Chapter 25: Shift

24.7K 1.2K 957
                                    

A/N: Happy muna tayo. Ayoko kasi ng sad. Joke not joking HAHAHA anyway, enjoy!

---

Cyane

I am currently walking towards The Ink's office dahil natapos ko na ang poems at painting na kailangan ko. I used Oceane's picture para sa piece ko. She's a great definition of Freedom. Pinaint ko 'to noong pumunta sila ni Miss Amaya sa studio ko. She even helped me barnishing the canvas.

Tuwang tuwa pa siya noon dahil kumpleto ako sa painting materials at halos abutin kami ng gabi dahil ayaw niya umuwi.

But what I'm thinking of is the kind of stare Miss Amaya gave to all of my pieces with Kuya Caelan as the subject. Like she knows him. Pero hindi ko na nagawang matanong yon dahil kay O, ginawa niya kasi akong alila. But I don't mind, seeing her enjoying the things I enjoy gave me a feeling of satisfaction and joy.

"Cyane, do you need something?" Sir Tris asked as soon as I step inside the office. Siya lang mag isa dito dahil paniguradong nasa klase pa yung iba at saka wala namang kasalukuyang activity ang club.

"I'm here to pass my poems and painting, Sir" Nakangiti kong saad na nagpakunot ng noo niya.

"October ba ang deadline mo. September palang, Cy. Hindi ka naman excited no?" Bahagya akong napatawa sa sinabi niya.

"Ganun talaga pag inspired, Sir" Nakangiting sagot ko na tinawanan niya lang.

"Sino naman yan, Cyane? Totoo na ba yan? Baka katulad ng dati na aayawan mo lang din kapag gusto ka na din ah" I mentally flinched dahil sa sinabi niya. Totoo naman, before Miss Amaya ay may mga nagustuhan na din ako but everytime na aamin na silang gusto na din nila ako ay lumalayo ako. Aquarius things.

"Totoo na 'to, Sir. Tinamaan ako bigla eh" Iiling iling na saad ko pa habang si Sir ay natawa lang

"Nga po pala. May klase pa po ako eh, idinaan ko lang talaga to" Agad kong kinuha ang maliit na canvas sa bag ko at ang mga pinrint kong poems. Inabot ko ito kay Sir para macheck pero ang loko basta nalang yon inilagay sa box na may nakalabel na 'Checked and Ready'.

"Sir, ichecheck pa yan ni Klay!" Angal ko bago niya matakpan ang box. He just gave me a deadpan look and shrugged his shoulders.

"Okay na yan. Malaki ang tiwala ko sayo and for sure Klay will just read it and will also put them here" He said as if it's not a big deal. Nakakapressure naman.

I sigh. Wala naman din akong magagawa dahil makulit din 'tong si Sir.

"Sige po. Kapag po may mali kayo may kasalanan, Sir" Nagbibirong saad ko na ikinatawa niya na naman. Ayieehh, happy pill mo na ba ako Sir?

"Ikaw lang ang kilala kong kayang manisi ng Professor" Turn ko namang tumawa dahil sa sinabi niya. Sir Tris is like a brother to me. Sa kanya ko kasi nakikita si Kuya Caelan. Mahilig din yun makipag asaran sakin eh.

"Oh, before I forgot. Write and Art emailed me this morning saying they sent Klay and you an email about your paintings na pinasa niyo sa kanila. Icheck mo nalang yung sayo, I'll tell Klay about it later. Mukhang good news eh" I gave Sir Tris a nod. Ano naman kayang kailangan nila samin? I don't want to assume that they picked mine and Klay's artworks dahil baka masaktan lang ako sa huli. Pero sana nga good news yun.

"Sige po sir una na po ako. Bye po, hanap ka na jowa para mas pumogi kayo!" Tumatawang saad ko bago nagmadaling tumakbo sa may pinto. Pero nawala ang ngiti ko ng marinig ang sagot niya.

"Ligawan ko na ba si Yvaine?" Kung hindi lang ako malelate ay baka nabatukan ko si Sir. Tss.

Nagpanggap nalang akong hindi siya narinig at lumabas na ng office.

Hues of You (GxG) [Unedited] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon