Chapter 3: Meet Me

44.6K 640 50
                                    


"GRABE, Vanni. Hindi ka talaga tumanggi?" nakangiwing sabi ni Scarlett sa kakambal habang tinutulungan niya itong pumili ng isusuot para sa birthday party ng kanilang ama bukas ng gabi.

Palaging busy si Savannah sa opisina dahil ito na ang financial manager ng pagmamay-ari nilang malaking food company, pinalitan nito ang kanilang inang si Faith sa posisyon. Ang De Villa Foods o DVF ay nagma-manufacture ng convenience foods gaya ng instant noodles; mga snacks gaya ng candies, chips, cookies at hard pretzels. May canning factory din sila na nagpu-produce ng sardinas, corned beef, tuna meals, canned sausages, at canned fruits and vegetables. Si Teodoro De Villa naman, ang kanilang ama, ang siyang general manager ng DVF. At si Scarlett, well... Matatawag bang posisyon 'yung pagiging calendar girl niya ng tatlong sunod-sunod na taon? Siya ang naging model sa mga calendar giveaways ng DVF noong twenty-one years old siya. And she hated it! Ang ba-baduy ng mga damit na pinasuot sa kanya at ayaw niya ang ginawang hairdo at make-up sa kanya. Her friends even called her jologs in her billboards in EDSA. Kaya hindi na siya pumayag pang mangyari uli iyon.

"Kailan ba naman ako tumanggi kina Papa? You know our parents only want the best for us, Letti," ani Savannah.

Ugh. Kahit kailan ay sunod-sunuran pa rin ang nag-iisang kapatid niya sa kanilang mga magulang. Ni minsan ay hindi niya ito nakitang sumuway sa utos. But, not her. Oh, hell no! Ilang utos na ba ng parents nila ang binali niya? Hindi na niya mabilang. She just wanted to be happy and free, what could she do? It wasn't as if she was doing some drugs. Party girl nga siya pero hanggang alkohol lamang ang natitikman niya.

"Yes, pero ipapakasal ka sa lalaking ito!" Siya na tuloy ang nagpa-panic para sa kapatid. "They want to merge DVF with the Legacy Foods, hindi ba?"

Nahuhuli talaga siya sa mga balita sa loob ng kanilang bahay at negosyo. Panay kasi ang lakwatsa niya kasama ang mga kaibigan. Kung nasa bahay man siya't tulog siya o kaya'y nagkukulong sa kuwarto. She rarely talked to her parents. Puro naman kasi sermon ang inaabot niya sa mga ito sa tuwing nakikipag-usap siya. Kung may kasundo man siya sa kanyang pamilya, iyon ay ang kanyang Tita Melody na nakabase sa New York bilang matagumpay na stock broker. Matandang dalaga ito ngunit moderno at liberated ang mga pananaw sa buhay. Kung puwede lamang siyang tumira doon kasama ito ay ginawa na niya, kaso, hanggang pagbabakasyon niya lamang doon ang pinahihintulutan ng kanyang mga magulang.

Scarlett was already fed up with her parents' controlling ways. Halos beinte-siyete na siya ngunit kung ituring ng mga ito ay isa pa lamang siyang teenager.

"Do you even know him?" tanong pa niya sa kapatid.

She was not really that close to Savannah. Magkamukhang-magkamukha man silang dalawa ay magkaiba naman ang kanilang mga personalidad at hilig. Iba rin ang group of friends nila. Madalang silang lumabas na magkasama at nagkataon lamang na papunta rin siya sa mall ngayong araw kaya nakisabay sa kanya si Savannah.

"Mama mentioned his name once, it starts with a John or something."

Napanganga si Scarlett. "Oh, my God. Ni hindi mo pala alam ang pangalan niya," pagkuwa'y palatak niya.

Tumawa si Savannah. "Yes, and don't you think it's kinda exciting? He's a total mystery. I've never been this excited before, you know."

"Hmn, it is exciting, I gotta admit. But what happens if you won't like this guy?"

"I think I'd like him," siguradong-siguradong sabi ni Savannah saka naglakad patungo sa fitting room ng kinaroroonan nilang boutique. "Sabi ni Mama ay guwapo, matalino at mabait daw si John. What more could I ask?"

"So you're not just doing this for the business?"

Lumipat ito ng ibang rack ng mga evening dress at masusi itong tumingin sa mga nakakabit sa hangers doon. "Well, we all know that Legacy is a huge food company. Malaking pangalan sila pagdating sa beverages, frozen foods and dairy products sa bansa. But, like DVF, kailangan nilang makipagkumpetensiya sa mga food giants like Universal Robina and San Miguel Corporation. Not to mention na nandiyan pa rin ang Nestle. Imagine if DVF and Legacy would merge together? Kayang-kaya na nating makipagsabayan sa mga higante. Heck, we can even own a team in the PBA!"

Lies and Seductions (PREVIEW ONLY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon