Chapter 01

89 6 0
                                    

Guys pasensya na ang pangit ng Intro.
▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶▶

*Boogsh* *Pak* *Boogsh* *Pak*

Walang awang pinagsusuntok at pinag tatadyakan ni Damon ang lalaking nasa harapan nya.

"Damon tama na please" Pagmamakaawa ng lalaking nasa na nakahandusay at namimilipit na sa sobrang sakit

"Anung tama na huh!? *Pak* pagkatapos nyong gahasain at patayin yung girlfriend ko sasabihin mo tama na?"

"Sorry na please hindi naman ako yung pumatay sa kanya at nung ginahasa ko sya. Lasing ako nun. Kaya sorry na damon"

"Anung Sorry ha!? Puta! Kahit ilang milyong sorry pa ang sabihin mo o nyo wala na sya patay na sya. Mga gago kayo!! Di nyo alam na sya lang ang babaeng minahal ko ng ganito." At nag simula na pumatak ang mga luha nya. Halo halo na yung nararamdaman nya inis,galit,lungkot,gustong pumatay at higit sa lahat pagkasawi para sa taong minamahal nya.

"At dahil pinatay nyo sya! Isusunod na kita tapos hahanapin ko yung mga kaybigan mo at isusunod ko rin sila sayo." Parang baliw na sabi ni damon.

"Hu-huwag Da-damon kasa-salanan yan sa Di-diyos"

"Anung kasalanan sa diyos walang diyos gago! Nung ginahasa nyo sya at pinatay. Umasa parin kami sinugod namin sya sa hospital. Tapos nagdasal ako. Pero anu!? Si Elena na nga lang hiniling ko hindi nya pa pinakinggan. Kaya para sakin wala syang kwenta!!

  BANG!

"Ah!" Inda ng lalaking na naliligo na sa sarili nitong dugo.

Agad agad nyang tinawagan si Mr.Tsi (Si Mr.Tsi ay magaling sa mga kaso. Wala pa syang kaso na hindi napapalanunan at magaling sya sa pag aayos ng mga ebidensya. Matagal na rin syang nag tatrabaho para sa pamilya ni damon. Kaya pinagkakatiwalaan nila ito)

*Ring!* *Ring* Wala pang sampung segundo ay sinagot na ito ni Mr.Tsi.

"Buksan mo yung GPS mo papunta na ko dyan" Agad na bungad ni Mr.Tsi

"Kabisado mo na nga talaga ko Mr.Tsi" Pangaasar ni Demon

"Syempre ako pa ba? O sya baba ko na to. Papunta na ko dyan!"

Wala pang thirtee minutes ay nakarating na kagad ito. Na may kasamang mga armadong lalaki.

"Kayo na bahala dyan. Siguraduhin nyong walang ebidensya na matitira kahit na ano." At umalis na sya sa abondonadong lugar na iyon.

-Da'Beasts Private Club House-

"O' Damon bat ang dami mong dugo?" O'himala gising to eh palagi tong tulog ah.

"It's none of your fucking business Grey"

"Baka nakipag away nanaman  purke na--"

*Death Glare* "What did you say!?"

"Ah wala wala" sabi ni regae na parang bata (Regay po basa dyan)

"Chill Dude" Sabay akbay sakin ni peter.

"Remove your fucking hands of my shoulder or else i kill you"

"Opsss!" Sabay taas ni peter ng kamay nya na parang inaaresto.

"Hey Damon" kaway sakin ni Harold sabay balik nya sa nilalaro nyang COC.

"Hi papa damon!" Sabay sabay na sabi ng tatlong bakla ay este nag babakla baklaan lang pala na sina One Four Three. Magkakapatid sila. Obvious ba!? Triplets din sila.

"Gago"

"Ay grabe mga sis ang sama ni papa damon iyak na tayo" Sabi ni One at nag act sila na parang umiiyak.

Mga gago talaga.

"NASAN NA YUNG MGA ALAK DITO!?" Tanong ko sakanila.

Tapos nakita ko na lumihis sila ng tingin at kunyare may ginagawa. Ah ganun pala huh. Akmang ilalabas ko na yung baril ko na sabay sabay silang nag salita.

"ANDYAN SA KUSINA SA MAY KABINET" Mga gago takot din pala. May palihis lihis pang nalalaman

Habang umiinom ako ay naririnig ko silang nag sisihan

"Gago kasi tong si Regae tinago eh" Pangsisi ni peter

"Anung ako? Napag utusan lang ako ni... ni.."

"Ni?" Sabay sabi ng I love you triplets

"Ni Gray"

"Pffttt. Hahahahahahaha!" sabay na sabay nilang tawa

"Gago ka si grey pa talaga ang sinisi mo? Eh palagi ngang tulog yun" Sabi ni Peter na nagpipigil ng tawa.

Tapos nakita ko na napakamot na lang ng ulo si regae

Hahaha imba pati tuloy ako napapangiti ng wala sa oras.

"Uy si damon ngumingiti" Pangangasar ni Four

"ULOL!" at umalingangaw nanaman ang tawanan sa buong Club House.

AN: Ayan huh. Siguro naman na kilala nyo naman si Damon at yung mga Da'Beasts kahit konti. Next dito yung POV na po ni Maria. Pero di ko po alam kung kaylan next update hehe. Sana po talaga na gustuhan nyo. Pa vote po at mag comment narin good comments man yan o bad  comments. Yun lang po GOD BLESS ♥♥ Mwuahh :-*

OMG (Oh My Gangster)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon