Sun
Nakatulog ako habang nanunuod ng sunset, nagising nalang ako sa kama. Hinanap ko si Riki, pero hindi ko mahanap. Kaya naligo ako at nagbihis, hinanap ko siya sa tabi ng dagat. Pumunta ako do'n sa lugar na inupuan namin kahapon.
"Oh, mahal? Paano mo ako nahanap?" Inirapan ko siya dahil hindi ko gusto 'yung ngiti niya, ang laki ng ngiti niya pero peke.
"Alam ko lang." Umupo ako sa tabi niya. "May sasabihin ako, Riki..."
Tumayo siya. "May i-t-try pala akong rides do'n, mahal. Sali ka?" Para bang umiiwas.
"Mamaya na, sasakyan natin lahat ng rides. Promise." Sabi ko at tumayo na din. Minsan lang ako mag-promise pero tinutupad ko.
"Riki, napa-isip ako sa sinabi mo noong nakaraan araw..." Tumahimik siya at tumulo ang luha niya para bang alam niya kung anong sasabihin ko. Hinayaan niya ako magsalita.
"Tinanong ko sa sarili ko, what if totoo 'yung sinabi ni Riki? Okay ba 'yon? Okay lang ba na ipagtuloy pa 'to natin, 'tung relasiyon natin? Kaya..."
"Ayaw ko, Sun. Okay lang, kahit na hindi mo ako mahal mag-stay ka lang." Kung pwede lang talaga, Riki. Gagawin ko pero ayokong nasasaktan ka.
"Masyado na ding toxic 'tung relationship natin, Riki. Halos araw-araw tayong nag-aaway."
"Hindi na ako magseselos. Pangako."
Umiyak ako sa sinabi niya, bakit ba gusto mong masaktan, Riki? "Ako na lahat magbabayad, maglilinis sa condo. Hindi na ako magpapakita kay Trish. Promise, mahal." Riki, ano ba?!
"Let's end this." Sunod-sunod nang tumulo ang mga luha ko.
"Dalawa ang magdedesiyon sa relasiyon, Sun. Hindi ikaw lang. Mag-usap muna tayo, maayos din ito." Pumikit ako, pagdilat ko bumungad 'yung luhaan na mukha ni Riki at hinawakan niya ang dalawang kamay ko.
"Ayokong masaktan, Riki. Ayokong gamitin ka."
"Use me, Sun. I don't care."
Binawi ko 'yung dalawa kong at niyakap siya. "Let's meet again on the afterglow, Riki..."
__________
END.
YOU ARE READING
Afterglow (Lover Series #3)
RomanceShip: SunKi Inspired by: Afterglow by Taylor Swift (sunki short story) DO NOT REPOST!