chapter 2

0 0 0
                                    

Jella's P.OV

nag pakilala lang kahapon si ma'am at nag discuss.mababait naman ang mga kaklase ko at guro ko kaya madali lang ako napalapit sa mga loob nila.

And madami na agad akong naging friends sa room namin.True nga si mudra.





Ilang buwan lang din ang nakalipas at ganon nga naging masaya ang aking grade 5 days.maayos ang lahat at madami akong naging kaibigan.

"Uy jella mag kakaroon daw ng event dito sa school natin ha, sumali ka kaya?"sabi ng classmate ko na si Harvey

"Ay nako,ayoko nga hindi ako magaling sa mga ganyan"sabi ko naman sakanya at umangal ako

"Malay mo naman diba manalo tayo"Sabi niya at parang walang balak na sumuko na pasalihin ako.

Maya maya lang ay dumating na si ma'am para mag announce samin.At Ayun nga po nag announce nga siya about doon sa model model na yon.Oo  last year may nasalihan na rin akong model and nanalo ako kaya medyo maalam na ako.Ang gaganapin na model daw samin about sa heart day eme eme daw.Wala naman sa Plano ko na sumali kaso nag pumilit at nag makaawa sila ma'am at mga kaklase ko nakakahiya na humindi sakanila like sino ba ako diba para mag pa choosy pa??atsaka sabi din naman ni ma'am na siya ang mag aayos at susuporta saakin lahat don siya na ang bahala sa mga gagastusin.Wala rin naman kasi gustong sumali sa mga kaklase ko.

"Jella, Bukas na daw kayo mag pa practice ng model Sabi nung magtuturo sainyo lahat na daw kayo don na mga candidates sama sama"Sabi ni ma'am at naka ngiti na sinabi saakin yon.

"Sige po ma'am,salamat po!"Sabi ko at bumalik na ulit sa upuan ko.Omgg yes sawakas makakaligtas ako sa mga ituturo bukas at sa mga gagawin.

Uwian na namin ngayon at kasama ko ang mga kaklase ko ngayon para mag meryenda.pauuwi na kami at bumili lang kami ng mga sago sa labas ng school at fishball.

"Uy jella, good luck bukas ha"Sabi ng classmates ko.

"Salamat beh"Sabi ko naman habang kagat kagat yung fish ball.Grabe ang init nitong fish ball ha parang ayaw mag pakain.

Pauwi na ako ngayon sa bahay.

"Hi po mama"Sabi ko Kay mama at nagmano.

"Kamusta school mo nak"Sabi ni mama at tinutulungan akong kunin ang bag ko para itabi.

"Okay lang naman po mama tsaka may practice kami bukas po para sa model na isinali ako ni ma'am"Sabi ko Kay mama

"Mabuti naman wag ka mag paka pagod masyado bukas at magpunas ka ng pawis mo ha"Sabi ni mama

"Opo mama"Sabi ko naman at naka ngiti.

Ginagawa ko nalang ang mga assignment ko ngayong araw para wala na akong poproblemahin bukas para mangopya sa mga classmates ko ems.

Papasok na ako ngayon sa school koooo medyo kinakabahan na excited na ako tagal ko na rin hindi naka rampa hahwhdhshah wow ha.

Naka upo muna ako sa classroom habang nag lesson si ma'am at hinihintay ko na tawagin na ako ng mga kasama ko sa practice napaka tagal ha nabobored na ako dito wala akong maintindihan.

"Hello po,may kasali po ba sa model dito"Sabi nung babae na kasali din ata sa practice.

"Uy jella tayo kana dyan"Sabi ng classmates ko.

"Ako po"Sabi ko sakanya at tumayo na nag paalam na din ako kay ma'am na mag papractice na kami.napaka daming tao sa court ngayon na kasali din sa model mga 40+ ata may mga bata din kasi pero sa ibang mga pwesto na sila naka ano dahil mga grade 4-6 ang mga makakalaban namin.

Umupo muna ako saglit doon sa upuan at maya maya lang ay dumating na ang magtuturo saamin.Pina tayo niya muna kaming lahat at binilang kami 10 girls Vs 10 boys kaming lahat na mag kakalaban.Pinaupo niya muna kami dahil mauuna daw muna mag practice ang mga boys at kami ang susunod pagkatapos nila.

Habang naka upo ako ay nakita ko yung crush ko na taga ibang section at literal na napaka pogi niya talaga mga beh like ano ba.crush ko siya nung nag karoon kami ng mtap sa school namin mga last month ata yon then naging ka grupo ko siya but ang tahimik niya lang talaga pero sobrang gwapo kaya nga sikat na sikat yon sa school namin at andaming may gusto kasama na rin ang mga kaklase ko dibuh like impossible na mapapansin niya ako.Pero habang nagmomodel siya may nakita pa akong isang guy na kasunod niya sa model at ang gwapo so much.

Ay nako jella itigil mo nga ang kalandian mo practice ito beh para sa model jusme ka.sabi ko sa isip ko habang nag momodel yung guy.

Ganito kasi ipapaliwanag ko kung anong itsura nung guy mga beh.Maputi siya,Matangos,Makapal ang kilay tsaka ang cute cute nung pisngi niya.Hindi ko namalayan na nakatulala na pala ako sakanya at nagulat ako na naka tingin na din pala siya saakin.

"Mga girls mag ready na kayo patapos na mag practice ang boys."Sabi nung nagtuturo saamin.

Dali Dali akong tumayo sa pinag uupuan ko at nag ready na nga dahil kami na Ang susunod.At yon nga mga beh nagpakitang gilas agad ako sa model namin baka mapansin pa ako nung guy na yon but hindi ko siya makita dahil maraming nanonood saamin na mga estudyante na mag uuwian na.

"Ay lagot,paano na yung bag ko nag uuwian na sila"Sabi ko sa sarili ko habang kinakabahan kung paano makukuha yung bag ko sa room.

Mga ilang saglit lang at pinauwi na kami nung mga nagtuturo saamin ng model at konti nalang din ang mga estudyante na natitira.Dali Dali ako Tumakbo papunta sa room namin habang kinakabahan.

"Sana nandoon pa yung president namin para magpatulong ako sakanya"Sabi ko sa isip ko.

Pag punta ko sa room ay naka lock na nga ito at pinipilit ko itong buksan ngunit hindi ko talaga mabuksan.

"Hala,paano na ako nito"Sabi ko sa sarili ko na parang naiiyak na.maya maya lang ay may nakita akong babaeng papunta sa room namin.At swerte ko nga naman na bumalik yung president namin dahil may kukunin daw siya.

Pero paano yon wala daw pala sakanya ang susi huhuhu.Nagcheck siya sa bag niya ng gamit na pwedeng maipambukas sa pinto at ang nakita niya na pwedeng magamit ay yung kutsara.Tinulungan ko siya na mabuksan yon at maya maya lang ay nabuksan na namin at dali dali akong tumakbo para makuha ang bag ko at ang baunan ko.

"Salamat po ate!buti andyan ka akala ko hindi ko na makukuha ang bag ko eh"Sabi ko kay ate ng naka ngiti.

"Swerte mo at bumalik ako hahahahahahah"Sabi ni ate at sabay na kaming bumababa palabas ng gate.

"Mauna na po ako ate, salamat po ulit"Sabi ko sakanya at nginitian niya lang ako at ako naman ay  naglakad na pauwi.





If not now,then when?Where stories live. Discover now