ITO kadalasan ang itsura ng mundo ni Scarlett De Villa. Maingay, maharot, madilim, amoy alak ang hangin. Sa mga club gaya ng The Hive ay doon niya nararamdaman na parte siya ng mundo, na kasama siya sa pag-inog nito. Nararamdaman niya ditong tao siya, buhay, malaya. Walang nagagalit sa kanya, walang nangungutya.
Here, amidst the loud music and dizzying lights on the dance floor, she owned the world. She liked the attention, the envy around her. Kaya sadya siyang nagsasayaw mag-isa sa gitna ng dance floor at ipinapakita ang lahat ng tungkol sa kanya. Her expensive dress, shoes and accessories; her wild dance moves; her beauty and sex appeal. Ang mga babae doon ay kinaiinggitan ang angkin niyang ganda, alindog at yaman. Ang mga lalaki naman ay nagnanasang mapalapit sa kanya.
Humihingal si Scarlett na bumalik sa mesa kung saan iniwan niya kanina ang dalawang kaibigan. Ayaw ng mga itong magsayaw, hindi lang dahil parehong kaliwa ang mga paa ng mga ito, ang totoo ay ayaw ng mga itong masapawan niya. Magmimistulang mga chuwariwap niya lamang ang mga ito kapag nasa dance floor na silang tatlo.
"Hey, I heard Savannah finally found a boyfriend?" untag sa kanya ni Misty, classmate niya noong high school. Payat ito at matangkad. Parang sa ramp model sana ang katawan nito ngunit hindi ito marunong pumili ng tamang damit na isusuot, hindi rin marunong mag-ayos. Ilang beses na itong niyaya ni Scarlett na i-make-over pero lagi itong tumatanggi.
"Anong boyfriend? Kakilala pa lang niya sa lalaking iyon, ano?"
"Hindi ganoon ang nabalitaan ko," sabi naman ni Kaye, kapitbahay ni Misty. Kanina pa ito kain nang kain. No wonder ayaw magsayaw, mabigat tiyak ang bilbil at pata nito. "Anak daw ng may-ari ng Legacy Foods ang boyfriend ni Savannah."
She scoffed. Ang bilis talaga ng balita. Malamang, sa tsismisan ng mga kasambahay nagsimula ang usok. Si Tenten nga na isa sa tatlong housemaids ng mansion ng mga De Villa ay marami siyang nalalaman, kahit tungkol sa mga artista at pulitikong nakatira sa ibang village. May text club yata ang mga kasambahay ng mga mayayamang pamilya sa siyudad.
"Huwag muna kayong mag-assume ng kung anu-ano. Kilala niyo naman si Savannah, mapili iyon sa lalaki kaya wala pang naging boyfriend o naka-date man lang."
"Oo nga, eh. To think na andaming naghahabol na guys sa kanya," ani Kaye. "Remember Erick? 'Yung hottie accountant na naka-date mo dati?"
"Ugh, yeah," umiikot ang eyeballs na sambit niya saka sumipsip sa iniinon na downwad facing daiquiri.
Of course she still remembered. That bastard. Baliw na baliw sa kanya si Erick pero noong makilala si Savannah ay nalipat dito ang pagkabaliw nito. And that was not the first. There were Spencer, Meynard and Joseph na sa una lang nagkagusto sa kanya at sunod na niligawan si Savannah. Mabilis na nawawala ang interes sa kanya ng mga lalaki kapag nakilala na ng mga ito si Savannah. What more, ang mga lalaking iyon ang masasabi niyang pinakamatino sa mga manliligaw niya.
Kahit noong nag-aaral pa lamang sila ni Savannah ay mas maraming matitinong lalaking naghahabol dito kaysa sa kanya. Hard to get kasi ang kakambal niya, siguro ay natsa-challenge lang ang mga lalaki dito, lalo na 'yung mga lalaking ang habol ay seryosong relasyon. Or maybe these guys wanted a nice, timid girl like Savannah because she was uncomplicated, predictable and easy to handle.
"Well, ngayong may ka-date na si Savannah ay hindi ka na magwo-worry na mapunta sa kanya ang atensiyon ng mga lalaking gusto mo," humahagikgik namang sabi ni Misty.
Nag-init naman ang mga tenga ni Scarlett. "As if napakalaking problema naman 'yun. I didn't even like those stupid guys! So good riddance sa kanila, kay Savannah na lang sila, 'no?" palatak niya na umirap sa dalawang kaibigan.
BINABASA MO ANG
Lies and Seductions (PREVIEW ONLY)
General FictionPREVIEW ONLY Complete and uncut story is available on my VIP group. Message us in Facebook, search TheMandieLee.