ng makahulugan si Cashiele.
"Hmm... Just be quiet and follow me" sabi ni Cashiele bago hinatak si Kholiche papunta sa isang lugar ng Ellsentrallie kung saan mayroong mga shops at bazaars na nakapuwesto.
Nang makarating sila doon ay hinila ni Cashiele si Kholiche sa isa sa mga shop at pumasok doon.
"What are we doing here?" tanong ni Kholiche ng makapasok sila sa shop na puro mga summer hat, bonnets, caps, hats, visors at kung ano ano pa.
Nang makita ng ilang customer na pumasok si Kholiche kasama si Cashiele ay yumukod ang mga ito pati na ang mga shop attendants at shop keepers."Ildech suir des moteir"sabi ng mga ito kung kaya napatingin si Cashiele kay Kholiche at nakita niyang pormal itong nakatingin sa lahat.
"Why don't you just wait for me outside? Saglit lang ako dito at hindi ako magtatagal ng longer than five minutes" mahinang sabi ni Cashiele kay Kholiche.
"Okay, just be quick Shire" sabi ni Kholiche na agad lumabas ng shop.
Nang makalabas si Kholiche sa shop ay napansin ni Cashiele na mukhang nakahinga ng maluwag ang lahat pero pinagtitinginan siya ng ilan sa mga ito. Ngumiti lang si Cashiele sa mga ito at nagumpisang inilibot ang tingin. Nakakita siya ng isang summer hat na may mga design na bulaklak sa paligid at may silk ribbon na nakakabit kung kaya dinampot ito ni Cashiele at naghanap uli. Nakita ni Cashiele ang isang itim na cap na malapad ang visor at mayroong kulay pulang band sa crown nito kung kaya kinuha niya ito at agad na lumapit sa attendant para bilhin ang dalawang item. Ilang saglit pa ay palabas na si Cashiele mula sa shop at nakita niya si Kholiche na nakatayo sa ilalim ng isang puno di kalayuan sa shop at sobrang pormal ang itsura habang pinagtitinginan siya ng mga tao sa buong paligid.
"Hi! I'm back!" nakangiting sabi ni Cashiele na lumapit kay Kholiche.
"Less than five minutes I see" nakangiting sabi ni Kholiche habang inaabot ang paper bag na hawak ni Cashiele.
"Nope... This is a surprise for you" sabi ni Cashiele na iniiwas ang paper bag na hawak mula kay Kholiche.
"What?" takang tanong ni Kholiche.
"Just come with me" nakangiting sabi ni Cashiele bago hinawakan ang kamay ni Kholiche at hinila ito.
Nang makarating sila sa isang lugar na walang masyadong tao ay huminto si Cashiele sa ilalim ng isang lilim ng malaking puno at naupo sa damo.
"Sit down Vhonelle para makapagpahinga ka muna and so you could see what is my surpise for you" sabi ni Cashiele habang nakangiting hinahatak paupo si Kholiche.
"What is it Shire?" tanong ni Kholiche habang nakaupo siya sa damuhan kaharap ni Cashiele.
"I want you to close your eyes muna para surprise" sabi ni Cashiele habang nakangiti kay Kholiche.
"It better be good " natatawang sabi ni Kholiche bago ipinikit ang mga mata.
Inilabas ni Cashiele ang mga pinamili at inilapag sa kandugan niya bago sinabing "you can open your eyes now" sabi niya kay Kholiche.
Pagmulat ng mga mata ni Kholiche ay unang nakita agad nito ang summer hat sa kandungan ni Cashiele. "So is this your surprise?" takang tanong ni Kholiche.
"Yup and you are going to wear it" nakangiting sagot ni Cashiele.
"No freaking way I am going to wear a ladies summer hat like an idiot" agad na tanggi ni Kholiche.
"Hay naku... Idiot nga..." pabulong na sabi ni Cashiele kung kaya napakunot noo si Kholiche. "Itong summer hat ay sa akin while this is yours" sabi ni Cashiele bago isinuot kay Kholiche ang itim na cap. Inayos ito ni Cashiele sa ulo ni Kholiche para matakpan ang kalahati ng mukha ni Kholiche pero siniguro niyang makakakita ito ng maayos. Matapos isuot kay Kholiche ang cap ay isinuot ni Cashiele ang summer hat at itinali ang satin ribbon sa ilalim ng baba niya.
"This way, makakagala tayo sa kahit saan ng hindi makikilala ng kahit sino, kahit na nga ba ng mga students ng Zeiran" nakangiting sabi ni Cashiele bago hinila patayo si Kholiche. Tahimik na tumayo si Kholiche kung kaya tumingin si Cashiele dito at napansin niyang mataman itong nakatingin sa kanya kung kaya humarap siya dito at sinabing "what is it Vhonelle?" takang tanong ni Cashiele kay Kholiche.
"You look more beautiful in that summer hat Shire" parang wala sa sariling sabi ni Kholiche.
"Inuuto mo ba ako Vhonelle? For your info Crown Prince Kholiche, ikaw ang sasagot sa gala natin dahil naubos na ang allowance ko kanina sa binili namin ni Bessy na mga libro at ingredients" taas kilay at nakapamaywang na sabi ni Cashiele kay Kholiche.
"Tsk... Alright let's go... Buti na lang at dumating kahapon ang allowance ko at may increase pa" napapangiting sabi ni Kholiche bago hinawakan sa kamay si Cashiele.
"Buti ka pa kapag humiling kila Queen Aurosielle ng extra allowance binibigay sa iyo. Sila Mama at Papa sabi nila sa akin na 'Shire, your allowance will be deducted kapag nakarinig pa kami ng kahit anong away ninyo ni Prince Kholiche'. Favorite ka kasi ni Papa eh" nakasimangot na sabi ni Cashiele.
"Eh kasi naman alam nila na sagad sa buto ang pagiging suplada mo sa akin eh" natatawang sabi ni Kholiche habang naglalakad sila sa pathway ng Ellsentrallie. "And besides, Mom and Dad learned that I aced the Seriphnerine examinations last week so pumayag silang dagdagan ang allowance ko" sabi ni Kholiche.
"Ay oo nga pala! Narinig ko nga na ikaw daw ang first ever na nakakuha ng perfect score sa Seriphnerine examinations in the history of Zeiran Academy. Congratulations Vhonelle!" bati ni Cashiele kay Kholiche. "Sobrang hirap ng Seriphnerine specially sa pagtranslate ng Sychamorick language dahil madami ang nagsasabi na isa ng dead language iyon na ginamit when the four kingdoms was first built" sabi ni Cashiele.
"It's not really hard kung magtitiyaga lang na pag-aralan ng maigi ang Seriphnerine. And besides the Sychamorick language was still spoken by Mom and Dad even Ate Conelle kaya fluent ako sa translation nun" paliwanag naman ni Kholiche.
"Nakakainggit ka naman Vhonelle" sabi ni Cashiele.
"Ako nga ang dapat mainggit sa iyo dahil madami kang subjects na excempted ka na dahil you are a four element summoner. First time ng Zeiran magkaroon ng student like you Cashiele kung kaya gumawa sila Head Mistress Auror Greffelieras ng lesson plan and subjects exclusively for you" sabi naman ni Kholiche.
"Nakakapressure kaya saka minsan nakakapraning dahil baka may makahalata na Sordana des Moines ako talaga" sabi ni Cashiele
Sasagot sana si Kholiche ng biglang napangiti si Cashiele at hinatak si Kholiche papunta sa kumpol ng maraming tao.
"What is it Shire?" takang tanong ni Kholiche.
"Every weekend dito sa Ellsentrallie ay may mga iba't ibang event na nakakaexcite at nakakatuwa. Of course may prizes sa mga sumasali sa event" paliwanag ni Cashiele habang palapit sila sa mga nag-uusisa.
Nang makalapit sila ay nakita nila Cashiele at Kholiche na may tatlong lalake na nakatayo ng nakatalikod sa isa't isa habang nakapiring ang mga mata. Sa harap nila ay may tatlong babae na may mga hawak na tray na may lamang iba't ibang sangkap. Biglang mayroong pumuntang isang announcer malapit sa grupo at sinabing "now para sa next event natin. Mayroong sampung ingredients sa harap ninyo guys na hawak hawak ng inyong partners. Ang goal ay dapat makumpleto ninyo ang ingredients ng potion na sasabihin ko by just using the sense of touch. Bawal amuyin o tikman ang mga ingredients dahil automatic na disqualified na kayo" sabi nito. "Ang unang makakakumpleto ng ingredients ang siyang magiging winner and the prize is one month free voucher sa Ascraife sa lahat ng kanilang mga ingredients" dagdag nito.
"One month free voucher sa Ascraife? Sana dumating tayo dito ng mas maaga para nakasali ako" nanghihinayang na sabi ni Cashiele.
"One month lang naman saka mas high quality ingredients ang nasa Frientchler kaysa sa Ascraife" sabi naman ni Kholiche.
"High quality nga pero masakit sa bulsa. Saka sa Ascraife kami namimili ni Bessy ng mga ingredients sa mga subjects namin na Potions, Herbology, Chimrea at Feistiane dahil kasya sa allowance namin" sagot naman ni Cashiele.
Ilang sandali pa ay natapos na ang event at habang nagpapalakpakan ang lahat ay pumunta ang isang announcer sa gitna at sinabing "now, we needed three participants for our next event, sa mga students or people na magaling sa Seriphnerine, this event is an easy one" nakangiting sabi nito.
"Uy Vhonelle!!! Sali ka" excited na sabi ni Cashiele kay Kholiche.
"And why?" takang tanong ni Kholiche.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi niya? The next event has something to do sa Seriphnerine and since you are a genius pagdating doon then the game is just a piece of cake for you" nakangiting sabi ni Cashiele.
"As for the prize of our next event, the winner will win a one month free Sludhies Sweet and Hermhaine Cookies courtesy of Vrintresail's Corner" sabi ng announcer kung kaya nanlaki ang mga mata ni Cashiele bago bumaling kay Kholiche uli.
"Please Vhonelle? Sobrang favorite ko ang Vrintresail's specially ang Hermhaine Cookies nila" pakiusap ni Cashiele kay Kholiche.
"Kaya kitang ilibre doon everyday if you just ask me to" nakangiting sabi ni Kholiche.
"Pero iba pa din yung one month free kasi kung busy ka eh di ako na lang ang pupunta mag-isa" sabi ni Cashiele kaya natawa si Kholiche.
"Okay sasali ako para naman makabawi ako on my blunder a while ago" payag ni Kholiche.
"Yehey!!! Thanks Vhonelle!" tuwang tuwa na sabi ni Cashiele bago kinawayan ang announcer at sinabing "Kuya! Itong kasama ko sasali daw" tawag nito sa announcer na agad lumapit sa kanila.
"At anong name ng participant?" nakangiting tanong nito.
"Kho-... I mean Corevellt" sagot ni Cashiele dito na agad naman isinulat ng announcer bago umalis at naghanap ng iba pang sasali.
"Bakit iniba mo yung name?" takang tanong ni Kholiche.
"Duh? Kapag sinabi ko na ang name mo ay Kholiche, automatic na malalaman nila na ikaw ang Crown Prince so mababalewala ang disguises natin not to mention na siguradong alam na ng lahat na ikaw ang bukod tanging student na naperfect ang examination ng Seriphnerine" natatawang sabi ni Cashiele.
Ilang sandali pa ay lumapit uli ang announcer sa kanila at sinabing "Corevellt pumunta ka na sa gitna" sabi nito sabay bigay ng isang papel.
"Good luck! Sigurado na winner ka na sa event na ito" nakangiting sabi ni Cashiele kay Kholiche.
Naiiling na pumunta si Kholiche sa gitna kasabay ng dalawa pang kasali sa event na may mga papel din na hawak. Pumunta sa kanila ang announcer at sinabing "sa mga papel na ibinigay namin sa inyo ay may nakasulat na iba't ibang mga languages and symbols. Ang goal is to identify the symbols and match it to the language that is the meaning of it pagkatapos ay kailangang basahin ninyo ang mga nakasulat. The first one to complete it is the winner. In any event na hindi kayang makumpleto ang translation then ang may pinakamaraming naidentify na symbols ang magiging winner. So ready na kayo?" tanong nito kung kaya tumango lang si Kholiche habang nakita niyang excited na nanonood si Cashiele.
"On my mark... Get set... Open the papers" sabi ng announcer kaya ibinuklat ni Kholiche ang papel na hawak.
Napangiti si Kholiche dahil ang mga nakasulat ay sobrang daling basahin at itranslate. Nang pasimpleng tinignan ni Kholiche ang dalawang contestant sa tabi niya ay halata sa mga expression ng mga ito na nahihirapan ang mga ito sa pagtranslate. Tumingin si Kholiche kay Cashiele at nakita niya na kinakabahan ito habang pinapanood siya kung kaya ngumiti si Kholiche kay Cashiele bago bumaling sa announcer at sinabing "I am done".
"Wow! Our contestant Corevellt is the first na nakatapos ng translation" sabi ng announcer habang lumalapit ito kay Kholiche. Nang makalapit ito ay kinuha nito ang papel na hawak ni Kholiche at sinabing "so could you read to us what was written dito sa hawak mo na paper?" tanong nito kay Kholiche.
"As the night of the Crimson Moon approaches, long lost connections will be renewed, slumbering powers will awaken and the Shadow of Mortfellaine will vanish along the dark as the Red Mists appear in the night of the downfall" basa ni Kholiche sa nakasulat sa papel.
"Alright we have a winner!!! His translation on the symbols of the language Wyndrachl are all correct!" sabi nito habang nagpalakpakan ang lahat.
Nakita ni Kholiche na tuwang tuwa na pumapalakpak si Cashiele kung kaya hindi mapigil ni Kholiche ang mapangiti ng husto dahil sa nakikita niyang reaction ni Cashiele. Kinamayan muna siya ng announcer bago ibinigay ang isang envelope at sinabing "effective ang voucher na iyan starting from today" sabi nito.
Lumapit si Kholiche kay Cashiele na tuwang sinalubong siya at sinabing "see? Sabi ko sa iyo piece of cake lang ang game para sa iyo" tumatawang sabi ni Cashiele.
"Actually sa lahat ng language ng Seriphnerine, ang Wyndrachl ang pinakamadali. And besides yung words na nasa paper na hawak ko kanina ay excerpt ng isa sa mga prophesy na nangyari sa Wyndromelet when the rise of the Crimson Moon was the sign of the downfall of King Fxitros noong 8th century so alam ko dahil sa subject natin na history" sabi ni Kholiche kay Cashiele.
"I do love history too pero hindi kasama ang Seriphnerine" natatawang sabi ni Cashiele.
"The announcer said that this voucher is effective starting today" sabi ni Kholiche habang ibinibigay nito ang sobre kay Cashiele.
"So what are we waiting for? Punta na tayo sa Vrintresail's Corner!" excited na sabi ni Cashiele habang hinihila si Kholiche.
"Alright... Huwag ka lang masyadong kakain ng madaming Hermhaine Cookies at baka bawiin ng Vrintresail ang voucher" natatawang sabi ni Kholiche habang hila hila siya ni Cashiele papunta sa archway exit ng Ellsentrallie.
"Why don't we just apparette papuntang town center para mas mabilis?" sabi ni Kholiche ng nagumpisa silang maglakad sa pathwalk paglabas nila ng Ellsentrallie.
"It's just ten minutes walk away from here kaya there is no need na magsayang ng aura to apparette when we could just walk. Saka excercise na din na makapaglakad tayo" nakangiting sabi ni Cashiele na ganadong naglalakad sa tabi ni Kholiche.
"The reason of learning the apparette ay para mapabilis ang pagpunta ng isang tao from one place to another so why you said that it's just a waste of aura?" natatawang tanong ni Kholiche kay Cashiele.
"Vhonelle, not all of us have a very high level of aura like you na madali mo lang marecover agad" sermon ni Cashiele kay Kholiche.
"Oh really? So sino ang nagaksaya ng aura noon to call her familiar goddess and the four elements in one summon hmm?" biro ni Kholiche kay Cashiele.
"FYI Vhonelle, Goddess Sveld have told me na she is independent from my aura so hindi ko kailangan ng kahit ni katiting na aura to call her and while the four element summon is not that hard for me para kumain ng malakas sa aura energy ko or kahit sa physical energy ko not like when you call Fleireux which everyone knows na nakadepend sa aura mo" nakaismid na sagot ni Cashiele.
"Well Shire you are a bit wrong on the part of Fleireux. Since natapos na ang soiree ko, Fleireux became independent from living of in my aura dahil si Fleireux ay nagkaroon na ng sarili niyang aura that was conserved in so many years na hindi ko ginamit ang kapangyarihan niya and besides hindi naman siya ganoon kadepend sa aura ko since Fleiruxe is given to me by Fire God Fleirez so it means mayroon siyang sariling aura na nakatago lang " paliwanag ni Kholiche.
"Really? Bakit hind mo sinasabi sa iba?" takang tanong ni Cashiele.
"Why should I? I mean kailangan ko bang ibandera sa lahat ang tungkol sa akin?" nakangiting tanong ni Kholiche.
Natawa na lang si Cashiele habang nagpatuloy sila sa paglalakad. Unti unting dumami ang mga tao sa daan habang palapit sila sa town center kung kaya hinawakan ni Kholiche ang kamay ni Cashiele ng mahigpit at sinabing "I wasn't aware na ganito karami ang tao ngayon dito sa town center and the bazaars and stalls are almost right in every corner ng streets".
"It's weekend Vhonelle kaya lahat ng students ay gumagala ngayon and some citizens here are taking advantage of it para makapagbenta ng kanilang mga products" sabi naman ni Cashiele.
"This is my first time na pumunta dito ng weekend so I didn't know" sabi ni Kholiche habang iniiwas si Cashiele na may makabanggaan kung kaya inakbayan niya ito habang hawak pa din ng mahigpit ang kamay ni Cashiele.
"Really? I mean almost sa Zeiran Academy ka na tumira and yet you never went here in a weekend?" takang tanong ni Cashiele.
"I am always busy on the headquarters not to mention sa dami ng obligations ko sa Zeiran, bihira lang ako makapunta dito sa town center and it's always on weekdays kung kailan sobrang bilang lang ang mga tao. Besides if I needed to buy something dito sa town center na hindi naman masyadong important, I ask Errofried to do the errand" sabi naman ni Kholiche kay Cashiele.
Napatingin si Cashiele kay Kholiche habang palingon lingon ito sa mga nadadaanan nilang mga stalls. Bakas sa mukha nito ang pagkamangha sa mga ordinaryong bagay na bago sa paningin nito. Biglang may isang alaala ang sumulpot sa isip ni Cashiele.
{"As an heir to the throne, granted na ang pagiging hari ko dito sa Kingdom namin. But what I really want is to be able to freely go out of the palace without fear that people will recognize me as the child of flame" sabi ni Kholiche na nakatingin sa labas ng bintana at malungkot ang tono ng boses kaya napatingin si Cashiele dito.}
{"Sige ganito na lang Vhonelle, one day ako ang tutupad ng wish mo kapalit ng pagiging protector mo sa akin okay?" sabi ni Cashiele sabay abot ng kanyang kamay kay Kholiche.}
"It's about time na ako naman ang tumupad sa promise ko sa kanya" bulong ni Cashiele sa sarili. Napangiti si Cashiele ng makakita ng isang stall na puro mga laruan kung kaya hinatak niya si Kholiche papunta doon. Noong sa Fierone Kingdom pa siya nakatira ay payag si Kholiche na paglaruan niya ang lahat ng mga laruan nito at may isang laruang kheilser ito na lumilipad sa ere kapag inihagis ito bago kusang bumalik sa mga kamay niya at hindi niya sinasadyang nasira kung kaya itinago niya ito para hindi magalit sa kanya ang prinsipe.
"I remember noong doon pa ako sa Fierone nakatira, you allowed me na paglaruan ko lahat ng toys mo" nakangiting sabi ni Cashiele kay Kholiche habang isa isang dinadampot ang mga laruan.
"Which is really alright with me dahil mas gusto kong makipaglaro sa inyo kaysa ang mag-isang maglaro ng mga laruan sa playroom" nakangiting sabi naman ni Kholiche.
"Aha... Buti naman mayroon pa palang laruan like this" sabi ni Cashiele habang dinadampot ang laruang kheilser na katulad ng nasira niya noon sa Fierone. "Remember this toy?" nakangiting tanong ni Cashiele kay Kholiche.
"Yup... I had one like that pero wala akong idea kung nasaan na ngayon since matagal na akong hindi nakakapasok ng playroom" nakangiting sabi ni Kholiche.
"The truth is, nasira ko ang toy mo na iyon and itinago ko while saying to myself na hahanap ako ng kapalit nun para hindi ka magalit sa akin" nahihiyang sabi ni Cashiele dito.
"And very obviously, you have forgotten all about it" natatawang sabi ni Kholiche.
Tumawa si Cashiele bago bumaling sa may-ari ng stall at binayaran ang laruan. Pagkatapos ilagay sa isang maliit na karton ang laruan ay bumaling si Cashiele kay Kholiche. "And since natandaan ko na so I am giving this to you as a replacement doon sa nasira ko" nakangiting sabi ni Cashiele habang ibinibigay ang karton.
"I am too old to receive a toy as a gift" natatawang sabi ni Kholiche habang tinatanggap ang karton kay Cashiele.
"Well at least I do my effort to replace yung laruan mo na kheilser" nakangiting sabi ni Cashiele.
"Thank you then Shire" masayang sabi ni Kholiche bago hinawakan muli ang kamay ni Cashiele at sinabing "let's go ahead in Vrintresail's quickly... Sa dami ng tao ngayon dito sa town center, siguradong puno na ang shop nila" sabi ni Kholiche.
"Puwede naman tayo magtake out na lang eh... Hmm... Why not?" sabi ni Cashiele ng may maisip na idea.
"What is it?" tanong ni Kholiche.
"Mag take out na lang tayo and then punta tayo sa isang place na sobrang paborito kong puntahan dito sa town center" sabi ni Cashiele bago hinila si Kholiche.
Nang makarating sila sa Vrintresail ay maraming mga tao na ang nakaupo sa mga mesa sa loob at labas nito at mahaba na din ang pila ng mga gustong umorder.
"Yikes... Aabutin tayo ng fifteen minutes siguro sa pila" nakangiwing sabi ni Cashiele habang pumupuwesto sila ni Kholiche sa dulo ng linya.
"Well if you want we, utusan ko na lang si Errofried na-" sabi ni Kholiche na agad namang tinutulan ni Cashiele.
"Minsan you have to do something in your own para maappreciate mo ang small things" natatawang sabi ni Cashiele. "Saka mabilis lang ang pila, we might not know it, nandoon na tayo sa counter" sabi pa ni Cashiele.
"Well alright if you say so" suko ni Kholiche habang nakatayo sila ni Cashiele sa pila. Habang naghihintay ay nagkukuwentuhan ang dalawa ng tungkol sa kanilang mga subjects. Ilang saglit pa ay sila na ang susunod na oorder sa counter.
"Well you were right Shire... Parang wala pa nga yatang fifteen minutes ang lumipas" amused na sabi ni Kholiche habang umoorder si Cashiele ng mga pagkain para sa take out.
"I told you... Saka mabilis ang service ng Vrintresail kaya hindi nakakainip maghintay" sagot ni Cashiele bago bumaling sa cashier at iniabot ang voucher na napalanunan ni Kholiche. "Miss... Puwedeng mag-avail ng Heremhaine Cookies gamit itong voucher?" tanong ni Cashiele.
"Okay Miss... Ilang pieces ang oorderin mo?" tanong nito kay Cashiele.
"May limit ba ang voucher?" tanong ni Cashiele.
"Wala naman... And besides we have a promotion for the Hermhaine Cookies dahil iyon ang best selling item namin here in  Vrintresail's Corner" sagot nito.
"Okay... Puwede umorder ng isang dozen?" sabi ni Cashiele na agad namang sinunod ng cashier.
"One dozen cookies? Serious ka na kaya mo ubusin iyon?" natatawang sabi ni Kholiche.
"Hindi lang naman ako ang kakain nun eh" depensa ni Cashiele.
"I am not fond of sweets saka ang madalas kong orderin kapag pinapapunta ko si Errofried dito ay ang Cludoust Coffee nila. Actually I haven't tasted yung Hermhain Cookies nila or any other sweet products dito sa Vrintresail's Corner" sabi ni Kholiche.
"Then you miss half of your life kung hindi mo pa natitikman ang Hermhain Cookies. Ang daming customers ng Vrintresail's ang favorite ay Hermhain Cookies" natatawang sabi ni Cashiele.
"Heto na Miss yung take out ninyo" sabi ng kahera kaya bumaling si Cashiele dito at binayaran ang mga pagkain.
"Wait... Dapat ako magbayad niyan" sabi ni Kholiche habang dinudukot ang pitaka sa bulsa.
"Next time ikaw ang magbabayad pero this time ako muna since nakakuha ka ng Vrintresail voucher for us" tanggi ni Cashiele bago kinuha ang paper bag ng mga pagkain.
"Okay then let me carry this para naman hindi ka magmukhang katulong ko" natatawang sabi ni Kholiche habang kinukuha kay Cashiele ang dalawang paper bag.
"Katulong? FYI Vhonelle wala sa itsura ng most popular female student ang maging katulong noh?" taas kilay na sabi ni Cashiele habang naglalakad sila palabas ng Vrintresail.
"Alright wala na akong sinabi..." sabi na lang ni Kholiche paglabas nila ng shop. "Saan tayo kakain?" tanong ni Kholiche ng mapuna na palayo sila sa maraming tao.
"Doon tayo sa Orchard... Madalas kami doon ni Bessy tumambay dahil tahimik saka nakakarelax lalo na kapag naririnig namin yung agos ng tubig doon sa Trefallerhn river. Kung minsan nga nakakatulog ako o si Bessy doon kapag doon kami pumupunta pagkatapos ng exams para mag-unwind" sabi ni Cashiele habang nakahawak sa braso ni Kholiche at naglalakad papuntang Orchard.
"You sleep in Orchard? Hindi ba delikado yun? Specially if someone have malicious intents lalo na kapag alam ng taong iyon na kayo ni Desdemonadelle ay mga famous female student ng Zeiran" nakakunot noong sabi ni Kholiche.
Natawa si Cashiele dahil sa sinabi ni Kholiche bago sinabing "obviously ay hindi ka pa nakakapunta ng Orchard noh?" tanong niya dito.
"Well..." nahihiyang sabi ni Kholiche kaya natawa lalo si Cashiele
"Even if you are the Head Councilor ng Supreme Student Council at Captain ng Duel Club, you are still a student here sa Zeiran kaya dapat na magrelax ka once in a while. Remember Vhonelle, senior ka na dito sa Zeiran and magtatapos na kayo this year so you should do everything na dapat maexperience ng isang student dahil time always passes quickly na hindi mo mamamalayan, matanda ka na pala to do something na dapat mong ginawa noong bata ka pa" sabi ni Cashiele.
Tinignan ni Kholiche si Cashiele at pinag-isipan ang mga narinig niya mula dito. Ginamit niya ang kanyang posisyon bilang Head Councilor at Captain pati na ang buong atensiyon niya sa pag-aaral upang mawala kahit papaano sa isipan niya ang pag-iwas sa kanya ni Cashiele. Sa mga nakalipas na mga taon ay ibinaon niya ang sarili sa mga tungkulin at mga obligasyon na kailangan nitang gawin. Ni wala siyang panahon para sa sarili upang gawin ang mga bagay na karaniwang ginagawa ng mga katulad niyang estudyante.
"You are lucky you know Shire?" sabi ni Kholiche makalipas ang ilang sandali.
"Huh? Paano?" takang tanong ni Cashiele na napatingin dito.
"You know how to make most out of everything and every situation. I always admire that in you kahit noong mga bata pa tayo" seryosong sabi ni Kholiche kay Cashiele habang nakatingin dito ng mataman.
Sa di malamang dahilan, biglang nag-iba ang pintig ng puso ni Cashiele mula sa narinig kay Kholiche at may kung anong kakaibang emosyon ang pilit na kumakawala sa puso niya na hindi niya mabigyan ng pangalan. Tumingin si Cashiele ng diretso sa mga mata ni Kholiche at malinaw na nakita niya ang emosyon na pilit nitong itinatago.
"I love her... Then and now and always be... But how can I show or tell it to her?" ito ang malinaw na narinig ni Cashiele mula kay Kholiche na nararamdaman nito sa mismong mga oras na iyon. Nanlaki ang mga mata ni Cashiele dahil iyon ang unang beses na makarinig siya ng emosyon na tulad ng kay Kholiche at iyon din ang kauna unahang beses na nagamit niya ang Emphaty ability na namana niya mula sa ina.
"What is it Shire?" takang tanong ni Kholiche ng makitang nanlaki ang mga mata ni Cashiele habang nakatingin sa kanya bago namumulang nag-iwas ito ng tingin.
"Uh... Nothing... Mayroon lang akong naisip..." paiwas na sabi ni Cashiele habang pilit na kinakalkal ang utak sa dapat niyang sabihin upang hindi maghinala si Kholiche na nabasa niya ang nararamdaman nito.
"At ano naman iyon to make you blush like a guilty lady?" pabirong tanong ni Kholiche na napatawa bago sinabing "baka mayroon kang iniisip na something naugthy aren't you?" sabi nito na biglang natawa ng malakas dahil naniningkit ang mga matang nilingon siya ni Cashiele.
"Eh kung buhusan kaya kita ng Addennian liquid ng maging bato ka na?" inis na sabi ni Cashiele bago bumitaw sa pagkakahawak niya sa braso nito.
"Ano ka ba? Joke lang yun noh?" natatawang sabi ni Kholiche bago kinuha uli ang kamay ni Cashiele at hinawakan iyon ng mahigpit.
"Ang lame ng mga joke mo Vhonelle" sabi ni Cashiele sabay ismid dito kung kaya lalong natawa si Kholiche.
"Sorry naman... Hindi ko kasi dala yung book of jokes and pranks ko" biro pa ni Kholiche kung kaya natawa na din si Cashiele.
"So naaalala mo pa yung book na iyon na binigay ko sa iyo dati?" natatawang sabi ni Cashiele.
"Yes and buhay na buhay pa ang book na iyon sa loob ng room ko sa Fierone" nakangiting sabi ni Kholiche.
"At siguradong hindi mo binabasa" hula ni Cashiele.
"Nope... That is my favorite book next to Adventures of Hicklesian kaya madalas ko pa din iyon binabasa kapag andoon ako sa Fierone" sagot ni Kholiche.
Napangiti si Cashiele dahil naaalala niya kung paanong napangiti ito noong ibinigay niya ang libro na nakita niya sa isa sa mga bazaar na pinuntahan nila ng kanyang mga magulang noong bata pa siya at naglalakbay sila sa iba't ibang kaharian. Mahilig ito magbasa at mas madalas na nakikita niya ito sa hardin ng palasyo sa lilim ng malaking puno sa gitna ng hardin na nagbabasa kaysa sa maglaro kasama sila Deronellei.
Nabaling ang pansin ni Cashiele ng mapuna na palapit na sila sa Orchard. Ito ang paboritong lugar nila ng kaibigan niya na si Desdemonadelle dahil sa relaxing athmosphere nito. Madaming malalaking puno dito na masarap pagpahingahan ang lilim at dinig sa buong lugar ang pag-agos ng Trefallerhn River na pangalawa sa pinakamahabang ilog sa buong mundo. Karamihan sa mga nagpupunta ng Orchard ay ang mga taong gusto ng tahimik na lugar upang makapagrelax at makapag-unwind mula sa mga hectic schedule dahil sa hypnotic and relaxing feeling ng buong lugar.
"Tara doon malapit sa riverbank... May puwesto kami ni Bessy doon na puwedeng mahiga o kaya maupo habang nakalublob ang mga paa namin sa tubig" aya ni Cashiele kay Kholiche sabay hila sa braso nito.
"Alright just don't pull me too much at baka matapon ang mga pagkain pati na ang Hermhain Cookies mo" natatawang sabi ni Kholiche na nagpahila naman kay Cashiele.
Nagpunta sila Kholiche at Cashiele sa isang parte ng pampang ng ilog kung saan mayroong malaking puno na mayroong isang malaking sanga na nakalaylay malapit sa tubig. Napansin ni Kholiche na tila sinadya na magkaroon ng tila maliit na lugar sa pagitan ng mga sanga na tila nalalatagan ng mga dahon at bulaklak ng puno na maaaring upuan o higaan. Tinanggal ni Cashiele ang mga sandals niya bago inakyat ang mababang sanga at tinulay ang papunta sa tila isang carpet ng mga bulaklak.
"Sunod ka dito Vhonelle... Promise sobrang nakakarelax dito sa puwesto na ito" nakangiting aya ni Cashiele bago naupo sa puwesto at tinanggal ang summer hat na suot nito
Nakangiting tinanggal ni Kholiche ang sapatos at iniwan sa tabi ng sandals ni Cashiele bago siya sumunod dito habang bitbit ang dalawang paper bag ng pagkain at ang maliit na karton ng laruan.
"Upo ka and put your both feet in the water. Promise daig pa ang foot massage kapag nakababad ang mga paa mo sa tubig" sabi ni Cashiele kay Kholiche ng makarating ito sa tabi niya.
Inilapag ni Kholiche ang mga dala sa bandang likod nila bago umupo sa tabi ni Cashiele at inililis ang pantalon bago ibinaba sa tubig ang mga paa. Malamig at sobrang linaw ng tubig kaya kita ang mabato nitong ilalim na may ilang isda na naglalanguyan.
"So paano ninyo nakita ni Desdemonadelle itong spot na ito?" tanong ni Kholiche habang inaabot ni Cashiele ang mga pagkain sa likod nila habang tinatanggal naman niya ang itim na cap na suot.
"Si Bessy ang unang nakakita dito sa puno. Dati wala pa itong puwesto na ito na parang hammock ng mga bulaklak. Then ng matuto ako ng ilang spells for plant manipulation, pinagtulungan namin ni Bessy na gawin itong spot na ito" sabi ni Cashiele habang inaabot kay Kholiche ang isang paper cup ng Cludoust Coffee habang siya naman ay hawak sa isang kamay ang Chevelaine Tea. Matapos kunin ni Kholiche ang kape ay inilabas ni Cashiele ang mga biscuit at cookies mula sa isa pang paper bag at ipinatong ito sa sanga na nakalaylay sa harap niya na malapad.
"So kaya pala confident kayo na makatulog dito dahil oras na may lumapit dito ay magigising kayo agad dahil sa paggalaw ng sanga" natatawang hula ni Kholiche habang inaabot mula kay Cashiele ang isang pirasong biscuit.
"Well yes and partly no... You see, sa tagal namin ni Bessy na nagpupunta dito ay wala pa ni isa ang lumapit sa aming dalawa dito" sabi ni Cashiele habang kumukuha ng Hermhain Cookies.
"Dahan dahan sa cookies Cashiele" natatawang sabi ni Kholiche ng makitang kinagatan ng malaki ni Cashiele ang cookies na hawak nito.
"Favorite ko ito so don't mind me" tumatawang sabi ni Cashiele bago sinabing "tikman mo kasi ng malaman mo" alok niya dito.
"No thanks... Okay na sa akin itong coffee and the biscuit" tanggi ni Khokiche.
"Just take a bite... Hindi ka naman malalason eh" sabi ni Cashiele bago kumuha ng isang piraso ng cookies at iniabot kay Kholiche.
"A little bit later... Ni hindi ko pa nga nakakagatan itong biscuit eh" sabi ni Kholiche.
"Sige na! Ganito, ngumanga ka at kagatan mo ito" sabi ni Cashiele bago inumang ang biscuit sa bibig ni Kholiche.
"Mamaya na nga... Patapusin ko muna ako dito sa biscuit" natatawang sabi ni Kholiche.
"Tapos mamaya sasabihin ko ayaw mo na kasi busog ka na. Sige na kagat ka na kasi!" sabi ni Cashiele na inilapit pa lalo ang cookies sa bibig ni Kholiche.
"Alright but after this titigilan mo na ako okay?" napapailing na payag ni Kholiche bago ngumanga.
Biglang isinubo ni Cashiele ang buong cookies sa bibig ni Kholiche na nagulat naman kung kaya nakagat niya ang daliri ni Cashiele.
"Ang sabi ko yung cookies ang kagatan mo hindi daliri ko" tumatawa ng malakas na sabi ni Cashiele ng makita kung paano halos hindi makanguya si Kholiche.
"Bakit mo isinubo lahat? Ang hirap nguyain" nakangiwing sabi ni Kholiche pagkatapos lunukin ang cookies na isinubo sa kanya ni Cashiele.
"Sus ang dami mong arte kinain mo naman... Oh di ba masarap yung cookies?" natatawang sabi ni Cashiele.
"Well for those na mayroong sweet tooth like you, it's a definite yes... Pero sa katulad ko na mahilig sa sour and bitter foods ay masyadong matamis. But you are right, masarap nga yung Hermhain Cookies" sangayon ni Kholiche bago humigop sa kape nito.
Ilang sandaling natahimik ang dalawa habang parehong kumakain. Nang matapos sila ay kinuha ni Kholiche ang laruan mula sa karton at inihagis ito sa ere na sinasalo naman ni Cashiele kapag lumilipad ito pabalik sa kanila.
"You were right about this place. It's relaxing and very peaceful" sabi ni Kholiche matapos ang ilang sandali.
Tinignan ni Cadhiele si Kholiche at napansin niya na medyo mapungay na ang mga mata nito at tila pinipigilan nito na humikab kung kaya napangiti siya bago sinabing "then try to sleep for a few minutes... Don't worry hindi kita itutulak sa tubig" sabi nito kay Kholiche na natawa dahil sa sinabi ni Cashiele.
"Parang ayaw ko maniwala" natatawang biro ni Kholiche kung kaya natawa si Cashiele.
"Promise hindi ko gagawin yun. And besides, napakaungratefull ko naman na itulak kita sa tubig while sleeping after winning the voucher for Vrintresail. So go ahead and sleep" sabi ni Cashiele bago hinila ito sa braso at umusog siya ng konti bago inunan ang ulo ni Kholiche sa kandungan niya.
"Well thanks for the offer... Actually almost two days na akong walang matinong tulog because I was helping Aravhone on his declaration plan for Desdemonadelle not to mention tinapos ko na yung final draft of plans para sa Full Moon Ball" sabi ni Kholiche bago humikab.
"So just rest okay?" sabi ni Cashiele na agad namang sinunod ni Kholiche na nakangiting tumango muna bago ipinikit ang mga mata. Ilang sandali lang ay mahimbing na itong natutulog sa kandungan ni Cashiele habang ang mga paa nila ay nakababad sa tubig.
Pinagmasdan ni Cashiele si Kholiche ng makita niya itong nakatulog agad ng mahimbing. Iba ang natatandaang mukha ni Cashiele noong mga bata pa sila. Mula sa buhok nito na kasing kulay ng gabi na may ilang hibla na pulang buhok na siyang tanda ng pagkakaroon nito ng personal na ugnayan sa Fire God na si Fleirez. Ang mukha nito na siyang pangunahing dahilan kung bakit halos lahat ng female students pati na ang ilang mga kababaihan sa lahat ng mga kaharian na nakakakilala dito ay kinikilig kapag nakikita ito. Matangos ang ilong nito na binagayan ng kilay na tila iginuhit na arko, ang mga matang kulay pilak, ang mga labi nito na mapula ngunit bihirang ngumiti. Matangkad din ito at sa apat na elemental princes, si Kholiche ang pinaka-nangingibabaw sa apat. Naalala ni Cashiele na noong mga bata sila ay mukha itong inosente at sabik sa kalaro ngunit nag-iba ito magmula ng nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan. Naging istrikto ito at malamig sa ibang tao maliban sa mga kaibigan nito at pamilya. Marami din ang nangingilag dito lalo na ang mga male students dahil sa sobrang lakas ng aura na taglay nito.
Napabuntong hininga si Cashiele ng maalala kung paanong inuna ni Kholiche na iligtas siya sa mga Orclaine kahit na nanghihina na ito dahil sa labis na pagdurugo ng sugat nito sa balikat. Kung ibang tao lang siguro ang nasa posisyon ni Kholiche noong mga oras na iyon ay malamang ay inuna na nito ang sarili bago iligtas si Cashiele. Kahit na noong mga bata pa sila ay palagi nitong inuuuna ang kapakanan ni Cashiele bago ang sarili kahit na nga ba kung minsan ay napapahamak ito ng dahil kay Cashiele. Napangiti si Cashiele noong maalala niya na noong doon siya nakatira sa Fierone ay palaging ito ang gumigising sa kanya sa umaga dahil magkatabi lang ang kuwarto nilang dalawa at madalas na doon siya nakakatulog sa kuwarto nito kapag nasa Zeiran ito at si Aurorinielle upang mag-aral. Madami din sa mga Auror ng Fierone, mga tagapagsilbi at mga tagapangalaga ng mga templo at palasyo ang madalas na nagsasabi na over protective ang prinsipe pagdating kay Cashiele maging ang hari at reyna ay sinasabi na bagay silang dalawa.
Nag-init ang mga pisngi ni Cashiele ng maalala ang narinig niya kanina na emosyon ni Kholiche. Mahal siya nito ngunit hindi nito alam kung paano ipaparamdam sa kanya iyon. At base sa lahat ng mga ginawa nito para sa kanya mula pa noong mga bata sila hanggang ngayon, halata na matagal na siyang mahal nito. Bumilis ang tibok ng puso ni Cashiele at ang pakiramdam na para bang sasabog sa sobrang tuwa ang kanyang puso ay nagpapagulo ng isipan ni Cashiele. Sa loob ng apat na taon niya sa Zeiran ay wala ni isang lalake ang nakahatak ng kanyang atensiyon ng katulad ng ginawa ni Kholiche. Maging ang tatlong prinsipe ay parang balewala lang sa kanya ang mga presensiya ng mga ito pero kung nasa paligid si Kholiche ay hindi maaaring hindi niya mapansin ito kahit na nga ba galit siya dati dito.
"Am I falling for him?" mahinang bulong ni Cashiele sa sarili habang tinititigan si Kholiche.
"No you're not falling for him... Matagal mo na siyang mahal pero hindi mo lang alam" biglang sagot ng isang maliit na boses sa tabi ni Cashiele.
Napangiti si Cashiele ng marinig ang boses ng pixie na si Kairhain. Nakilala ni Cashiele si Kairhain sa isa sa mga kaharian na pinuntahan nila ng mga magulang niya. Iniligtas ito ni Cashiele mula sa pagkakatrap nito sa higanteng sapot ng Grumberge Spider at magmula noon ay naging parang personal niya itong pixie. Walang ibang nakakaalam ang tungkol kay Kairhain maliban sa mga magulang niya, maging ang bestfriend niya na si Desdemonadelle ay hindi alam na mayroong private pixie si Cashiele dahil ang pagkakaroon ng isang pixie bilang isang bantay o familiar ay itinuturing na isang napakabihirang pangyayari dahil ang mga pixie ay nabubuhay dahil sa mga kaluluwa ng mga sanggol na hindi pa nakatakdang ipanganak kung kaya sagrado sa lahat ang isang pixie. May kasabihan na kapag ang isang babaeng buntis ay nakatakdang manganak na, ang isang pixie ay magpapakita sa babae bago ito manganak at maglalaho ito upang ibigay ang kaluluwang kailangan ng sanggol na ipanganganak.
"Paano mo nalaman na andito ako?" mahinang tanong ni Cashiele dito habang inilalahad ang palad at kinukuha ang kalahating piraso ng Hermhain Cookies na natira nila kanina.
Lumipad si Kairhain sa palad ni Cashiele at naupo sa gitna nito tapos ay inabot ang cookies na nagmistulang higante dahil mas malaki ito ng kaunti dito. "Nainip ako doon sa Drichtreme kasi yung iba ay walang ginawa kungdi ang mangilag sa mga ibang nilalang kaya halos ayaw nilang lumabas kung kaya naisipan ko na puntahan kita dito sa Zeiran para dalawin. Dito kita agad hinanap kasi alam kong wala kayong pasok kaya naisip ko na malamang ay pupunta ka dito" paliwanag nito bago kinagatan ang cookies.
"Tungkol naman sa sinabi mo kanina, paano mo naman na nasabi na matagal ko na siyang mahal pero hindi ko lang alam?" mahinang tanong ni Cashiele dito.
"Noong una mo siyang ikinuwento sa akin magmula noong mga bata pa kayo hanggang ngayon ay alam ko na na unti unti mo na siyang minahal. At ngayong katabi mo na siya, ngayon mo lang narealize ang extent ng nararamdaman mo para sa kanya" nakangiting sabi ni Kairhain tapos ay ibinaba ang cookies sa palad ni Cashiele at lumipad papunta sa harap ng mukha ni Kholiche. "Siya naman ay matagal ng nagmamahal sa iyo kung pagbabasehan ko ang ngiti niya ngayong kasama ka niya" sabi nito habang tinitignan ang mukha ni Kholiche.
Natahimik si Cashiele habang tinitignan kung paanong titigan ng husto ni Kairhain si Kholiche. Nakangiti ito at para bang may nalaalman itong sekreto dahil kaakiba ang ngiti nito. "Sabihin mo nga Kairhain, ano ang sa tingin mo ang mangyayari sa aming dalawa?" tanong niya dito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Flame and Ice LoversTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon