Chapter Two

3.7K 135 5
                                    

Chapter Two

ILANG sandali pa at pinakiramdaman ni Bebang ang sarili. Bakit parang hindi naman siya nabanggâ? Marahan niyang iminulat ang kanyang mga mata at doon niya nakita ang isang kulay pulang kotse na nakahinto sa kanyang harapan. Malamang ay nakapreno ito bago pa man siya mabundol.

                "Hay, salamat po, Diyos ko!" ang piping panalangin niya.

                Nakahinga siya nang maluwag pero kasunod niyon ang pagbangon ng galit niya sa driver ng kotseng muntik nang kumitil sa kanyang buhay.

                Tilâ nag-aamok na malakas na kinalampag ni Bebang ang harapan ng kotse. "Lumabas ka diyan!" galit na galit at labas ang litid sa leeg na sigaw niya. Pero kahit anong kalampag at pagsigaw nito ay hindi man lang bumaba ang driver ng naturang kotse. Lumayo nang ilang dipa si Bebang at gigil na gigil na ipinakita sa tao sa loob ng kotse ang napunit niyang palda. Pero wala pa rin talagang bumabâ.

                "A, ganu'n, ha! Hindi ka talaga bababâ, ha! Sandali nga."

                Napangiti siya sa naisip.

                Hinubad ni Bebang ang suot na sapatos na high heels at buong puwersang inihampas ang dulo ng takong sa salamin sa harapan ng kotse. Pero natigilan siya nang imbis na ang salamin ang mabasag ay ang takong ng sapatos niya ang naputol!

                Bakit ba puro kamalasan ang inaabot niya ngayon? At ang pinakamalaking kamalasan niya ay dala ng kung sino mang driver ng kotseng iyon na muntik nang pumatay sa kanya at ang dahilan ng pagkapunit ng kanyang palda.

                Nataranta si Bebang nang biglang mag-start ang kotse. Tatakasan siya ng walanghiyang driver na ito? Kailangang makaganti man lang siya dito nang bonggang-bongga!

                "Hindi ka makakatakas!" sigaw ni Bebang. Tilâ isang tukô na sumampa si Bebang sa unahan ng kotse at tilâ luka-lukang nagsisigaw. "Bumabâ ka diyan! Magbabayad ka!" Inaaninaw niya ang tao sa loob pero dahil sa tinted iyon ay hindi niya ito makita.

                Tumigil lang siya sa pagwawalâ nang narinig niya ang pag-off ng makina ng kotse. Bumabâ na siya sa sinampahan at walang nang kamuwang-muwang sa kanyang binagyong hitsura. Gulo na ang kanyang buhok at gusot na rin ang kanyang damit.

                Mula sa pagbukas ng pinto ng driver's seat ay minasdan ni Bebang ang pagbabâ ng isang lalaki at napangiwi siya nang makita ang hitsura nito.

                Hindi niya ma-describe— unbelievable ang pagkapangit nito. Parang male version lang niya. Mas lalo tuloy siyang nabuwisit dahil sa pagmumukha nito. Lumapit sa kanya ang lalaki—at naka-shades pa! Siguro ay mga 5'7 lamang ang height nito. Nayabangan agad si Bebang dahil talagang tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa!

                "Bakit ka ba nag-eeskandalo, miss?" malakas nitong tanong sa kanya.

                Napataas ang kilay niya. "Eskandalo? Eskandalo na ba ang tawag mo sa ginawâ ko?!"

                "Oo, ano pa nga ba?"

                Lalong umusok ang ilong at bumbunan ni Bebang sagalit. Ito na nga ang may kasalanan sa kanya, ito pa ang may ganang sigawan siya. The nerve!

                "Okey! Nag-eeskandalo nga ako dahil may karapatan akong gawin 'yun. Muntik mo na akong sagasaan at tatakbuhan mo pa ako! Hit-and-run ka, mister!"

I Heart U, Panget!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon