Chapter 1

5 0 0
                                    


Nandito ako ngayon, naglalakad sa gitna ng tirik na tirik na araw. Antagal kong naligo mahigit isang oras pero dahil walang dumadaan na tricycle dto. No choice ako mga ate at kuya. Naglakad ako hanggang sakayan ng jeep. Pagdating ko sa sakayan talo ko pa ang di naligo ng apat na araw sa tagatak kong pawis, akala ko nga hahabulin ako ng suklay sa gulo ng buhok ko, bagamat mainit, napakalakas ng hangin. Hnd na ko nag abalang kunin yung suklay sa bag ko, kinamay ko na lang. Para saan pa? Pagsakay ko ng jeep, bubuhaghag lang din naman at titigas na parang di shinampoo dhl sa todo bigay na pagharurot ng jeep ang mga manong driver sa probinsya.

Nag aabang na ako ng jeep sa sakayan, sa tagal kong naghihintay hndi na nakatiis yung tambay sa tindahan ni Aling Nene. Ayun sinitsitan ako tapos ngumiti ng pagkalapad lapad, tinitignan ko lang sya sa ginagawa nya hanggang sa kinindatan pa ko. Napangiwi na lang ako, ako ata trip neto ngayon. Well, bhala sya dyan. Badtrip ako! Ang dalang naman kasi ng jeep dito. Kainis! Ewan pero may nakakarelate ba dito sa akin? Kahit ang ayos ayos ng suot mo may mga ala pa ring magawang tambay na sisitsitan ka? At pag hnd pinansin magsa side comment pang "suplada". Kaloka lang.

Haaaaay pagkatapos kong magkwento tungkol sa tambay, dumating na din yung jeep na sasakyan ko papuntang Gapan. Nagmadali na kong sumakay sa jeep, umupo agad ako sa likod. Pero wrong move mga fre! Nakatutok lang naman sa akin si haring araw once again. Magkakasakit ata ako sa balat bago ako makarating sa WalterMart. Imagine one hour ang byahe kaht na kasing bilis ng LRT yung jeep at naka pants and teeshirt ako.

Tagus tagusan pa rin ang init no! May igaganda pa ba ang araw na to? Maya maya biglang natahimik yung paligid. Napatingin ako bigla sa mga kaharap ko at sa katabi kong nakanganga sa akin na sa tingin ko ay mga college friends. 'Luh, problema ng mga to?' sa isip isip ko. At ayun nga kahihiyan got the better of me. Mabango pang tignan ang mandirigma kaysa sa akin. Napafacepalm na lang ako. Huhu nakakahiya sana mabaon ako sa ilalim ng lupa kaht mga 5ft lang, wag naman 6ft. Yung pakiramdam na hinead to foot ka? Ganern. The feels. Nailang ako bigla napatingin na lang ako sa labas, binibilang yung mga dumadaang sasakyan na kulay puti. Juice ko po!

Ang nasa harap ko babae sya na chubby katabi nya naman lalaki na ang tangkad na mapayat, yung katabi ko naman lalaking nakasalamin na dutdot ng dutdot sa cellphone nya. Tinamaan ng sablay na bbq stick! Terno kami ni Kuya ng damit sya nakapolo shirt na gray at ako naman nakablouse na gray din. As in magkakulay tlaga mga ate at kuya.

Parang hinabi ang damit namin sa iisang tela. At ang sapatos kaloka parehas din kaming nakablack rubber shoes, magkaiba lang ang kulay ng sintas at brand. Nakashorts sya at dun pumalya ang outfit namin. Aba naman kung sakaling nagpants sya o nagshort ako kinabog namin ang magsing irog. Irog talaga para native na native ang dating. Hahahahaha. Ngayon, napagtanto ko na kumbakit napatingin sila sa aking mga magkakaibigan. Tuloy tuloy lang sila sa pagkwekwentuhan. Hinayaan ko lang sila. Hindi ako makalingon sa katabi ko, kinikilig kasi ako. Mwahahaha ang landi ko. Maya maya biglang nagpreno si manong driver at eto na nga, teka kenekeleg eke enebey. Ayun nagdikit yung mga braso namin mga fre at ang mga tuhod pak na pak nagdikit din. Hoho. Syempre ang mga kamay namin nung humawak kami sa hawakan na mahabang bakal sa taas. Siopaooooo talaga. Kilig na kilig ako nun. Nakalimutan kong ang init init. Nakalimutan kong amoy araw ako ng very very light.

Nakalimutan ko yung
ibang pasahero. Ang alam ko lang magkatabi kami as in magkatabi talaga!
Pero syempre hiram na sandali lang yun. Haha kung makahiran na sandali eh no. Bakit ba, eh kenekeleg ekey. Ako yung unang nagtanggal ng kamay. Tapos biglang usog ako sa sulok. Haha pakiramdam ko lalong pumula muka ko dahil dun. Ang ganung kalapit ng proximity namin sa isa't isa, malaya kong naamoy ang kanya ginamit na pabango. At ang mga kamay naming nagkadaupang palad. Shreeeeeems. Kelegs!!!!!

'Siguro kung mukhang mandirigma ang katabi ko, maasiwa ako.' Sa isip isip ko. Hahahaha. Well, ganun talaga nakatabi ko eh sapat na para kiligin ako.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Helping HandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon