Remembering

202 5 8
                                    

Tandang tanda ko pa, unang araw sa eskwela nang una kitang makita. Hindi ka na uniporme,magulong buhok,may peircing ka pa sa kabilang tenga mo na nakapagdagdag nang kagwapuhan mo. Aaminin ko Crush na agad kita. Pero hindi ko pinahalata. Uso pa kasing denial na lengguahe sakin. Nung una pikon na pikon ako sayo dahil ang landi landi mo, lapit ka nang lapit sa ibang babae. Hindi mo ba napapansin na ka lalapit mo nahuhulog sila sayo. Simula din nun nawala yung pagkaidolo ko sayo. At sa pagkaraan nang mga araw at buwan, naging magkaibigan tayo, nagkwekwentuhan , naghaharutan at nagtatawanan.
English subject nun at malapit nang magsiuwian hindi pa ako tapos sa Essay ko, si Ma'am kasi kailangan I pasa na agad. Akala ko ako nalang ang mag-isa ang natira pero nandun ka pala. "Jen, bakit nadito ka pa, akala ko umalis kana" sabi ko
"Hehe ah' hinihintay kasi kita" sabi niya.
Alam mo ba na paulit ulit na binabalik sa utak ko yang mga katagang yun, hindi nga ako makatulog. Kaya ang pagkaidolo na nawala, naging pag-ibig ang labas.
Lagi mo narin akong hinahatid , nililibre. Tinetext mo na din ako ng mga sweet words. Kaya hindi ko maiwasan na Umasa. Umasa na parehas tayo nang nararamdaman. Umasa na Mahal mo ko.
Kaya nagtapat ako sayo, binilhan pa kita nang Chocolate na dapat lalaki ang nagbibigay, mahal ko e'.
Tuwang tuwa ka pa nga nun eh. Sabi mo 'Salamat ah! Kaya nga love kita e'
Kaya mas lalong lumakas ang loob ko na sabihin sayo.
"Jen may sasabihin ako sayo"
"Oh ano yun, Love mo rin ako no alam ko nayun matagal na hehe" proud mong sabi
Alam na niya, sobra na bang halata!
"A-aalam mo ? "
"Ano ka ba Jane, syemepre Alam ko. Haha I love you he he" sabay akbay mo sakin
O my god mahal talaga niya ako. Kaya niyakap ko sya nang mahigpit. At sinabing "Mahal na mahal kita jen, mahal na mahal, sobra pa sa isang kaibigan"
Nabigla ako nung tinanggal mo ang mga braso ko sa pagkayakap at sinabing
"M-ahal mo ko sobra pa sa kaibigan? p-ero Jane, kaibigan lang ang Turing ko sayo, Sorry" at ibinalik mo ang ibinigay ko tsaka umalis.
Akala ko mahal mo ko, akala ko we can be together. Yun pala pinaasa mo lang ako. Lahat nang pag-aalala, your sweet words you didn't mean it.
Masakit sobrang sakit . I try to forget you but I can't . At huli nang malaman ko pinaasa mo rin ang best friend ko. Ang tindi mo. Napakapaasa mo.
Hindi mo naman sinabi na umasa ako, pero sana hindi ka nagbigay nang mutibo.
Pero kasalanan ko naman dahil nagpaasa ako sa taong Paasa.

Paasa kaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon