"I'm sorry I have to lie about so many things about myself, Sofia." Mahinang sambit ni Mateo. Hawak-hawak nito ang aking mga kamay. "Sa dinami-dami na kasi ng kamalasan, trahedya at kaguluhang nangyari sa buhay ko. Kahit ako mismo, nahihirapang ayusin sa utak ko ang mga bagay-bagay. I've been paranoid, confused, hurt, scared and troubled sa tila walang katapusang problemang hinaharap kong mag-isa. Kaya...hindi ikaw ang dapat humingi ng tawad, kundi ako. Kung hindi dahil sa 'kin, hindi ka madadamay. Kung hindi dahil sa 'kin, hindi ka magkakaganyan. Pero sa kabila no'n. Nagmamakaawa ako sa 'yo, Sofia. H'wag mo akong iiwan. Ikaw na lang ang maituturing kong kapamilya ko. Please?"
"Kung kaya mo pa akong tanggapin, wala akong ibang dahilan para iwanan ka Mat--Thir...Thirdy."
Naluluha ma'y napangiti s'ya sa sinabi ko, "Pakiulit mo nga?"
"Ang alin?"
"'Yung pagbanggit mo sa totoong palayaw ko."
"Thirdy." Nakangiti ako na tila nahihiya pa.
Napapikit s'ya, "It's been a long time since I've been called by my real nickname." Iminulat n'yang muli ang kanyang mga mata. Abot sa magkabilang tenga ang kanyang ngiti, "Pangako Sofia. Simula ngayon, wala na akong ililihim sa 'yo." Natahimik ako. "Are you ok? May nasabi ba akong mali?" Nang mapansin n'ya ang pananahimik ko.
"May isa pa akong aaminin sa 'yo, Mat--Thirdy."
"A-ano 'yun?"
Sandali kong inayos ang aking sarili. Kinlaro ang lalamunan ko't saka nagbuntong-hininga nang makailang beses
"I don't know if you're going to like it, but whether you do or not, you have the right to know."
"A-ano ba 'yun?"
"Ahm..." Ninenerbyos ako.
"Ano, Sofia?" halatang ninenerbiyos d'n ito.
"I'm..."
"You're?"
"I-I'm...I'm pregnant."
Sandali itong natulala; nakatitig lang sa aking mga mata.
"You're what?" Tila wala sa sariling tanong n'ya.
"Ang sabi ko, I'm pregnant."
Hindi pa rin ito nakapagsalita.
"Look, Thirdy. Wala naman akong balak pikutin ka. I just want you to know because it is your right to know. H'wag kang mag-alala, hindi kita huhuthutan ng sustento." Tatawa-tawa ako, "Kailangan ko lang makahanap ng trabaho par--"
"P-papaano kung..." Tila hirap na hirap itong huminga.
"Kung ano?"
"Kung 'yun lang ang kaya kong ibigay sa kanya? S-sa inyo."
"A-Alin?"
"Sustento. 'Y-yun lang ang kaya kong ibigay sa inyo. Y-you are not expecting me to marry you, right?"
Natulala ako sandali. Hindi ko naman hinihingi na pakasalan n'ya ako. Pero hindi ko inaasahang deretsahan n'ya itong sasabihin sa akin.
"N-no, I'm not." Matamlay na sabi ko.
Pagkasabi ko no'n, biglang lumiwanag ang kanyang mukha. Tila lumuwag na rin rin ang kanyang paghinga. "Good...good!" Tatango-tango ito. "'Cause I-I'm not quite ready for that kind of committment. After all, hindi pa rin naman tayo gano'n katagal magkakilala 'di ba?"
Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2015, All rights reserved.
Tumango nang may pilit na ngiti. Hoping it wouldn't be too obvious that it was fake.
Tulad ng sinabi ko. Hindi ko naman inaasahan na pakakasalan n'ya ang isang tulad ko. Sino ba naman ako, kumpara sa kanya? Bukod sa hindi ako mayaman, hindi rin naman ako kagandahan. Nabiyayaan lamang siguro ako ng magandang pangangatawan at balat, but still, I know, and I'm conscious about the truth that there are lots of better looking first-rate woman na mas babagay sa kanya.
Gayunpaman, hindi ko maintindihan kung bakit may kirot akong naramdaman sa dibdib ko.
I think I am hurt after all.
Hurt for misunderstanding his 'I love yous'
Downhearted for misinterpreting his sweet possessiveness.
Secretly devastated because I somehow expected he'd actually want us together for the rest of our lives.
I guess...my esteem's quietly wailing in pain when I finally realized that I am not, and will never be, a wife material for someone like him.
Who--in his social status, would want to have a slutty commoner for a wife anyway?
I know that, and sure thing, the truth really does hurts us more than lies.
***
I am still giving my bestfriend the benefit of the doubt. Sa loob-loob ko, I am still hoping na kapangalan lang n'ya ang babaeng tinutukoy ni Thirdy. Hindi naman kasi unique ang pangalang Rina, at marami namang tao sa Pilipinas ang may apelyidong katulad ng sa kanya.
Mabait si Rina, matino at totoong kaibigan, Ly hirap na hirap akong tanggapin na ito na nga mismo ang babaeng tinutukoy ni Thirdy na lumason sa kanyang Papa.
I've been calling her all day, pero out of reach ang kanyanf telepono. I texted her as well, pero hindi naman nito ito sinasagot.
Bumalik ako sa dati kong dormitoryo para personal itong kausapin, pero ayon sa dati kong Landlady, wala na raw pala ito ro'n. Umalis na raw ito isang linggo matapos ang graduation day. Sinundo raw ito ng dalawang hindi n'ya nakikilalang mga nakapusturang lalaki. Lulan daw ito ng isang magarang sasakyang kulay itim. Simula raw noon'y wala na itong balita tungkol dito.
"Alam mo, nag-aalala ako d'yan kay Rina ha?" Sabi ng landlady habang inihahatid na nito ako papalabas. "Ang kaso, wala naman akong karapatan para pakialaman s'ya."
"Bakit po?"
"Namumugto kasi ang kaniyang mga mata no'ng araw na umalis siya. Ayon do'n sa roommate niya, aksidenteng nakita raw n'ya ito na puro pasa ang mukha ni Rina. Namamaga at nangingitim din daw ang kaliwang mata nito na tila may sumuntok dito. Iika-ika raw ito na tila nahihirapan itong maglakad."
"Iika-ika, ulit? Anong ibig sabihin niyo sa ulit."
"Hindi mo ba alam?"
"Hindi ko po alam ang alin?"
"Linggo-linggo raw itong tumatakas sa gabi at pagkatapos ay na bumabalik din sa madaling-araw. Ayos naman daw ang hitsura nito kapag umaalis, pero nagtataka 'yung kasama n'ya sa kuwarto, dahil parati raw itong umuuwi na iika-ika. May mga latay at pasa sa mukha, kung minsan, may mga marka pa raw ito ng paso ng sigarilyo sa iba't-ibang parte ng katawan"
Napanganga ako sa mga narinig ko. Magkaiba kasi ang k'warto namin ni Rina kaya hindi ko alam kung totoo ngang umaalis ito.
Is she in some kind of deeper shit? Kung totoo man itong nalaman ko ayon sa sinabi sa 'kin ni Thirdy. Hindi kaya may kinalaman din si Don Segundo sa mga nangyayari sa bestfriend ko?
[ITUTULOY]
BINABASA MO ANG
Tres Ekis
Mystery / Thriller[Completed] Language: Filipino Description: Three dark erotic mystery thrillers in one compilation.