CHAPTER 2

389 4 0
                                    

Ivy Amethyst Francisco Pov.

Naiinis ako ewan ko ba kung bakit basta naiinis ako. Hindi ba uso ngayong Araw ang mag dahan dahan sa Pag dadrive ngayong araw? Napakamot na lang ako sa Aking ulo.

Ilang Minuto pa ako nag lalakad ng makarating ako sa Plaza na madaming tao pero ni isa Wala man lang ako kakilala saan ba yung mga kaibigan ko palaging nag tatambay dito himala wala sila.

Pumasok na ako sa Loob at nag hanap ng mapwepwestohan ngunit wala akong nakita kaya lumabas na lang ako at pumunta sa Park, di naman siguro masama tumambay kahit walang ka date doon di ba?

Nasapapasok pa lang ako ng park ng may Bigla akong Nahagip na pamilyar sa aking babae na may kasamang lalaki.

"Si Sabina Akala ko walang Jowa yan?" Bulong ko, si Sabina kasi ang matalik kung kaibigan sa School palagi kaming mag kasama doon, pero hindi siya nag sasabi sa akin na sila na pala ni javen? Shit Oh my god hindi niya pa masyadong kilala yan Sinagot na agad niyan? Hindi talaga Nakikinig sa akin ang babaeng ito.

Subukan niya lang mag Pacomfort sakin pag niloko siya niyan hahayaan ko talaga yan kahit kaibigan ko pa yan.

Napailing Iling na lang ako at tumalikod na ako, hindi na ako jan nakakainis ngayong araw ang daming sakit sa Ulo.

Naglakad na ako patungong Basketball Court, kahit hindi ako mahilig manood ng basketball ay doon na lang ako baka wala akong sakit sa Ulong makikita doon.

Papalapit pa lang ako ay rinig ko na mula dito ang mga sigawan ng kababaihan na nag Che-Cheer.

'Wooo Go babe kaya mo yan!'

'Go Alonzo pag nanalo kayo sasagutin na kita!'

'Ang galing mo naka-white mahal na ata kita!'

Sigaw nung mga kababaihan sa Court, napairap na lang ako sa hangin wala namang Liga Maka-Cheer wagas mapaos sana kayo.

Naupo na lang ako sa Bleacher, kahit wala naman akong Problema salubong ang kilay ko, ano bang meron ngayon bakit naiinis ako?

Nanood na lang ako kahit hindi naman ako mahilig, Patuloy pa din sa pagsisigaw ang mga malalanding babae ay hindi ko na lang pinapansin.

Ilang Minuto pa lang ako nanonood pero naboboring na ako, akmang tatayo na ako ay nanlaki ang mata ko sa papalapit na bola tatama sakin.

"MISS ILAG!!!"

pero huli na ang lahat tumama yun sa Ulo ko dahilan para matumba ako.

"Aray!" Sapo-sapo ko ang Nuo ko kung saan tumama ang bola.

Lumapit ang mga kalalakihan na nag babasketball papunta sa akin na may nag aalalang tingin.

"Miss Are you okay?"

"Ayus ka lang ba?"

"Gusto mo ba lagyan natin yan ng Ice?"

"I'm sorry miss nasobrahan ko ata..." Doon na agaw ang atensyon ko sa Humingi ng tawad.

Pinakatitigan ko ito ng mariin, gwapo naman Moreno, matangos ang ilong at malalaki ang pilik mata.

Pinakatitigan ko ito ng matagal bago ako nag iwas ng tingin."Ayus lang sige aalis na ako..." Akmang tatayo na ako ng hawakan niya ang palapolsohan ko.

Napatingin naman ako sa kanya.

"Sige Bro Ikaw muna dito tutuloy na kami sa Laro!" Sabi naman nung lalaking mahaba ang buhok at inaya na ang mga kasama niya na maglaro.

Ngunit hindi man lang nagawang lingunin yung lalaki kanina at sa akin lang nakatitig ang Magaganda niyang mata ngunit nakakatkot dahil Cold siya makatingin sa akin dahil hindi mo mababasa ang isipan niya.

"Aalis na po ako..." mahinahong sabi ko at pilit kung binabaklas ang pagkakahawak niya sa akin, ngunit masyadong mahigpit kaya sumuko na lang ako.

"Stay Here!" Maotoridad na sabi nito ngunit seryoso pa din ang mga mata nito.

'Oh my god look girls paranang ayaw niya ng bitawan ang kamay nang girl'

'Ang gwapo pa naman sana ako na lang Yung girl!'

'Me too, tsaka ang panget naman nung babae eh hindi sila bagay dzuh!'

'Correct hindi sila bagay tsaka ang panget ng suot niya'

Bigla na lang ako nahiya, kaya doon ako nakakuha ng lakas upang higitin ang palaposuhan ko sa kanya.

"Don't mind Him..." Sabi ng lalaki sa Seryosong boses.

Lumingon naman ako dito."Aalis na po ako kuya kailang na po ako ng nanay ko sa bahay!" Sabi ko at tumalikod na ako, nag papasalamat naman hindi niya na ako pinigilan.

Nagmadali akong umalis at nilisan ang basketball Court, hindi na ako pupunta doon mukhang nadadagdagan na ang aking sakit sa ulo nakakainis.

Isali mo pa ang mga babaeng nag bubulongan sa Likod ko kanina, eh di sa kanila na yung lalaki saksak nila sa baga nila mga uhaw talaga sa mga lalaki ang mga yun, makapag sabing panget ang mga yun, Maganda nga sila pero hindi naman maganda ang ugali nila wala rin naman kwenta ang kagandahan nila.

Panget nga ako atleast ako ang nilapitan ng gwapo kanina, eh yung mga yun Hanggang Bulong Na lang sila mga inggitera talaga palibhasa hindi sila nilalapitan.

Tsaka grabe manghusga ang mga yun ah, hindi ba sila tinuturuan ng magandang asal ng mga magulang nila? Hinahayaan lang na tumambay sa mga plaza ang mga yun, at alam ba ng mga magulang nila na humahunting yun ng mga lalaki? Kaso kahit gaano pa sila kaganda wala naman silang na-hahunting.

Nasa kalagitnaan ako ng pagiisip ng may naramdaman akong umakbay sa akin.

"Kanina pabkita hinahanap eh!" Sabi ng umakbay sa akin na si Sabina.

Naptingin naman ako dito."Oh bakit mo naman ako hinahanap?" Tanong ko dito.

Napataas naman ang kilay niya sa akin."Alam ko nakita mo kami ni Javen sa park!"

Napangisi na lang ako."Oh tapos? Hindi mo sinabi sa akin na kayo na pala?"

Napairap naman siya."Friend...Pag sinabi ko alam ko naman na parang ikaw ang nanay ko grabi makatutol sa Relasyon!"

Binatukan ko naman ito ng mahina."Baliw Kilala ko si Javen Sab. Madaming lalaki yun!"

Doon naman siya namutla sa sinabi ko."Bakit hindi mo sinabi agad!"

Napairap na lang ako."Gaga Ilang beses kung sabihin sayo na huwagong sagotin ang lalakin yun pero ginawa mo pa din kaya bahala ka sa buhay mo..."

TO BE CONTINUED.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Punishment (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon