Ipinagpasalamat ni Marigail na blangko ang kanyang ekspresyon ng makasalubong niya ang ex-boyfriend niyang si Titus. Naglalakad siya papunta sa sakayan ng jeep dahil katatapos lang ng klase niya. Excited pa naman siyang umuwi dahil dumating na ang in-order niyang contact lens. Mataas kasi ang grado ng mga mata niya. Hindi siya nakakakita kapag wala siyang suot na salamin. Noong nagpagawa siya ng contact lens at nagpa-check ng mata, kasama niya pa si Titus. Ito pa nga ang nag-suggest sa kanya na palitan na ang salamin niya dahil hindi daw bagay 'yong frame niya sa kanya.
Parang kailan lang nangyari ang lahat. Ngayon, wala na sila. Hindi na niya ito nobyo at hindi na siya mahal nito. At kung hindi ba naman talaga ubod ng kapal ng mukha nito, kahihiwalay lang nila noong isang araw, pero ngayon may kaakbay na itong iba. Gustong sampalin ni Gail ang lalaki. Kumaway pa ito sa kanya at hinila ang kasama nito para lumapit sa kanya.
"Ipagpapalit mo na lang ako sa hipon pa. Kain katawan, tapon ulo." bulong niya sa sarili. Habang naglalakad papalapit sa kanya si Titus, bumubulong ito sa kasama nitong hipon. Maya't-maya siyang tinitignan noong babae. Napataas tuloy ang kilay niya. Nagawa pa talaga siyang sipatin nito, hindi hamak naman na ang laki ng ganda niya dito. "Malaki nga lang 'yong dede niya."
"Gail, kumusta?" nakangising bati nito sa kanya habang hinihimas ang braso ni hipon. "Okay ka na ba?" Ngumiti ng plastik ang hipon sa kanya. Itinataas pa nito ang balikat nito kaya lalong lumuluwa ang malaking dibdib nito.
In-intimidate ba ko nitong walking hipon na 'to? Excuse me lang, ah. Dede lang ang mayroon ka.
"Syempre naman, Tit. Nakahinga na ko ng maluwag kasi break na tayo." puno ng sarkasmo niyang sabi. Ang walang hiya, hinalikan pa ang hipon sa buhok... sa harap niya! At kilig na kilig naman ang gaga. Kung alam lang nito na ginagamit lang ito ng walang modo niyang nobyo para pagselosin siya.
Ex, gail. Ex mo na 'yang mukhang bisugo na 'yan. Magpasalamat ka na hiwalay na kayo dahil hindi ka na magtitiis sa mabaho niyang paa.
"It's good to see you around, Gail. Sana hindi pa ito ang huli. By the way, this is Shrine."
"Ah, akala ko shrimp."
"Excuse me!" nameywang na reklamo ng hipon sa kanya. Nakataas pa ang kilay na tinitignan siya mula ulo hanggang paa. Mukha tuloy itong galit na hipon. "Hindi por que ex ka ni Titus may karapatan kang laitin ako, ah. Tignan mo nga 'yang sarili mo. Mukha kang manang. Ang kapal kapal ng salamin mo, doble doble pa suot mo. Nasa Pilipinas ka, ate. Hindi ka ba naiinitan?"
"Ano naman kung trip kong mag-doble ng suot? Mas okay na siguro na may panloob ako kasi naka-jumper ako, 'di ba? Kaysa naman sa 'yo, ang laki na ng dibdib mo, iniluluwa mo pa ng husto. Nakakasuka! Nahiya ka pa, sana hindi ka na nag-bra."
"Walang hiya—"
"Shrine," awat ni Titus sa hipon. Nakangiti ito habang pinagmamasdan silang nagtatalo. Feel na feel naman nito. Akala yata kinagwapo niya ang pagkakaroon ng dalawang babaeng nag-aaway sa harap niya. "Maybe Gail is jealous. Obvious naman na wala siya niyang katulad ng sa iyo. That and me."
"At wala rin akong putok." narinig niyang nagtawanan ang mga nakarinig sa kanya. Hindi na siya nag-abala pang magpaalam sa mga ito. Dumeretso siya ng lakad papalayo sa dalawa. Narinig niya pa ang pagtawag ni Titus sa kanya na mas kinainis ni hipon. Kahit hindi siya lumingon, sigurado siyang nag-aaway na ang mga ito.
"Let's break up." wala man lang kalungkot-lungkot sa mukha ni Titus. Basta na lang itong pumunta sa bahay nila at nakipaghiwalay sa kanya.
"What? Bakit biglaan naman yata?" dahil hindi man lang nito nagawang bumati sa kanya, deretsahan na rin niya itong tinanong kung bakit ito nakikipaghiwalay sa kanya. Wala naman silang pinag-awayan o pinagtalunan man lang. Bigla-bigla na lang itong nag-desisyon ng hindi nagsasabi sa kanya. "Anong nakain mo?"
"It's not me, Gail. It's you."
"Ano?! Bakit ako?"
"You're so boring." itinuro pa siya nito. Oo, nakaupo ito sa sofa nila sa sala ng bahay niya na animo doon ito nakatira. At ang gago, doon pa talaga siya hiniwalayan sa bahay nila at umasta na akala mo ay pag-aari nito ang lugar nila. "Look at you. Mas maganda pa yata pumorma 'yong labandera namin kaysa sa 'yo."
"Eh 'di 'yong labandera niyo 'yong jowain mo!" nag-init ang ulo niya. Ang kapal talaga ng mukha nito. Akala mo kung sinong gwapo. "Lumayas ka sa pamamahay ko! Makikipaghiwalay ka lang pala nagpunta-punta ka pa dito. Sana nagtext ka na lang."
"See? Hindi ka man lang ba magso-sorry sa akin. Shit, Gail! Ang dull ng relasyon natin. Ayaw mo magpahawak, ayaw mo magpaakbay. Hindi pwede yumakap, hindi pwedeng kumiss. Nakipag-relasyon ka pa sa akin? Sana hindi na lang, 'di ba?"
"Gago ka ba? No, gago ka talaga! Sinagot kita para maging boyfriend ko hindi para magpahalik lang sa 'yo."
"It's part of being in a relationship. Mga kaibigan ko nga nakaka-sex na mga girlfriend nila. Tapos ako, hindi man lang maka-first base."
"Manyak! Bastos! Lumayas ka dito, hindi kita kailangan." hinila niya ito patayo at itinulak papalabas ng bahay nila. "Huwag na huwag kang babalik dito, Titus! Ang kapal ng mukha mo. Hindi ka naman gwapo!"
"Wait, Gail! Hindi ka magmamakaawa?"
"Fuck you! Bakit ako magmamakaawa sa 'yo? Humanap ka ng ibang babae na papayag sa kabastusan mong manyak ka. Hindi ako 'yon!"
"Pagsisisihan mo 'to, Gail! Pagsisisihan mong nakipagbreak ka sa akin."
Sa sobrang inis ni Gail, hindi niya napansin na lumampas na siya sa terminal ng jeep. Bwisit na Titus 'yan. Puro kapalpakan na lang ang ibinigay sa kanya.
"Ako pa talaga magsisisi, ikaw nga nakipagbreak sa aking hayop ka! Maghahanap ka ng hipon tapos aangasan mo ko. Ulol! Magsama kayong dalawa. Aray!" napasimangot siya ng bumangga siya sa kung sino. Matigas 'yong nabangga niya ngunit sigurado siyang tao 'yon dahil mabilis na pumulupot ang kamay nito sa katawan niya.
Hindi naman siguro magkakaroon ng kamay 'yong poste para makayakap siya sa akin kung babagsak ako, 'no?
"Sorry, Miss. Ayos ka lang ba?" grabe, ang lalim ng boses. Parang bedroom voice!
"Gaga! Focus tayo. Hindi ka marupok."
"Miss, hindi ko sinabing marupok ka." hindi ako makukuha sa ganyan, kuya. Hindi nga ako nakuha ng ex ko, ano ba.
"Ah, ano... okay lang ako. Thanks!" mahina niyang itinulak ang lalaki palayo. Imbes na pakawalan siya nito, mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "Ah, kuya? Bakit mo ko niyayakap?"
Kung sa ibang pagkakataon siguro, nasampal na niya ang lalaking ito. Sino ba naman ang matutuwa na mayakap ng estranghero?
Kahit ganyan kagwapo, Marigail? Kahit sobrang bango? Kahit pati boses ang gwapo?
"Pasalamat talaga 'to mahigpit yakap niya, naipit niya kamay ko, kung hindi sampal talaga ang aabutin nito." hindi niya alam na napalakas pala ang bulong niya kaya rinig na rinig nito ang mga sinabi niya.
"Sorry! Hindi po ako manyakis. Baka lang kasi mahulog ka kaya napahigpit 'yong hawak ko."
Yakap 'yon, kuya. Yakap! Kahit manyakin mo ko, okay lang. Grabe, ang pogi.
"Sorry, ano... hindi naman sa hindi ko na-appreciate pero, ano. Bakit ba puro ako ano? Ah, salamat." Sana tuwing mahuhulog ako, sasaluhin mo ko.
"No problem. Ingat na lang next time." inalalayan pa siya nitong makatayo. Kahit hindi na ito nakayakap sa kanya, hindi na ito bumitaw sa kamay niya. "Aris."
"Ha?"
"I'm Aris, you are?"
"Gail," nang mapagtanto niyang hawak na siya nito ay walang pag-aalinlangan niya itong kinamayan. "Marigail."
"Do you want to have coffee with me?"
"Agad?"
"Mag-aaksaya pa ba ko ng oras? Let's date!"