Prologue

1.1K 25 26
                                    

PROLOGUE

Malakas ang pintig ng puso ko habang dahan-dahang naglalakad papalapit sa kanya.

Malapit nang mamaalam ang haring araw kaya ang kulay kahel na liwanag ay kalat na kalat na sa paligid. At dinig ko ang huni ng mga ibon sa malayo.

Ang mahabang mga kurtina na nakapamagitan sa balcony at master's bedroom ay sumasayaw kasabay ng hanging nagmumula sa tabing dagat ngunit ang lahat ng ganda sa paligid ay walang-wala kumpara sa taong nasa aking harapan.

Nakatayo siya nang tuwid, paharap sa dagat. Nakasuot siya ng aviators at simpleng board shorts. Wala rin siyang pang itaas habang ang maliliit na patak ng tubig ay tumutulo mula sa kanyang buhok, marahil ay galing paliligo sa dagat.

Ganoon pa rin ang kanyang tikas at tindig ngunit kahit nakatayo siya sa aking harapan ay tila kay hirap niyang abutin. Nandito siya ngunit walang presensya.

Suminghap ako para punuin ng hangin ang aking baga.

"Z-Zurich you're here…" sambit ko gamit ang lahat ng lakas ng loob na aking naipon.

Natigilan siya ngunit hindi lumingon sa aking gawi kaya nagpatuloy ako sa paglapit at bahagyang tumikhim para makuha ang kanyang atensyon.

Pero kahit yata ilang tikhim ay hindi siya lilingon sa akin kaya naglakas loob na akong basagin ang nakakabinging katahimikan sa aming pagitan.

"Uhm… S-Sorry kanina hindi ko sinasadya ang n-nangyari pasensya ka na sakin na miss lang naman kita eh—"

"Leave."

Isang salita. Ang lamig niyon ay nanunuot hanggang sa aking kaluluwa ngunit hindi ako nagpatinag.

Ngayon pa ba ako bibitaw? Pagkatapos ng lahat? No way.

Sinubukan kong walain ang pait sa aking sistema. Nagkunwari lamang akong hindi apektado kahit na alam kong deep inside me, something fragile is slowly breaking into tiny pieces.

"Zurich…" tawag ko.

Tinabig niya ang aking kamay nang magtangka akong humawak sa kanyang braso.

"Can you please leave me alone? Pinapasakit mo ang ulo ko," mariin niyang sambit bago tila napapasong lumayo sa akin.

Nakagat ko ang pang ibabang labi para pigilan ang paghikbi.

He doesn't mean it, of course! Totoo kaseng sumasakit ang kanyang ulo kapag nakikita ako. Sabi ng doktor normal iyon dahil unti-unting bumabalik ang kanyang mga nawalang memorya ngunit para sa kanya ay hindi.

Kahit ilang beses pa akong ipagtabuyan sisiguraduhin kong mananatili ako. Miss na miss ko na sya… Miss ko na ang gumising sa umaga na siya ang nakikita, matulog sa gabi na siya ang katabi.

"H-Hindi mo ba talaga ako naaalala? Kung biro ito hindi nakakatuwa… alam kong naalala ako ng puso mo—"

"My heart has nothing to do with this," inisang hakbang ang distansya namin, "Hindi ito romantic novel na kailangan puso ang palaging pinapairal, utak ko ang may problema okay? Utak ko ang nakalimot! Nakalimutan ka ng utak ko kaya kung tingin mo importante ka, baka naman nagkakamali ka."

Napadaing ako nang hawakan niya ang magkabilang balikat ko at saka ako inalog-alog na para bang isa akong natutulog na robot at sa pamamagitan niyon ay magigising ako.

"Zurich nasasaktan ako… A-Aray bitawan mo ako…" pakiusap ko sa namamaos na tinig.

"Stop being emotional. Stop crying everytime you're seeing me. Stop messing with my mind! Leave me alone!"

Ang malakas niyang tinig ay paulit-ulit na nag-echo sa aking pandinig. Nakakabingi. Nakakatuliro.

Unti-unting nawala ang kantahan ng mga ibon at hampas ng alon sa mga bato, wala akong naririnig kung hindi ang poot sa kanyang tinig.

Umawang ang labi ko nang walang habas niya akong binitawan. Tinanggal niya ang suot na aviators.

Napatalon ako nang ibato niya iyon sa glass wall at saka ako tiningnan nang masama. Nag bounce iyon at tumama sa balikat kong nakalabas sa suot kong sleeveless maxi dress.

Dahil sa takot na sumigid sa aking sistema ay hindi ko na nagawang indahin ang sakit na dulot niyon kahit halos sigurado na akong mag iiwan iyon ng marka doon.

Parang kinakapos ako sa hangin sapagkat hindi pantay ang paghinga ko. Kung hindi ako nakakapit nang mahigpit sa railings ay tiyak na bubulagta na lamang ako sa sahig dahil sa panlalambot ng aking tuhod.

"Praia, who ever you are ayoko nang makita ka pa."

Sa saglit pang pagtatama ng aming mga mata ay nakita ko ang pag-apoy ng galit doon.

Natigilan ako at nang subukan kong ibuka ang aking mga labi ay walang boses na lumabas doon.

Marahas siyang tumalikod at wala akong nagawa kung hindi ang tanawin siya habang papalayo.

Just like before… I am all alone.

Napadausdos ako pababa hanggang sa namalayan ko na lamang ang pagkasadlak sa malamig na sahig.

Isa, dalawa, tatlong oras ang lumipas pero wala pa ring humpay sa pagtulo ang aking luha.

Kalat na ang dilim sa paligid at malamig na din ang simoy ng hangin, dalawang bagay na mas nagpatindi pa sa aking panaghoy.

Gusto kong sumigaw at ilabas ang sakit pero ayaw bumuka ng labi ko. Pagod na iyon. Alam kong pagod na ako.

Hindi ko alam kung alin ang mas dapat na indahin, ang pisikal na sakit, ang mga salita niya o ang sakit na hindi na niya ako maalala.

Ano bang ginawa ko para sapitin ko ito? Do I deserve this? Tama pa ba?

Paulit-ulit ang mga katanungang iyon sa isip ko kasabay ng pagdaloy ng mga ala-ala mula sa una naming pagkikita hanggang sa isang araw gumising na lamang ako na ibang Zurich na ang nasa aking harapan. Hindi na kasing lambing ng dati. Hindi na iyong Zurich ko na kahit nakakairita, nagagawa akong pangitiin.

He is mad. He is furious. He can't even remember me and thus, he hates me.

Tama sila. Tama sya. Dapat may hangganan ang pagtitiis. Hindi sa lahat nang oras dapat kang lumaban dahil may mga pagkakataon na tadhana na mismo ang magdedesisyon.

I have to leave you for now but this is not goodbye Zurich…




***

New novel alert! Pwedeng basahin as stand alone or unahin muna ang Fire of Seduction. Brace yourselves, papunta pa lang tayo sa exciting part coz ur author is sleeping all day. Chour!

I'm trying my best to balance everything, pag-aaral, pagsusulat pati na pagfa-fan girl. Minsan nawawala na lang ako at hindi mag uupdate pero wag kayong mag-alala, babalik din ako kase mahal ko kayo.

Nagmamaganda,
Marya

Fireless SeductionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon