Ikalawang Kabanata

3 0 0
                                    

WARNING: IT MAY CONTAIN SOME BAD WORDS AND IT MAY CONTAIN SOME SCENES THAT IS NOT SUITABLE FOR SENSITIVE READERS, YOU'VE BEEN WARNED

READ AT YOUR OWN RISK


~|Jemella's POV|~



"HAPPY BIRTHDAY JEMELLA" Sabay-sabay nilang bati na ikinagulat ko ng sobra kaya yung inis na nararamdaman ko kanina ay agad nang napalitan ng gulat

"Happy birthday Love" Bati sa'kin ni Nick kaya napatingin ako sa kaniya

"Alam mo 'to? I mean may idea ka dito?" Tanong ko habang deretsong nakatingin sa dalawang mata nya. Nag-iwas sya ng tingin habang nakangiti


'Magsisinungaling to!'


"Hindi ah" Pagkukunwari nya kaya kinurot ko sya ng bahagya sa kaniyang tagiliran "Aray, Love" Aniya at tumawa lang sya ng bahagya


'Sabi na eh! Kabisado ko na nga sya'


"Ate! Mapanakit ka!" Reklamo ni Tin

"O 'yan lagot ka" Biro ni Nick

"Baka gusto mong ikaw kurutin ko jan!" Sabi ko naman kay Tin at tiningnan ko sya habang nakataas ang isa kong kilay

"De joke lang Ate, sige kurutin mo pa si Kuya Nick, damihan mo" Wika ni Tin kaya nagtawanan ang lahat "kung gusto mo nga e, tulungan pa kita" Habol pa nito kaya mas lumakas ang tawanan ng lahat habang ako ay napairap nalang at nag iwas ng tingin

"Tss" Pabulong kong asik "So Anyways, sino hong nakaisip neto?" Pagtutukoy ko sa ginawa nilang paghahanda

"Kami!" Tuwang sambit nila Teodine at talagang mukha silang proud na proud sa sarili nila

"Ahh, bale, Salamat... I really appreciate it, kahit na alam nyong hindi ko gustong maghanda tuwing birthday ko ay ipinaghanda nyo parin ako, Maraming salamat ho sa lahat ng nag effort" Wika ko at nagpalakpakan sila

"Blow the candle na!!" Hiyawan nila

"Kailangan ba 'yon?" Tanong ko habang kunot ang noo

"Syempre naman Ate!" Sabi ni Chez

"Hindi buo ang birthday kung walang blow the candle" wika naman ni Aiellee

"Tss" Asik ko ulit

"Pahiram naman ng lighter" Sambit ni Shyna

"Eto, ako na magsisindi" Sabi naman ni Gray at sinindihan nya nga ang kandila

"Wish daw muna sabi nila" Wika ni Nick at siniko ko naman sya ng mahina sa bandang sikmura nya

"Oo nga wish!!!" Pagsang-ayon naman ng karamihan habang ang ilan ay nagsisipag-tawanan

"Wag na" Sabi ko ngunit mas umingay yung crowd

"Make a wish! Make a wish!" Sambit nila ng paulit-ulit

"Okay okay" Wika ko at pumikit ako para sambitin ko ang wish ko sa isip ko


'Sana kung ano man ang hiling ng pamilya't kaibigan ko ngayon, sana matupad'

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I LOVE YOU THE WAY YOU ARE: SHYNA MILETTE D. CLEMONTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon