Chapter 3

2 1 0
                                    

"1,987 po lahat ma'am" sagot ng cashier ng tinanong ko ito kung magkano lahat ng gamot na binili ko.


Buti na lamang at may naitabi pa akong pera, ipon ko sana para sa pang gamot rin ni Lola.




Binayaran ko na ito at nagtungo papunta sa kwarta ng Lola. Balak ko sanang ipang private room si lola kaso hindi kasya sa budget at lalo may bibilhin pang gamot sa araw araw kung kaya't inilipat naming ito dito sa maraming pasyente rin.


Ako lamang ang nandirito dahil may pasok pa ang mga kapatid ko hindi ko naman pwedeng dalhin ang bunso namin at baka mahawaan ng mga sakit sakit lalo na't mahina pa Ang resistensya nito.

Awang awa akong nakatingin kay lola at pinipigilang umiyak ngunit sa tuwing naalala ko ang  sinabi niya kahapon na hayaan na lamang daw namin siyang mamatay kaysa maging pasanin ko sa araw araw. Hindi ko mapigilang umiyak.


Ang hirap dahil wala na talaga akong trabaho sinubukan ko pa ring pumunta sa trabaho ko dun sa fastfood chain kaso wala na talaga nakuha ko na rin ang last payment ko na Hanggang Isang buwan nlng siguro ang itatagal o di kayay ilang linggo lang.

Kailangan ko ng maghanap ng trabaho yung malaki laki ang kita dahil kailngan ko rin ng pera pampa-opera kay lola lalo nat kung hindi maagapan ay baka ikamatay na niya talaga ang sakit sa puso dahil palala na ito ng palala.


Tinry kong mag apply bilang sales lady pero college graduate din hanap nila.


"Beshy ko!" nagulat ako ng may sumigaw sa likuran ko. Si Angii lang pala.

" Ginulat mo naman ako " sabay hampas ko sa kanya ng tray na walang laman dahil kakatapos ko lang din mag tinda na akala ko ay hindi mauubos dahil marami ito kaysa nung una dahil kailangan ko magdagdag ng kita.


" Ay besh kanina pa kita tintawag pero parang wala ka man lang narinig. Andami ba naman kasi ng iniisip mo at hindi mo man lang ako napansin! At baka naman ma aksidente ka dyan sa ginagawa mo " sabay abot sa akin ng soft drinks at pandesal na dala nito. Kinuha ko to at kinain dahil saktong tumunog ang tyan ko. Wala pa akong kain dahil naglako ako ng maaga.


" Ang dami ko lang iniisip, ang dami kong problema idagdag pa tong wala na akong trabaho "


" Ba't wala kang trabaho? Ano yung sa fastfood chain? Sorry din be kung wala na akong oras makipag usap sa iyo dahil kahit nung umuwi ako busy na rin talaga ako kasi may winowork akong papeles.



Sabay yakap nito sa akin at tapik sa balikat. Bigla na lamang akong napaiyak sa kanya na tila ba nag susumbong. Siya na talaga ang naging sandigan ko noon kahit na umalis ito papuntang manila at magtrabaho bilang katulong hindi pa rin  nito ako nakakalimutang tawagan at kamustahin. Kahit gaano man ito ka busy.

Kakadating ngalang nito dito sa amin noong nakaraang buwan. At isang beses lamang kaming nag ka bonding simula nung dumating ito dahil na rin busy ako at naghahanda siya ng papeles niya papuntang abroad at tinataguan ata.


Alam ko na Ang naging kwento niya doon sa manila, pati na rin ang sa naging pag-ibig nila ng kanyang amo.


" Ano ka ba okay lang, alam kong marami kang ginagawa at hinahanda. Salamat sa pag-aalala at oo wala na akong trabaho dahil natanggal ako. Hidni na ako mabigyan ng consideration kasi nga diba nung mga unang buwan pa ay marami akong liban sa trabaho dahil naadmit rin nun si Lola ubos na yung leave ko nun kaya pag may leave ako ulit tanggal na ako. Swerte ko na lamang daw at mabigyan ako ng tsansa na manatili kahit na marami pa daw na mas karapat dapat kaysa sa akin. " mahabang lintanya ko at na upo sa labas ng bahay.


Sa dami rami kong problema hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko.




" Pasensya na beshy ko ha? Ito lamang ang maabot ko sayong tulong maliit pero sana makatulong " sabay abot sa akin ng limang libo.


" Maraming salamat Angii, hindi ko to ma hihindian lalo na't kailangan ko rin. Balang araw masusuklian ko rin ang kabutihan mo "

" Ano ka ba! Wag na maliit lang naman yan gusto ko sanang bigyan ka ng mas  malaki kaso hindi ako pinagpala dun sa pangit na Greek god na yun! Cheeee walang bayag yung afam na yun. Pera na nga naging bato pa! " Imbes na umiyak ay natawa ako sa mga sinabi niya and here's the great chikadora nag simula na po siya sa kanyang chika.




" Ang pangitt pangit niya, huh akala niya iiyak pa ako sa kanya heh! Hindi na " pero tinrydor naman ito ng mga luha.


Alam ko ang bigat na pinag daanan nito sa manila alam kong may mas masakit pa na nangyari na hindi niya sinabi sa akin.


Wala akong ibang ginawa kundi pakinggan, at yakapin siya.


" Kahit gaano man kabigat ang dinadala mo pwedeng pwede mo akong yakapin at pagsabihan hmmm mahal kita hindi lamang bilang kaibigan kundi bilang kapatid na rin "



" Salamat beshy ko mahal rin kita, sus bakit ko ba iiyakan yun eh kawalan naman niya " sabay kain ng pagkain na bigay niya sa akin natawa naman ako hinayaan na lamng ito.




" O siya nga pala naghahanap ka ng trabaho noh? Gusto mong mag maid? Yaya? Pero sa manila nga lang. Alam kong ayaw mo  dahil inaya na kita nuon pero ayaw mo dahil mawawalay ka sa mga kapatid at Lola mo pero pwede mo naman silang dalhin may apartment si tiya duon na maliit at wala ng tumutira dahil nasa abroad na pwede kayong duon manirahan malapit lang din doon ang village na tinitirhan ng maging amo mo kung papayag ka okay ra yun sa inyo I transfer mo nlng ang Lola mo duon at wala na ring pasok kaya sa susunod doon muna pag aralin ang mga kapatid mo. "

Napa isip ako sa sinabi ng kaibigan ko. Noon paman ay niyaya ako ng kaibigan ko na magtrabaho doon kaso walang maiiwan sa mga kapatid ko kaya mas pinili kong manatili sa probinsya. Pero ngayon sobrang nangangailangan talaga ako. Gustong kunin yung oportunidad na doon mag trabaho .

" Pag isipan mong mabuti ang sinabi ko be, gusto ko kayong tulungan bago umalis ng bansa. Doon sa apartment may kuryente at tubig na. May mga appliances na rin 3 Ang kwarta may sala at kusina may Cr rin. Yung babayaran niyo na Lang kuryente at tubig buwan buwan. Free na sa bahay sinabi ko na to kay tita at pumayag siya bilang tulong na rin pag aalaga nlng daw ng halaman at sa bahay ang gusto niya sanang mapanatili. Matagal ko na itong napag isipan gusto kong ilagay kayo sa mabuti bago ako aalis....." Umiiyak na saad nito alam kung hindi ako ang iniiyakan niya kundi yung sa pangit na Greek god daw.







Sobrang saya ko na makilala siya at maging kaibigan siya. Napakabuti ng puso niya. Wala akong ibang hihilingin kundi sana ay bigyan siya nga maganda at maaliwalas na buhay sana matupad niya ang nga pangarap niya at maging masaya siya.


Dahil na realize kong pinagpala ako na maging kaibigan siya dahil aminin man natin o hindi minsan ka na lamang makakita ng kagaya niya.








(⁠◍⁠•⁠ᴗ⁠•⁠◍⁠)⁠✧⁠*⁠。
Thank you! 1221 words for this chapter :))) sinipag for today's update! Hope you guys enjoy

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

iL Domestica Where stories live. Discover now