Unang Kabanata

3 0 0
                                    

Matapos ang ilang buwan na hindi kami masyadong nagkakakita-kita ay sobrang miss na miss namin ang isa't-isa, Oo hindi nga kami gaanong nagkikita na magkakaibigan dahil pare-pareho kaming may mga klase at may mga inaatupag kaming pansarili.



Ilang buwan nga ang dumaan at maging ang boyfriend ko ay hindi ko pa nakikita o nakakasama ng matagal, makikita ko man ay ay ihahatid at susunduin nya lang ako, dumaan nga ang anniversary namin pero walang sobrang special na nangyare, kumain lang kami tapos wala na uwian na agad. At heto ngayon sobrang busy sya dahil malapit na ang laban nila ng basketball sa ibang school, gusto ko man sya makausap pero walang oras at ayoko den makagulo kaya tiis-tiis muna.



Ngayon ay naghahanda kami dito sa Tambayan Ng Tropa or TNT in short, dahil ngayong araw at katapusan ng agosto at ngayon ay kaarawan ng aming PILOSOPO QUEEN na walang iba kundi ang nag-iisang Jemella Anson.



~|Shyna's POV|~


"Oh Tin?? Nasaan na yung Cake?? Anong oras daw ba balak dalhin dito??" Sunod-sunod at aligaga kong tanong

"Beh, Kalmahan mo lang" Sabi naman ni Chez

"Sabi ko naman kasi sa inyo na ayaw nga ni Ate na nagse-celebrate ng birthday eh, mas okay pa don na bigyan nyo ng pera 'yon" Wika ni Tin

"Ay di pwede 'yan... Pag tropa naghanda di pwedeng tumanggi" Sabi ni Ate Kulet at natawa ako dahil sinesegundahan sya ni Kat

"Masasayang effort kung ititigil pa" Nanghihinayang nga na sabi ni Aiellee

"Hindi ititigil 'yan... Walang titigil, kotong sa'kin kung sino tumigil" Sunod-sunod na sabi ni Ate Kulet kaya nagtawanan kami

"What time ba uuwi si Jemella?" Tanong ni Kat kay Tin

"Ewan ko lang pero maaga ko sya pinag a-out eh" Sagot naman ni Tin

"Dapat sinabe mo sa kaniya na may sakit ka" Suhestiyon ko at hinampas ako ng mahina ni Teodine sa braso kaya nagtawanan kami "Baket?? Masama ba mag suggest??" Tanong ko pero napuno ng tawanan ang sandaling ito


*ting dong!* *ting dong!*


Pare-pareho kaming napatingin sa gawi ng pintuan nang mag ring ang doorbell

"Tingnan nyo na kung sino 'yon" Utos ni Kat

"Oo nga baka mamaya si Jemella na 'yon" Wika naman ni Ate Kulet

"Sige ako na titingin" Prisinta ni Chez

"Go langs be" Wika ko at tumingin muna ako sa phone para i-check kung may text sa'kin si Gray at meron nga kaya napangiti ako pero muntik ko nang mabitawan ang phone ko nang marinig kong tumili si Chez

"Ano yun?" Nagmamadaling pumunta si Ate Kulet at Kat sa pinto kaya nagtungo na den ako doon para alamin ang nangyare

"What the heck Chez!" Sabi ni Kat

"Kaya nga eh, Grabe makatili 'tong gaga na 'to Chez kalma, ako lang 'to" Sambit ni Isabel kaya nagtawanan kami. Lumapit ako dito at bumeso

I LOVE YOU THE WAY YOU ARE: SHYNA MILETTE D. CLEMONTETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon