Chapter One 👑

15.4K 293 4
                                    

Chapter One: Heiress

___________________________________

👑 REWANE 👑

"What?! Are you kidding me, Nis?!" hindi makapaniwalang tanong ko kay Nissa na kasalukuyang kausap ko sa phone.

Nandoon sila ngayon ni Kuya Cleo sa Spain for their honeymoon. Apat na araw palang ang nakalipas simula nang ikasal sila at sasabihin niya ngayon sa akin na uuwi na sila bukas samantalang ang usapan ay isang buwan sila doon.

"Oo!" she said menacingly. Bakas na bakas ang iritasyon sa boses nito. "Uuwi na talaga ako bukas. Naiinis ako sa Kuya mo. Ang sarap niyang ipakain sa mga pating! Nakakaasar!"

"Oh, eh, bakit mo pa pinakasalan kung ganoon?" biro ko sa kanya.

"Ewan ko! Napikot lang ako!" Hindi ko na napigilang tumawa sa naging sagot niya.

"Pumayag naman si Kuya Cleo?"

"Hindi. Pero wala siyang magagawa. Kung ayaw niyang umuwi, mag-honeymoon siyang mag-isa niya!Buwisit siya!" inis na inis na lintantiya niya.

Napapailing nalang ako. Kahit kailan talaga, parang aso't pusa silang dalawa palaging nag-aaway at nagbabangayan ngunit hindi mo rin maipagkakaila na mahal na mahal nila ang isa't-isa.

"Ano ba kasi ang nangyari diyan?" curious na tanong ko habang naglalakad ako sa pathwalk. Binuklat ko ang folder na hawak-hawak ko kung saan nakapaloob ang resume at application letter. Naghahanap ako ng bagong trabaho. Gusto ko sanang mag-apply bilang receptionist kaso hindi ako tinanggap ng kompanyang una kong pinuntahan at pinag-applyan.

"Uh, basta! Uuwi ako diyan. Bahala ang kuya mo dito. Eh, ikaw anong ginagawa mo ngayon??"

"Naghahanap ng trabaho. Nakakainis nga, eh! Nag-apply akong receptionist sa hotel kanina 'di ako tinanggap," maktol ko na parang bata.

Maayos naman ang lahat ng credentials ko. Kaya bakit hindi parin ako natanggap?

"Seriously, Rewane? Receptionist?" hindi makapaniwalang usal niya. "Noong nakaraang buwan ay nag-apply kang sales lady at ngayon naman receptionist? Ano nalang ba ang trabahong hindi mo napapasukan? Naging chamber maid, waitress, cashier at hotel keeper ka na rin! Naku, kapag nalaman talaga ng mga Kuya at Papa mo 'yang pinaggagawa mo ay ikukulong ka nalang talaga nila sa Hacienda."

Napasimangot naman ako sa sinabi ni Nissa. Alam ko naman iyon, eh. Pero gusto ko din namang maranasan ang simpleng buhay. Hindi 'yong buhay prinsesa nalang palagi. Nag-e-enjoy naman ako sa mga pinaggagawa ko. Ito na ngalang ang pinagkakaabalahan ko sa ngayon lalo na't banned ako sa activity na may kinalaman sa horse training ngayong taon dahil muntik na akong mapahamak at dahil overprotective si Dad ay ayaw na akong pagtrabahuhin sa rancho.

"Hindi nila ito malalaman. Ako pa-----Oh gosh, ang resume ko!" impit na tili ko nang biglang umihip ang malakas na hangin at nilipad ang resume na nakalapag sa ibabaw ng folder.

Kaagad na pinatay ko naman ang tawag dahil sa sobrang pagkabigla. Napatakbo ako upang habulin ang resume kong nilipad. Nakahinga naman ako nang maluwag ng makitang lumapag ito sa hindi basang parte nang kalsada na siyang malapit lang sa kinaroroonan ko.

"Oh my gosh! Hindi!" impit na tili ko at halos maglumpasay ako sa sobrang inis nang makitang naapakan ng gulong ng kotse ang resume ko.

Hindi puwede ito! Ano nang gagawin ko? Tutungo pa ako sa susunod na Hotel na pag-aaplyan ko! Kainis naman, eh! Ang malas ko naman ngayon.

MH 2 : Drowning To Love ( Available in Dreame)  ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon