Chapter 1

8 4 0
                                    

Ieanah's Pov

"Ate?" Napatingin ako sa Kapatid ko ng tawagin niya ko. "Hmm?" sagot ko sa kanya. At bumalik sa pagkwenta ng pera na kinita ko sa pagtitinda ng bananaque kanina at ang sweldo ko bilang waitress sa isang restaurant.

"Ate may project po kasi ako. Kailangan ko po ng pera para po pangbili ng materyalis. Kaso po mahal yung mga kakailanganin. Kulang po yung mga sobra-sobra sa baon ko baka po Pwedeng makahingi ng kahit 300 lang po? Pangdagdag sana" nakayukong saad ng Kapatid ko.



Yan parati ang ginagawa nila sa tuwing hihingi sila ng pera sa akin. Nililimitahan nila ang sarili nila dahil alam nilang nahihirapan daw akong magtrabaho araw araw. Hanggat kaya daw nila ayaw daw nilang manghingi ng Pera sakin dahil marami daw kaming gastusin.



Minsan nga nagtataka pa ko kung pano sila nakaka ipon ng pera  galing sa kanilang baon sa school Araw araw eh maliit lamang iyon . Kaya pag minsan, pag malakilaki ang kinikita ko dinadagdagan ko talaga ang baon nila.
Kahit naman mahirap bastat para sa kanila kakayanin ko





At syempre nasasaktan ako bilang kapatid nila dahil imbes na maenjoy nila ang kabataan nila pinipili nilang tulongan ako. Pagkatapos nilang mag aral, uuwi sa Bahay gagawa ng gawaing Bahay at gumawa ng assignments. Imbes na makipaglaro at makihalubilo sa mga kaibigan nila nagtitinda sila ng Saging kapag weekend.

Ayaw ko namang ganon sila gusto kung ibigay sa kanila ang lahat Hanggat kaya ko.
Kahit kailangan kung magtrabaho 24 Oras maibigay ko lang ang kailangan nila.




Kaso kahit anong gawin ko kulang talaga ang kinikita ko. Kaya kailangan ng iba pang raket. At balak ko sanang maghahanap pa. Pang Gabi naman ng mabalance ko ang oras ko.Tinignan ko  ang sobrang pera na para sana pambili ko ng sapatos dahil butas na ang ginagamit ko para sa trabaho.



"Magkano ba ang Pera mo diyan?" tanong ko sa kanya. " 357 po ate." at pinakita sa akin ang perang hawak niya na nakalagay sa plastic dahil barya barya iyon at may mga papel din.Kumuha ako ng 500 sa pitaka ko at idinagdag ang pera na sana ibibili ko ng sapatos.

" Oh siya ito, itabi mo nalang yang pera mo ng may magastos ka pag may kailangan kang bilhin." sabay abot sa kaniya ng pera.





Gulat siyang napatingin sakin at mabilis na umiling. "Wag po ate, sa inyo na po ito pangdagdag po sa gastusin natin sa Bahay. Kasya na po itong 500. Pwede namang manghingi nalng ako sa kaklase ko sa iba pang mga gagamitin. At tsaka butas na po yung sapatos mo idagdag niyo nalng po itong pera ko. "  tinawanan  ko sya dahil natataranta ito.



Alam kasi nila kung gano kami kahirap. Kaya ganito ang reaksyon nila Kaso okay lang naman sa akin dahil naka luwag luwag ako Ngayon. Pwede namang sa susunod na Araw nalng ako bumili ng sapatos. Kaya panaman siguro ng sapatos ko.

Hanggat kaya ng katawan ko sige lang ako.



Mahirap ngunit kinakaya ko dahil may mga Kapatid akong umaasa sa akin. Si Jimboy senior high school na, si Ailesa high school, si Margarete grade 6 student at yung bunso namin na 3 taong gulang pa lamang.

Kailangan kung dumoble kayod para sa amin. Gagawin ko lahat para sa kanila bago ang Sarili ko kasiyahan mo na nila ang priority ko.



Napabuntonghininga naman ako. Ayaw ko Makita ng mga kapatid ko na mahina ang ate nila. Kailangan nila ng makakapitan at ayaw kung maging mahina.
Nilapitan ko naman ang Kapatid ko at niyakap. Nakita ko rin ang mga Kapatid kong nasa sa Sala at gumagawa ng assignments kasama ang aming bunso na nag kukulay ng walang direksyon.



Natawa na lamang ako dahil sa kaniyang kacutan. Naaawa naman ako sa kaniya dahil Wala pa siyang ka muwangmuwang ng Iwan kami ni Nanay. Namatay si nanay noong 1 buwan matapos niyang nanganak dahil sa over fatigue.  Kaya simula nun si tatay na Ang nag alaga sa aming magkakapatid.
Kaya ngayong wala na sila. Responsibilidad ko ang mga kapatid at never silang naging pabigat sakin dahil sa tuwing nakikita ko sila na mas lalo akong lumalakas araw araw.



At mas lalo akong nagpapasalamat dahil lumaki silang mabubuti  ang puso at matalino.

Pera na lamang talaga ang kulang sa amin.






Pero hanggat mag kasama kami sabay-sabay naming lalakbayin ang makipot na daan tungo sa tagumpay na aming inaasam.

       

(◍•ᴗ•◍)✧*。

iL Domestica Where stories live. Discover now