Jella's P.OV
Kung ikaw ay may pagkakataon na mabago ang mga nasabi mo at nagawa mo noon may babaguhin kaba?kasi ako kung bibigyan ako ng pag kakataon gagawin ko ang lahat para sa mas makakabuti.
"Uy jella anong ginagawa mo diyan?halika na sumakay kana sa Van uuwi na tayo nila papa mo"sabi ni mama
"Opo,papunta na po ako ma"sabi ko
Ipapakilala ko nga pala ang aking pamilya at kung saan kami naninirahan.Ang pangalan ng aking mama ay Rhett meron siyang 3 anak at ako ang panganay.meron pa akong dalawang kapatid isang lalaki ang pangalan naman niya ay Cade at babaeng bunso na si Ava at si papa naman ang pangalan niya ay Rylan ang trabaho niya ay isa siyang seaman pero kaka uwi niya pa lang galing sa barko.
Pauwi na kami ngayon sa aming bahay.
"Hoy ate grabe ka ano bang ginagawa mo don sa labas?napaka tagal mo talaga"sabi ng kapatid kong pangit
"Bakit ba? ang ganda kaya ng view don nag picture lang naman ako saglit"sabi ko sakanya at sumakay na
"Uuwi na tayo mag pahinga na kayo dyan.mag drive thru nalang tayo ngayon.may gusto ba kayong kainin?"sabi ni mama
"Yehey,gusto ko don sa ano ma bagong kainan don meron din silang drive thru"sabi ni Cade
"Okay sige,bantayan niyo si Ava diyan ha"Sabi ni mama
Nakatulala lang ako ngayon sa bintana at nakikinig ng music.napaka ganda talaga pag masdan ng mga dahon.
Hindi ko namalayan na naka uwi na pala kami dahil nakatulog ako kanina sa byahe medyo mahaba din ang naging byahe namin dahil umuwi kami ngayon sa bahay namin dito sa Laguna.
"Ay apo ko andiyan na pala kayo nila mama at papa mo kamusta ang byahe? traffic ba ngayon sa daan?"sabi ni Lola
"Opo la traffic nga po ngayon kaya po yan si ate tulog sa byahe"sabi ni Cade
Luh,ikaw ba tinatanong? ems hays pagod na ako papasok muna ako sa kwarto
"Ma punta lang po muna ako sa kwarto"sabi ko
Madami na rin palang nag bago dito sa bahay namin pero maganda pa rin siya.
Natulog ulit ako at hindi ko namalayan gabi na pala.napaka bilis ng oras parang kaka pikit ko palang eh.
"Oh jella bumangon kana dyan nag luto na ako ng hapunan natin"sabi ni Lola
"Opo la, papunta na po ako"sabi ko.naamoy ko na ang niluto ni lola ang bango nagugutom na tuloy ako.
"Uy wow adobo favorite ko yan"sabi ni Cade
"Ay sus favorite mo naman lahat ng luto ko apo eh"sabi ni Lola
"Hahahahahah syempre naman po lola eh napaka sarap niyo po mag luto eh"sabi ni Cade
"Yes po Lola,Agree po ako!"sabi ko
"Ay sus nambola pa nga ang mga apo ko"sabi ni Lola.
Oh tama na nga ang daldal kumain na tayo dito.
"Ma,pa halika na po kain na po tayo"sabi ko
"Oo anak sandali lang may inaasikaso lang kami"sabi ni mama
"Mamaya na po yan mama makakapag hintay naman po yan"sabi ko
"Hay ang kulit talaga ng anak ko hahahahahah oo sige na papunta na"sabi ni mama at tumawa naman si papa sa kakulitan ko.
"Oh bukas ha mag transfer na kayo dito sa bago nyong school "sabi ni papa
"Opo papa naeexcite na nga po ako eh"sabi ni Cade
"Siguraduhin nyo lang na mag aral kayo ng mabuti ha"sabi naman ni papa
"Opo papa pag bubutihan po namin"sabi ko at ngumiti
Tapos na kami kumain ngayon at nililigpit ko na ang mga plato para mag hugas.Gabi na ngayon at tapos na akong mag hugas ng mga pinggan oras na naman para matulog ako kaso hindi pa ako inaantok kaya inopen ko muna ang cellphone ko at nag check sa mga social media accounts ko at chinat ko nalang ang mga old classmates ko para sabihin na naka uwi na kami ulit dito sa Laguna kaso mga hindi na naka active sila sa messenger kaya napag desisyunan ko nalang na matulog.
"Gising na kayo dyan jella tsaka Cade Umaga na maaga pa ang pasok niyo at baka malate kayo"sabi ni mama
"Opo mama babangon na po kami"sabi naman ni Cade.
Nag handa na ako ng mga gagamitin ko sa school mamaya at pinauna ko muna ang kapatid ko na maligo at ako naman ang susunod pag tapos niya.
"Kinakabahan ako ngayon ma huhu"sabi ko Kay mama
"Madali lang ikaw makakahanap ng kaibigan ulit wag kana kabahan"sabi ni mama at ngumiti siya para mapagaan ang loob ko
"Sabagay po mama pero baka kasi masungit si ma'am hahahahahah"sabi ko kay mama at tumawa.kakain na ako ngayon ng umagahan dahil maaga kaming papasok ngayon
"Hoy ano na Cade?Napaka tagal mo naman"sabi ko sakanya dahil papasok na kami.grabe ano ba ginagawa non sa kwarto niya at napaka tagal.
"Eto na ate grabe kayo sakin"Sabi niya at naka ayos ang buhok.
Grabe ha feeling crush ng bayan ang ayos nitong kumag na ito.haler first day palang namin nag papa sikat na agad siya sa campus.
"Hay nako nag papangit lang pala siya ma kaya matagal"sabi ko at sumakay na sa tricycle
Mag ta tricycle lang kami dahil hindi naman kalayuan ang school saamin.
"Hala ang ganda ng school ate napaka daming estudyante"sabi ni Cade
"Aba,natural school ito be"sabi ko at nag tataray.Wow feeling baddie ako.At pumasok na nga kami sa loob.
Malaki nga ang school namin kaya nagpaalam na kami ng kapatid ko papunta sa mga kanya kanyang room namin.
Ay tekaaa may sasabihin pala ako mga momshie nyo ha grade.5 palang po ako ngayon at hinahanap ang room ko.At eto na ako ngayon at iniisa isa ang mga room hindi nag tagal nakita ko na rin.second floor pala kami ang bobo ko sa first floor ako nag iikot.
Grabe kinakabahan ako huhu grabe mga tinginan sakin ng mga kaklase ko ha.Mukha po ba akong nangangagat??
Pero eto pa rin ako naka tayo sa tapat ng room namin dahil hinihintay namin yung adviser namin para makapasok sa loob."Andiyan na si ma'am"sabi nung kaklase ko
Hays sawakas makaka upo na rin.
"Hello po ma'am good afternoon po"sabi namin mag kakaklase.
Maganda yung room ni ma'am parang hindi siya mahilig sa pink ha.Dahil napapaligiran ako ng mga hello kitty design ngayon na punong puno ng pink pero not gonna lie ang cutiee naman.
YOU ARE READING
If not now,then when?
Teen FictionRobin and Jella are classmates and they don't know that in an instant everything will happen