It's been 2 weeks since nagumpisa akong pumasok. Masasabi kong maayos naman ang mga linggong nagdaan na yun."Ky! Wait up!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Sa dalawang linggong yun, hindi na ako tinantanan ni Benj."Where are you going Ky?"
"Ah dyan lang sa cafeteria bibili ng drinks. Nauhaw kasi ko" wala kaming teacher may meeting daw pero iniwanan naman kami ng Activity at tapos ko na iyon.
"Saktong doon rin ang punta ko. Kakatapos lang ng practice namin, sabay na tayo" Masayang sabi nito sakin. Muka syang excited na ikinatawa ko. Kagagaling lang rin siguro nya sa shower, basa pa kasi buhok nya, tumutulo pa. Ang hot nyang tignan. Ayy gaga ka Kyra, utak mo!
Benj is a nice guy. Sa loob ng 2 weeks ko rito nakasama ko sya't masasabi kong mabuti syang tao. Mula nong mataaman ako ng bola at mawalan ng malay, hindi nya na ko tinantanan at ng mga sorry nya. Sabi ko hindi naman nya kailangan pang magsorry dahil una hindi sya yung gumawa at wala namang masamang nangyari sakin. Malayo sa bituka pero malapit sa utak.
Nalaman ko rin na Engineering ang course nya at pamangkin sya ng may ari ng school. Nahiya ako sa kanya nong una pero sabi nya no worries naman daw. Ipinagkibit balikat ko na lang yun, gusto ko rin naman sya na maging kaibigan.
Pagkarating sa cafeteria tinanong nya ako kung anong gusto ko sabo ko water lang dahil nauuhaw lang naman ako.Nag order sya ng dalawang bottled water at sandwich. Nag breakfast kami kanina kaya busog pa ako pero nakakahiya namang tumanggi.
Nag stay lang kami sa cafeteria hanggang maubos ang kinakain namin. Masayang kasama si Benj mas madaldal pa sya sa akin. Pwede na silang magsama ni Bianca.
Pagabalik ko sa room saktong pasok ng next teacher namin. Last sub na kaya ganado na mga mababait kong classmates. Since dorm school naman ang dismiss time ay 6 pm. Impossible ng may gumala pang studyante dahil mahigpit ang security. Ang dinner ay every 7-8 pm kaya dapat exactly 9 ay nasa kanya kanyang dorm room na ang mga studyante.
Nireview lang kami ng teacher namin dahil may long test raw kami next meeting. Saktong 5 nang mag dismiss ang teacher namin. Nagtungo kami sa dorm room namjn para maiwan ang mga gamit namin saka kami pumunta sa cafeteria para mag dinner.
Buffet style. Every breakfast, lunch and dinner dahil sama-samang or sabay sabay kumakain ang mga studyante.
"Cr lang ako" paalam ko sa kanila dahil naiihi na ako
"Tapos ka na bang kumain Ky?" tanong ni Sandra. Tumango na lang ako
"Sandali lang may UTI ako bawal akong mag pigil" paalam ko
"Okay ingat"
Dumeritso na ako palabas ng cafeteria, madilim na sa labas tanging ilaw na lang ang nag sisilbing liwanag nasa dulo pa ang restroom. Hindi ako takot sa multo mas takot pa ako sa tao.
Pag basok ko sa loob may dalawang babae, nag mamake up. Hindi ko na sila pinansin at nag tungo na sa isang cubicle.
"I heard may isang section nanaman ang ibinagsak ni Mrs. Williams" rinig kong boses ng babae sa labas
"Yeah I hear it too. Nahuli raw kasi nya na may nag cocopyahan sa mga students nya that's why binagsak nya ang buong section nila" boses yun nong isa pang babae
"That oldy teacher is really scary"
"Yes! That's why ang section namin nagiging mabait kapag sya na ang nagtuturo"
"Good thing she's not one of our subject teacher" kasunod non ay ang pag bukas at pag sara ng pinto.
Terror nga talaga ang mama ni Sandra. Simpleng pag kakamali lang ng isa damay na ang lahat. Kaya pala ang section namin ay tumatahimik kapag sya na ang nagtutuo. Siguro kaya rin tahimik si Sandra tuwing nasa public place kami dahil sa mama nya.
Narinig ko ulit ang pag bukas at pag sara nv pinto, tanda na may pumasok. Pag tapos ko ay lumabas na rin ako ng cubicle pero walang tao.
Omygosh! "M-multo" Kyra hindi totoo ang mga multo mag tigil ka!
Nag madali na lang akong mag hugas ng kamay para makaalis na pero hindi ko pa nahahawakan ang doorknob may malamig na bagay na akong naramdamang pumigil sa akin. No! Nakayakap sa akin! OMG rapist!
Naramdaman ko ang malamig nitong hininga sa leeg ko na para bang inaamoy ako nito. Mabilis ang pangyayari naramdaman ko na lang ang ngipin nito na kinagat ako.
Sa kagat nyang yun ay pakiramdam ko nanghina ang buo kong katawan. Sinalo ako nito bago pa ako matumba. Isang malamig na boses ang narinig ko bago mawalan ng malay.
"Sleep for now, baby"
YOU ARE READING
Schaeffer Series 1: Secrets In The Shadows
Vampire" You can run as long as you can, but remember that you can never get away from me " - Luther Duncan Schaeffer Schaeffer Series 1: Secrets In The Shadows