Alam nyo yung feeling na hindi mo naman talaga gusto yung course na pinasok mo.. Gusto lang naman eto ng parents mo. Ayoko... Ayoko mag medicine course.. Ewan ko ba kung bakit nila ako pinipilit mag ganun. Gusto ko mag business course. Hay nako.
Lagi na lang ako sinasabihan ng walang kwenta.. Malamang wala pa akong kwenta kasi wala pa naman akong sarili kong pera. Pero wag silang mag alala pag meron na ako hindi ko na sila gagambalain ulit. Ipapakita ko aakanila na kaya ko at hindi ako walang kwenta. Bakit kaya ganun ang mga parents. Masyado nila kinokontrol ang anak at madalas sila pa ang nakakasabi ng masasakit na salita.. Hindi ba nila alam na mas masakit masabihan ng sarili magulang ng "Walang kwenta" kesa sa hindi kilala...
Wala parin bang kwenta na sinusunod ko lahat ng gusto nilang ipagawa sakin. Kahit kelan naman hindi ako nag decision ng sarili ko lang eh. Lago naman sila ang nag dedesicion ewan ko ba kung bakit sila ganun. Hay nako.