chapter 9-(kidnap)

97 7 0
                                        

Zia's pov

Naghihintay ako sa labas ng bahay namin ng dadaan na taxi,dahil papasok na ko sa university.

Test namin ngayon kaya kahit 6:30 pa lang ay aalis na ko ng bahay naipagluto ko na naman sina mama ng pagkain at nagiwan na lang din ako ng sulat sa lamesa para malaman nila na maaga ako umalis.

Kinuha ko ang cellphone ko dahil balak ko sanang balitaan sila sha sha sa nangyari kagabi kaya lang may isang kotseng huminto sa harap ko.

At bumusina ito. Tinignan ko naman kung kilala ko ang mayari ng kotse pero biglang bumaba si mykel at may dalang flowers.

Ngumiti ito saakin ng pagkatamis tamis at lumapit.

"good morning zia."masayang bati nito saakin.

"morning din. Aga mo ha!"sagot ko naman dito.

Nagtataka lang ako dahil sobrang aga nya pumunta sa bahay.

"hahatid na kita. Ahmm flowers for you zia."sabi nito saakin at halatang kinakabahan.

Ngumiti naman ako atsaka tinanggap ang bulaklak na binigay nito saakin.

"diretsyo standford university ka na ba? O kakain muna tayo?"tanong nito saakin.

"kumain na ko."sagot ko rito.

"so diretsyo na tayo sa uni—"hindi na nya natuloy dahil nagsalita na ko.

"pero may space pa kasi yung tyan ko di pa full. Tara kain na tayo."sabi ko rito.

Bahagya naman itong natawa sa sinabi ko.

Pinagbuksan nya ko ng pinto ng sasakyan at sumakay sya sa driver seat,

Alisan na!

Florante 's resto...

Nakarating kami sa restaurant ng 6:45, malapit na naman to sa university kaya naman aabot pa ko sa oras.

Inalalayan nya ko makaupo bago ito tuluyang umupo.

"ano gusto mo?"tanong nito saakin.

"kahit ano."sagot ko naman dito.

Hindi ko naman alam ang mga pagkain dito.

Pangmayaman yata toh eh.

"one salad and one spaghetti and meatballs."sabi ni mykel sa waiter.

"okay na sayo yung spaghetti and meatballs rigth?" tanong nito saakin.

Tango lang ang sinagot ko dahil baka kapag nagsalita ako bumaho ang paligid ang bango bango pa naman dahil puno ito ng bamboo stick at mga bulaklak kaya naman maamoy mo agad ang mabangong amoy nito.

Dumating ang order namin, at agad ko itong nilantakan dahil baka lumamig pa.

Nakita ko naman na nakatingin saakin yung waiter kaya tinitigan ko ito at inalok ng pagkain,

Pero umiling ito at umalis.

Tinignan ko na lang ito at sinundan ng aking mga titig ang kanyang pagalis.

Pagkatapos namin kumain ay agad naman kaming umalis dahil malapit na mag 7:00 am baka malate pa ko kahit 7:30 ang umpisa ng test namin.

Standford university...

Pagbaba ko ng kotse ni mykel ay nagpaalam ako sa kanya.

Sinabihan ko rin itong magiingat kaya naman napangiti ito.

Maglalakad pa lang sana ako pero may lalaking bumuhat saakin na parang sako ng bigas.

"hoy! Sino ka?! Kilala ba kita?! Ibaba mo nga ako dito!!"sabi ko sa lalaking may hawak sakin.

Basketball Player Is My LoverWhere stories live. Discover now