Chapter 08

8 1 0
                                    

"Maria!" Tawag sakin ni Mrs.Gomez

"Po?"

"Pwede ba dun ka muna sa kwarto ni Damon?"

"Ba-bakit po?" Kasi naman nakakahiya kwarto yun ng lalake at higit sa lahat hindi lang lalake si damon yun. Ang pinakamasungit at pinakamayabang na nakilala ko sa talang buhay ko.

"Sige na Sister dun ka muna sa kwarto ni damon. May mahalaga lang talaga kaming pag uusapan" Nagulat naman ako ng biglang sumingit yung daddy ni damon. At di ko alam na bigla na lang ako napa oo. Siguro dahil ramdam mo talaga yung awtoridad sa boses nya.

"Si-sige po" Agad kong tugon kahit nahihiya parin akong pumunta sa kwarto ni damon. Kasi nakakatakot talaga yung daddy niya tyaka. Pwede naman sa kusina. Para may libreng pagkain Joke. Siguro talagang importante ang pag uusapan nila kaya ayaw nila ng may makarinig Sus! Tingin nila sakin Chismosa? Pwes di sila nagkakamali. Choss

Pagkarating ko sa kwarto ni damon ay umupo muna ko sa desk. Lalabas ko na dapat ang Mga notes ko ng may nakita akong picture frame sa gilid tapos ay inabot ko ito at pagkakuha ko ay nakita ko si damon at isang babae.

"Ang ganda naman ng babaeng nato" Nakaakbay si damon dun sa babae. Nakangiti si damon at halata mo sa mukha nya na sobrang saya at.. Anu pa ba yun iin Ewan basta may something.

"Sinung nagpahintulot sayong galawin ang gamit ko!?" Sa sobra pagkabigla ko sa pagpasok at pagsigaw ni damon ay Untikan ko ng mabasag ang Picture frame na hawak ko. At pag katingin ko sa kanya ay nakita ko nanaman yung mukha nya na nakakatakot talaga yung tipong gustong pumatay ng tao. Kaya yumuko ako

"S-so-Sorry" Sabi ko ng nauutal. Tapos ay kinuha nya sakin yung picture frame at nilagay ulit kung san ito nakalagay. At huminga sya ng malalim.

"Ma-mag si-simula na tayo" Sabi ko na nauutal. Tapos ay suminghap lang sya at umupo sa tabi ko

"Maria" Tawag nya sakin "Sorry" Mahina nyang sabi pero rinig na rinig ko dahil magkalapit lang kami. Nag sorry ba talaga siya? Napakanta tuloy ako ng Himala ng RiverMaya tapos ay ginulo nya yung buhok nya

"A-anu nag sorry ka ba talaga?" Tanong ko ng di makapaniwala

"Huh? Hindi ah! Kaylan ko sinabi yun?" Sabi nya at nag iwas ng tingin

"Asus! Eto talaga nagsisinungaling pa." Tapos tinusok tusok ko sya sa tagiliran.
"Tumigil ka na" Sabi niya ng seryoso Tapos ay tinignan nya ko ng nakakamatay nya nanamang tingin. Kaya agad akong napatigil. "Magsimula na tayo" Sabi nya kaya dali dali kong pinukaw ang tingin ko sa note's ko.

-After 3 Hours- (Oo ganon kahirap turuan si damon samahan mo pa na hindi sya nakikinig at alam niya na daw yung tinuturo. Haysst)

"Hay salamat tapos narin" Sabi ko sabay taas ng aking dalawang kamay sa ere

"Parang di ka madre. Ang daldal daldal mo. Tapos ang ingay ingay mo. Tapos diba kadalasan sa madre mahinhin tapos tahimik." Sabi nya aba't

"Mahinhin naman ako ah! Ikaw nga GG ka eh." Sabi ko

"Anung GG?" Tanong nya

"Geng Geng in Short Gangster" Sabi ko at nag taas sya ng kilay

"Anung pake mo. Wala ka na dun." Sungit at ang yabang talaga. At tatayo na sana ko ng hinawakan nya yung braso ko

"Maria!"

"O! May kaylangan ka pa ba?"

"Pwede bang.. Aiish! Huwag na nga" Tapos ginulo nya yung buhok nya "Sige umuwi ka na." Aniya. Nang may malamig na boses

"Sige." Sabi ko at umalis na ko

-Sa Kumbento-

Pagkarating ko kagad ay bigla na lang saking sumalubong si adelle at bigla akong niyakap

"O May G. Maria!! Papasok na ko bukas!!" Sabi nya na agad ko naman na kinagulat at kinasaya. Pero dahil masarap asarin si adele ay lolokohin ko muna to.

"So?" Maikling letra pero agad na nagpatigil sa kanya.

"Maria naman eh. Hindi ka ba masaya para sakin?" Sabi nya na parang bata. At nagpapapadyak

"Joke *Peace Sign* Syempre masaya ako para sayo" Tapos ay ngumiti na ulit siya at nagtatalon na kaming dalawa dun hanggang sa biglang dumating si MS.

"Oh! Ang saya niyo yata" Tapos ay nagmano kami kay MS. Kasabay nun ay pagdating nila Sister na galing kusina. Kung iisipin niyo para lang kaming pamilya. Nanay namin si MS. Magkapatid kami ni adele at mga tita namin sila Sister.


OMG (Oh My Gangster)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon