Chapter 2

17 3 0
                                    

7 pm pa pala. 9 pa ako matutulog. Yung kasi ang nakasanayan ko. Babasahin ko nalang tong book slash diary na hiniram ko sa library kanina. Nasabi ko na ba to sa inyo na ini-scan ko ang book kanina pero di ko binasa scan scan lang at nalaman ko na hindi pa la yun araw2 mukhang yung mahahalagang araw lang na related sa title ang sinali. Pero bahala babasahin ko to.


April 5, 1 1998

Dear Diary,

Kumusta? Alam mo bang hindi maganda ang umaga ko kanina? Nasa cafeteria kasi ako ng bigla akong bungguin ng babae habang dala dala ko ang pagkain ko na kanin, adoboNg manok at drinks at lahat ng yan natapon sa damit ko, tsk puti pa naman. At alam mo ba, hindi man lang lumingon yung babae para alam niya na sobrang dumi ko na. Nakakainis! Akala ko magtuloy tuloy yung inis ko hanggang hapon pero hindi pala. Naalala mo c Merald yung crush ko? May groupings kami sa isang subject at kasama ko siya. At dahil pareho kaming magaling gumihit, kami ang naatasan na guhitin ang nais iparating ng aming kwento. Bukas na kami magsisimula. Excited na nga ako. Sige diary, good night :)

Your friend,

Gene


April 6, 1998

Dear Diary,

Alam mo ang saya ko talaga ngayon, nagkita kami ni Merald kanina at naggawa na rin kami ng drawing. At maganda naman ang kinalabasan at sabi niya sa akin ang galing ko raw. Ayeeehh kinilig talaga ako sa compliment niya.

At alam mo rin ba na yung nakabangga sa akin kahapon sa cafeteria lumapit sa akin kanina at nagsorry. Hindi ko alam kung sino yung bumunggo sa akin kahapon di ko kasi nakita ang mukha kaya ayun nagulat ako kasi ba naman pinsan pala yun ni Merald at dahil crush ko pinsan niya, ay hindi kasi nga mabait ako kaya ok na kami.. Hehehe kaya Diary good vibes ako today. :)

Your Friend,

Gene


April 25, 1998

Dear Diary,

Wuuaaaaaahhhh!!!! Diary!!!!!! Ang saya saya ko. Alam mo ba ang sabi ni Merald sa akin gusto daw niya akong ligawan. Ayeeehhh kinilig talaga ako.. At yun na nga pinayagan ko na. Hindi ako ganun kademure nuh? Hehehe basta diary kinikilig akoooooo!!!!!!! pero hindi ko agad agad siya sasagutin, dalagang Pilipinaata to. Sa tingin mo diary, susuko kaya agad yun? balak ko kasi mga 5 mos. or more bago ko siya sagutin. ayy ano bayan, magisimula pa nga lang kung ano-ano na ang iniisip ko, Hehehe good night. :)

Your Friend,

Gene

Teka naman. Grabe c Author.. Tumiteenager din pala.. Hehehe


April 30, 1998

Dear Diary,

Hello Diary, I have flowers with me now. 3 red roses. Bigay ni Merald.. Kinilig ako. Naman oh! hehehe iba talaga sa pakiramdam kapag si crush mo ang nanligaw sayo.. sana nga nuh, mkapaghihintay siya Kinikilala ko rin naman siya. Good night Diary :)

Love, Gene


May 1, 1998

Dear Diary,

Hai diary, wala kaming pasok ngayon kasi labor day. Alam mo bang namasyal kami sa may park. Yung CUPID Park? Diba ang ganda don at alam mo ba ang nangyari? Ayeeeeehhh!!? Kinikilig talaga ako. Alam mo may banda kasing kumakanta don sa park at yung ginawa ni Merald pumunta siya sa stage at kinanta yung favorite kong Especially For You by Kylie Minogue. At sabi niya, dedicated daw yun sa mahal niya, at ako daw yun. grabe diary, humaba talaga ang hair ko kanina. Sobra!!! waaaaahhhh!!!! hehehe sasagutin ko naba siya? ay hindi, 6 days pa lang pala, hehehe saarreeeyy, kinikilala ko pa pala siya. sige diary, good night.. :)

Love, Gene


May 21, 1998

Dear Diary,

Final exam namin bukas kaya nag aral lang kami kada vacant time namin kanina sa school siyempre kasama si Merald, ganun pa rin siay, walang pinagbago, sweet pa rin at matyaga sa pagpaparamdam sa akin na karapat dapat siya sa "OO" ko, hayy kinikilig talaga ako pag naiisip ko yan. Siya rin naghatid sa akin pauwi, hindi na rin kami namasyal kasi exam bukas at kailangan naming mag aral. Sige diary, bukas ulit, matutulog na ako para relax ang mind bukas sa exam.. Good night :)

Love, Gene


May 22, 1998

Dear Diary,

waaaahh Diary, gusto kong umiyak.. naman kasi eh, nakakainis yung isang teacher namin, hindi ko alam saan niya kinuha yung mga nilagay niya sa exam namin kanina, wala akong siguradong sagot.. huhu nakakinis siya okay sana kung magaling magturo eh puro pag upo at pagbibigay quiz lang naman ang alam niyang gawin eh, okay sana kung binabayaran siya para gumanyan lang. ayyy nakakainis talaga siya. masusumbong ko talaga yan sa program head o kahit sa dean pa pag naging guro ko pa yan sa susunod at ganito ulit, humanda talaga siya sa akin. hmp! MAbuti pa yong ibang subjects ko, may hustisya ang exam na ibinigay sa amin. Lumabas lahat ng napag aralan ko. Hayy diary, sana hindi bumaba ang grade ko dahil sa exam niya. Kailangan ko ata ng beauty rest diary, sige, tulog na ako, salamat sa pakikinig :) good night.

Love, Gene


tsk.tsk uso na rin pala ang ganyang klaseng guro kahit noon pa? haist, madami akong kilalang ganyan, mula elementary hanggang college, ewan ko ba kung bakit may mga gurong ganyan, hindi ata nila passion ang pagtuturo.


May 28, 1998

Dear Diary,

Enrollment namin ngayon at nakakapagod. pero buti nalang enrolled na ako. full load ako as usual, major subjects na ako ngayon.most. After naming ma enroll ay dumaan muna kami ni merald sa park para magpahangin at kumain na rin. gustong gusto ko talaga yung sorbetes na ibinibenta ni Mang Kanor. Yung Chocolate flavor. Natatandaan ko nga dati, yun kapag nasa simbahan kami ni Mama nagpapabili talaga ako niyan, ke Mang Kanor din.. May bakasayon kami diary, bukas yung pagsisimula nun sa akin, kasi wala akong aalahanin pa, enroll na kasi ako. at bukas din aalis kami nina Mama papuntang Palawan para magbakasayon kina Lola Criselda, yung Mama niya diary. Excited akong makita sila ulit, kaso hindi kami magkikita ni Merald, sayang. Pero sige lang, one week lang naman kasi magsisimula na rin ang klase, hayy pagcollege ka talaga, kakumpetensiya ng klase mo ang bakasyon mo sa lahat ng season. Sige diary, sleep na mi, thank you, and good night :)

Love, Gene


teka, ilang talaarawan na ba to, 1,2,3....8, 8 na pero hindi ko pa rin mapoint out kung tungkol saan talaga to, haist masyado ba akong nagmamadali. ika-8 talaarawan at pang page 8 (excluding yung mga xii melet )at may 100 pages to at yung last ay author's note, so ibig sabihin meron itong 99 na talaarawan. at.... waaaahhh? ano to, quarter to 9 na? anyareee, ganun ba ako kabagal magbasa o sira itong relo ko? hala? ! sige, isang page/talaarawan nalang at matutulog na ako, kailangan kong pumasok ng maaga bukas may gagawin pa kasi kami para sa Historical Society Club.


June 8, 1998

Dear Diary,

first day ng first sem ngayon diary at waaah muntik na akong makunan ng ID kanina, actually kami, kami ni merald, yakapin ba naman ako ng makita ako sa may entrance, eh kapapasok ko pa lang, kaya sina manong guard pumito buti kamo napakiusapan, ist day eh, hehehe pero seriously kinilig ako tila ang haba ng hair ko kanina mas mahaba pa ata kay Rapunzel eh, waahhh, nakakakilig talaga .. hehehe namiss daw kasi niya ako, hindi nga naman kami nagkita after enrollment, kahapon pa kasi ako diba nakabalik galing palawan so ayun, namiss daw niya ako.. Komuconsistent siya ha, baka mapaaga ang pagsagot ko sa kanya, hehehe .ay nga pala yung mga kaklase ko, pare-pareho lang naman, sina Tes, Nancy, Grace at si Ronald a.k.a Renalda. pa rin ang

The Unexpected DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon