Makalipas ang tatlong subject ay tumunog na ang bell para sa lunch I did notice na ako nalang ang natira sa room pero ok lang sanay naman akong iniiwanan at mag-isa eh.
Naririnig ko ang malakas na sigawan ng mga lalaki at sinasabi na Ang ganda naman sabay sipol weetwoot..
Pagkatapos ng lunch ay may nakita kaming magandang babae na natakbo na para bang may hinahabol.
Nagtaka kami ni Ken dahil bigla siyang huminto at pumasok sa room namin at binigay kay Mr.Santos yung form.
"Okay class eyes on the black board" sabi ni sir
"I am Alexa Reyes 14 years old Bagong lipat lang ako dito sana magkaroon ako ng maraming kaibigan" pagpapakilala nya sa sarili nya
Tumabi siya sa kaliwa ko tapos biglang sumigaw si Ken
"Ang daya naman sir bakit sa kaliwa at kanan ni kyle ay may mga magagandang babae. Bakit ako si Chabelita na halos maging bulkang mayon ang mukha dahil sa sumasabog na pimples at si Eleng na halos mamatay na ang ibon sa sobrang baho ng hininga ang katabi ko sir nasaan ang hustisya."
"OYYYY!" sabi ni Chabelita at Eleng
"Hey Ken mapanlait ka masama yan" I said as I glare at him
"Nasasabi mo lang yan kasi di mo ako naiintindihan" pagmamatigas ni Ken
I look at Chabelita and Eleng and murmured "Pagpasensyahan nyo na may saltik lang yan"
"Well nagkakaintindihan talaga ang mga pangit" pagsabat ni Louise sabay tumawa sila ng mga kaibigan nya
After hours of class ay dismissal na sa wakas I was about to leave but things took a turn
Si John na sobrang naiingit sa sitwasyon dahil may gusto siya kay Louise ay lumapit sa akin at binulungan ako "Kung gusto mo pang makita yang mga gamit mo ay pumunta ka sa rooftop at huwag kang magsusumbong"
"Oo na sige na bitawan mo na yung kwelyo ko" sabi ko
Shit eto na naman siguro kasalanan ko din to kasi sa katangahan ko ang layo layo ng Louise sa Lane ugh sigurado bugbog nanaman ako
Tahimik akong naglalakad at nag-iisip nang biglang may sumigaw sa tenga ko "Ang ganda ganda niya!" .
"Oy! Ano ba ang ingay mo Ken para kang tanga" sabi ko sabay batok sa kanya
"Sabagay maganada naman talaga siya eh" I added
"Pre akin siya" pakikipagtalo ni Ken
"WALANG SAYO KEN KAYA UMUPO KANA SA UPUAN MO AT TIGILAN MO NA ANG KADADALDAL!"
Kinakabahan ako habang papaakyat ako hagdan parang ayoko nang tumuloy pero sa sobrang pag-iisip di ko namalayang nasa rooftop na ako. Hindi ko na rin sinabi kay Ken kasi baka mapahamak din sya at mapatawag na naman sa Guidance ever since the day he saved me from those bullies he stopped using his fist to beat anyone.
"Ayan nandito na ang lampa na masunurin, paano mo nakakayanang magising araw araw na may ganyang mukha" sabi ni John.
Napakaraming taong nakapabilog sa akin , lumapit na ako nang biglang sinikmuran ako ni John tuloy-tuloy ang pangbubugbog sakin tapos bumulagta na ako sa sahig sa sobrang bugbog at habang natulo na ang dugo sa bibig ko.
Biglang sinabi ni John "Tigilan mo na si Louise at huwag na huwag kang magsusumbong kahit kanino at kayo ring mga nanonood ahh walang magsusumbong para di kayo magaya sa kanya!"
Nakita ko si Alexa na lumalapit sakin pero bigla akong nawalan ng malay pagkagising ko ay nasa clinic na ako.
"Thank you Alexa ah" I said as I saw her waiting for me
"No problem pero you must thank the guy named Cyrel and Sky kasi sila ang nagbuhat sayo papunta dito"
Magbabago ako at hinding hindi na ako mabubugbog nang ganito ulit, this is the last time .
BINABASA MO ANG
I'm That Guy
Teen FictionNasubukan mo na bang baguhin ang sarili mo para pumogi,maging sikat at mahalin ng taong mahal mo. Kyle Axel Saavedra is just a nobody, a nerd and an outcast, nabubully sya dahil sa itsura nya, but something happened, he met Louise and things change...