Chapter 30: Fantasy

31.3K 1.2K 1.5K
                                    

A/N: Basta promise ko lang wala pang mamamatay HAHAHAHAHA charot lang mga mare. Enjoy!

Warning: Rated 18+ Content! Read at your risk! Basta winarningan ko kayoooooo!

----

Cyane

"Are you ready?" Nakangiting tanong ko ng tuluyan siyang makarating sa pinaka unahang baitang ng hagdan.

She's wearing a casual attire dahil mag momotor kami sa pupuntahan namin. Meron kasi akong naisip gawin para sa first date namin.

"Where are we going?" Tanong niya matapos ipalibot ang mga braso sa bewang ko.

Shet! Pikit mga single!

"It's a surprise, baby. Tara na?" Ginawaran ko muna siya ng isang mabilis na halik bago inalis ang mga braso niyang nakayakap sakin.

Agad kong pinagsalikop ang kamay namin bago siya hinila palabas ng bahay niya.

"Malayo ba pupuntahan natin?" Curious na tanong niya matapos kong isuot ang helmet sa kanya. Binilihan ko na siya ng bagong helmet, yung snoopy ang design tapos pink.

"Mga 1 hour ride" Sagot ko at dinouble check pa kung nakakabit ng ayos ang lock non. Binigay ko din sa kanya ng isang leather jacket na katerno ng akin. Para riding in tandem kami.

"Okay. Let's go" Tinapik niya pa ang balikat. Agad naman akong sumampa sa motor at ganun din ang ginawa niya.

I started the engine while she wraps her arms around my waist.

I tried to ignore the electric current her warm arms gave me and just put my whole attention on driving. Buti nalang at hindi masyadong traffic kaya smooth lang ang naging byahe namin.

Makalipas ang lagpas isang oras ay tanaw na namin ang malawak na grassland ng Clark Global City dito sa Pampanga.

Nang makita ko ang nag iisang naka tigil na hot air ballon sa may gitna ay napangiti na talaga ako.

I asked Reed and Chance's help to find a place where we can ride one. Dito sa lugar na to ginaganap ang Annual Hot Air Ballon Festival ang kaso ay tapos na yon.

Buti nalang Chance knows someone na may contact sa isang pwedeng magsakay samin don. Paniguradong isa yon sa mga naging babae niya.

Agad kong inihinto ang motor ko sa gilid at pinaunang bumaba si Amaya bago ako bumaba.

"Are we going to ride that?" Rinig ko ang kakaibang excitement mula sa boses niya matapos tanggalin ang helmet.

"Yup, baby. Surprise" Hindi ko inaasahan ang magiging reaksyon niya. Bigla nalang niya akong dinamba ng yakap at binigyan ng halik sa pisnge.

"Tara na!" Bahagya pa akong natawa dahil biglang naghigh pitched yung boses niya. Hindi halatang excited no?

"Wait, Amaya. Bago tayo sumakay dyan kakain muna tayo" Natatawang hila ko sa kanya pabalik. Kita ko naman ang pag kaalis ng ngiti sa labi niya.

Fvcks. Gusto ba niya sumakay agad?

"Okay fine. Sasakay na tayo tapos mamaya na tayo kakain" I defeatedly said dahil hindi ko kinakaya ang mga mata niya.

Hues of You (GxG) [Unedited] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon