Maagang nagising sina Bianca at Sandra kaya pinilit ko ring gumising ng maaga. Hindi maayos ang naging tulog ko dahil bandang two o'clock na ko nakatulog, para akong sabog na hindi mawari.
Tungkol sa aninong nakita ko ay binaliwala ko na lamang iyong dahil baka ibon lamang iyon o paniki o kahit anong hayop pa iyon. Siguro ay normal lang iyon.
Dahil ngayon ang unang araw ko sa klase ay hindi ako nakapag-almusal ng marami dahil sa kaba. Ang kinain ko lamang ay pancakes na may maple syrup, favorite ko iyon.
Dahil sa pagkain ko nanaman ay kaunti pinuna nanaman ni Bianca"Ky, dahil heavy breakfast ang kainin mo para puno ka ng energy buong araw. Tignan mo itong akin, ganyan dapat" tinignan ko ang plato nya at oo puno yun ng pagkain may bacon, ham, sunny side up egg, hotdogs at fried rice. May nakahiwalay na plato para sa pancakes at at waffle.
Tinawan namin sya ni Sandra
"Normal lang sa kanya yan. Mula noon ganyan na karami ang kinakain nya" sabi nya habang kinakain ang pagkain nya fried rice yun at dalawang sunny side up eggs."Hindi naman ako tumataba kaya okay lang" sabi ni Bianca ubos na nga pala nya yung kanin nya at pancakes na ang nilalantakan nya. Ang bilis kumain grabe
"Hindi ka talaga tataba dahil nagpapaturok ka gaga" sumbat ni Sandra na ikinalaki ng mata ni Bianca.
"Anong nagpapaturok ka dyan. Magtigil ka nya Sandra baka may makarinig sayo't manilawala. Fyi never akong gumamit non. Yes umiinom ako ng coffee na pangpopo pero hindi ako nagpapaturok luka luka" depensa nya sa sarili. Nagkatinginan kam ni Sandra at Ipinagkibit balikat na lang namin iyon. Grabe mag defend ng sarili kala mo aping-api.
Naglalakad kami ngayon papunta sa room. Dahil nakita nila ang schedule ko, pare-pareho kami ng schedule dahil same course lang. Nakakatuwa lang dahil pare-pareho kaming gustong maging doctor someday.
Third year college na kami pare-pareho at isang taon na lang tapos na ang college life namin. Sisiguraduhin kong masusuklian ko ang paghijirap ng mga magulang ko ay iyon ay ang matupad ko ang pangarap kong maging isang ganap na doctor.
Nang makarating kami sa room may kanya kanyang mundo ang mga studyante. Unang tingin pa lang sakanila alam mo ng may mga kaya sa buhay. Dumerederetso yung dalawa sa dulong part ng classroom. Nasa ginta namin ni Sandra si Bianca ako nasa tabi ng bintana. Literal na dulong part.
Tumahimik ang buong room nng dumating ang first sub teacher namin, babaeng nakasalamin, nakataas ng kilay na parang laging galit para syang si Ms. Minchin pero hindi actually may kahawig sys, humarap ako may Sandra na nakatutuk sa harap.
Bumati kaming lahat sa kanya tumango lang sya samin.
Nagsimula na syang magtawag ng names para sa attendance. Tapos na syang magtawag ng humaharap sa akin at sumenyas para pumunta't magpakilala sa harap.
Ngumiti ako sa kanila kaya kaya lumabas ang dimples ko sa kaliwang pinge ko.
"Hi, I'm Kyra, Kyra Samonte, 19 years old I'm a transfer from St. Mary University. T-thank you." Kinakabahan akong ngumiti dahil tumaas ang kaliwang kilay ng teacher namin, Mrs. Carmela Williams.
"You can go back to your seat Ms. Samonte"
Dali-dali akong bumalik sa upuan ko. Tinaasan lang ako ng kilay ni Bianca at tipid na ngiti mula kay Sandra ang sumalubong sa akin pagbalik sa upuan. Tinignan ko ng questioning look si Sandra na ipinagkibit balikat lang nya. Yare ka sakin mamaya.
NANDITO kaming tatlo ngayon sa cafeteria dahil break namin. Tama nga ang hinala ko, nanay ni Sandra si Mrs. Carmela.
"Hindi masyadong halatang magina kayo Sands no offense ha pero mukang masungit mommy mo" sabi ko na ikinatawa nya lang
"Correct ka dyan Ky noong unang encounter namin ng mama nya sinungitan ako, yun na yung una't huling encounter namin maliban na lang sa klase" Ipinagkibit balikat na lang ni Sandra ang usapan namin ni Bianca, muka syang walang pake.
WALA kaming pasok sa last subject namin dahil nag emergency meeting ang mga teachers kaya nandito kami ngayon sa open field. Marami ring mga estudyante rito na nakatambay. Nakaupo kami ngayon sa damuhan busy sa pagkain ng sweets si Bianca habang may pinanonood sa phone ni Alice. Nagmamasid-masid lang ako rito ng mga kagaya kong estudyante habang may earphone sa tenga ko.
Napatingin ako sa gawi ng mga naglalaro ng badminton dahil napansin kong may nakamasid sakin, paglingon ko sa kanila mayroon silang tinuturo, bago pa ako maka lingon may malakas na bagay tumama sa ulo.
Sheyt what the!? Bago pa ako mawalan ng malay may nakita akong magandang lalaki ang lumapit sakin, napansin ko rin ang nagaalalang muka nina Bianca at Sandra.
"Miss are you okay? Hey" may sinasabi ito pero wala na akong maintindihan at nilamon na ng kadiliman.
NAGISING ako sa pamilyar na kwarto namin. Hindi muna ako tumayo dahil pinakikiramdaman ko ang katawan ko, walang ibang masakit sakin maliban sa ulo kong parang binibiyak.
Nauuhaw ako kaya pinilit kong bumangon "U-uhh a-ang sakit ng ulo punyemas" pagkaupo ko sa kama nagulat ako ng bumungad sakin ang muka nila Bianca at Sandra. "A-ano bang ginawa nyo dyan. Ginulat nyo ako!""Okay ka na ba Ky?" Nagaalalang tanong ni Sandra. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.
"Medyo okay naman ako maliban sa ulo. Grabe parang binibiyak sa sakit" nagulat ako ng kinurot ako ni Bianca. "Aray naman Bianca ba't ka ba nangungurot?!"
"Just to make sure na hindi ka kaluluwa girl" pagtataray nya. Kita mo tong babaeng to sya na nanakit sya pa nagtataray.
"Buhay pa ko obvious naman diba.Ang oa mo naman" syempre kailangan ko rin syang tarayan pabalik. Ay gagi nauuhaw pala ko. Tatayo sana ako ng pigilan ako nong dalawa "ano ba nauuhaw kaya ako natamaan lang ako ng bola hindi ako lumpo" aangal pa sana sila ng may kumatok sa pinto
"Ako na" presinta ni Sandra.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto at boses ni Sandra "Gising na sya"
Hinihimas ko ang ulo ko ng umupo uli sa kama.Nakaamoy ako ng pabango ng lalaki kaya humarap ako sa kanila. Eh? May pumasok na lalaki, matangkad sya matipunong katawan apaka manly naaalala ko sa kanya si Furkan Andıç ng Her Yerde Sen. May dala-dala syang paper bag, hmm amoy pagkain.
Wait, aya yung lalaki na nakita ko bago ako mawalan ng malay.
"Heyy, are you okay now?" Tanong nya sakin, nagaalalang tanong nya sakin.
"H-haah?"
Hinampas ako ni Bianca "Tinatanong ka kung okay ka na daw ba?" masyado talagang sadista ang babaeng ito. Tinawag sya ni Sandra dahil magpapasama daw sa mommy nya. Aangal pa sana sya ng nilakihan sya ng mata ni Sandra, tinaasan ko sila ng kilay.
Narinig ko ang mahinang pagtawa ng tao sa harap ko.
"A-ahh O-okay na ko medyo makirot na lang yung ulo ko" nahihiyang sabi ko,nahihiya ba o kinakabahan?
"Ah yeah here" iniabot nya sakin yung paper bag "I brought some foods for you and medicine. Sarado ang clinic kaya dito ka nanamin dineretso" paliwanag nya sa akin. Sumagot na lang ako ng tipid na ngiti at tango saka inabot yung paper bag.
"By the way I'm Benjamin. Soccer player ako. I'm sorry about kanina napalakas sipa ng ka-teammate ko hindi nya napansin na may tao kanina at n-natamaan ka nya." sabi nya habang kumakamot ng ulo. Tinawanan ko sya dahil sa inakto nya kaya tinaasan nya ako ng kilay.
"Okay lang yun hindi naman sinasadya tsaka okay naman na ko, slight"
"Yeah?" kinunutan ko sya ng noo
"Ahh oo nga pala sorry "Kyra, call me Ky" nahihiya kong pakilala. Nakalimutan ko palang magpakilala sa kanya, medyo rude ako banda don.
YOU ARE READING
Schaeffer Series 1: Secrets In The Shadows
Vampiros" You can run as long as you can, but remember that you can never get away from me " - Luther Duncan Schaeffer Schaeffer Series 1: Secrets In The Shadows