Ocean

13 4 4
                                    

Sun



Dahil do'n sa sinabi niya napa-isip ako, ilang araw akong wala sa sarili. Kaya napag-isipan ko na mapahinga muna kaming dalawa, oo nasa iisang condo pa din kami tumitira. Pero natutulog ako sa kwarto, siya naman ay sa sofa dahil ayaw niyang magpatalo, gusto niya talaga na ako 'yung matutulog sa kama.


"Riki, punta tayo sa Boracay... pa-relax muna tayo." Mahina kung saad habang kumakain kami. Tumango naman siya, at nginitian ako. Nasasaktan ako pag ngumingiti siya dahil alam kung pilit lang 'yon.


At 'yung nga nandito na kami sa Boracay nag-day off muna kaming dalawa sa trabaho namin.


I looked at the peaceful ocean, He's amazing for making a beautiful art like this. 


"Ganda ng dagat kasing ganda mo." Banat niya at nilagyan ng bulaklak 'yung tenga ko. Gusto kong umiyak. Pero bawal. Nang makarating kami sa room namin, in-arrange kaagad ni Riki ang mga gamit namin, 2 days lang kami dito kase may mga trabaho kami.


"Bilisan mo, mahal! Bagal mo naman." Umupo siya at tumingin sa'kin. 


"Anong ginagawa mo?"


"Piggy-backride. Dali malapit na mag-sunset hindi na natin 'yon maabutan sige ka." Wala akong magawa at sumakay sa likod niya, tumakbo pa ito pero hindi ako kinakahan kase alam kung hindi niya ako sasaktan, hindi kami matutumba. Humanap pa siya ng maganda lugar para daw maganda daw 'yung view ng sunset. Hilig niya talaga sa araw. Hilig niya sa sun.


"Dito. Maganda ang view dito, diba mahal?" Binaba niya na ako, tumango naman ako sa tanong niya. Ayan na 'yung sunset, saktong-sakto lang.


"Ganda talaga ng sun, diba Sun?" Sabi niya pero hindi ako nilingon.


"The sunset is beautiful, isn't it?" Sabi ko sakaniya, may namumuo ng luha sa mata ko. Nakita ko din kung paano siya umiyak. "Bakit ka umiiyak, mahal?" Tanong ko. Mahal... nga ba kita, Riki? Minahal ba talaga kita?


"Wala na puwing lang, mahal. Lakas kase ng hangin."


Tumango ako. The sunset is beautiful, isn't it, Riki?

Afterglow (Lover Series #3)Where stories live. Discover now