Chapter 1

5 0 0
                                    


Putang ina! Muntikan na ako roon. Hingal na binagsak ko ang sarili sa sofa. Hinubad ang bonet na gray at hinayaang lumugay ang aking buhok. Maghapon akong nakipagpatentero sa mga pulis. Halos sukuan na ako ng  aking mga binti.

Nang mahimasmasan tinungo ko ang maliit na kusina, naglagay ng tubig sa pitsel.

"Kapoy!" Naabutan ko si Liro na nakasalampak sa sahig. Kasama ko rito sa bahay maging sa pandurukot. Taga-Visayas siya, tulad ko nakikipagsapalaran din rito sa Manila. Umaasang dito mahahanap ang magandang buhay para sa kanyang pamilya. Isa rin siyang lesbian.

Subalit ang masaklap, mas mahirap ang kalakaran dito. Tanging may pinag-aralan lang ang may karapatan sa magagandang trabaho.

Nabaling naman ako sa pintuan nang may isa pang babaeng pumasok doon, si Jona. Kaagad ko silang inabutan ng tubig.

"Asan si Fely at Kikoy?" tanong ko nang hindi matanaw ang dalawa.

"Halos 'di na makalakad sa sobrang pagod." Natawa na lamang ako at muling naupo sa kahoy na sofa. Bale lima kaming magkakasama. Lima ring maghahati-hati sa nadukot.

"Mamaya na lamang natin paghatian ito pagdating nila." Nilapag ko ang tatlong pitaka na aming nakuha. Pumipili rin naman kami ng dudukutan. Hindi kami tumatalo nang alam naming wala rin namang kaya sa buhay. Hindi na patas iyon.

Kahit ano pa man, 'di naman talaga patas ang ginagawa namin, pero uunahin pa ba namin ang awa kung ngumangawa na sa hirap ng buhay ang aming pamilya?

"Grabe! Nakakapagod kumita ng pera ngayon!" Sumulyap ako sa gawi ng babae na pumasok. Pawis na pawis ang suot niyang damit na kulay puta na, tinernuhan ng paborito niyang jogging pants. Sa katabi niya'y ang batang lalaki na halos mangitim na ang labi sa sobrang hingal.

Wala sa sariling napatingin ako sa aking sarili. Ang kapal ng mukha kong yakapin ang babaeng nakabangga ko kanina sa eskinita. Pawis na pawis ako at amoy araw pa, habang siya'y daig pa ang bulaklak sa sobrang bango. Halata pa naman na mayaman siya, dahil na rin sa marangya niyang damit. Hindi pa ako nakuntento at hinalikan ko pa siya. Madalas pa naman akong nagto-toothbrush na walang colgate, nakakahiya!

"Ate Nike, bakit namumula ka riyan?" agaw-pansin sa akin  ni Kikoy. Napaayos ako ng upo dahil sa tanong niya.

"Dahil lang siguro sa init. Muntikan na akong mahulI ng pulis kanina, mabuti nalang natakasan ko," pag-iiba ko sa usapan. Ako ang runner nila, kung baga finish line. Mabilis ko kasing natatakasan ang mga pulis na humahabol sa amin. Basta sa tuwing tumatakbo ako ang nasa isip ko ay ang aking pamilya.

Muli na namang lumitaw ang imahe ng babae sa aking isipan. Marami na akong nakitang maganda, pero siya palang ang nagpatigil sa ikot ng aking mundo. Sa saglit na natitigan ko ang kanyang mata, napatahimik noon ang gulo sa aking utak. Naaamoy ko pa rin ang mamahalin niyang pabango. Ramdam ko pa rin ang maliit niyang bewang sa braso ko. Marahan kong pinadaanan ng dila ang aking labi, tila kasi naiwan ang malalambot niyang labi roon. Sayang, kung hindi lang siguro ako hinahabol ng mga pulis, marahil hindi ko na siya binitawan pa.

"Ate Nike."

"Nike!"

"Naku po, natulala na!"

"Hoy!" Nagising ako sa malakas na pagtulak ng kung sino sa aking balikat. Si Fely na nakatayo sa aking likuran. Kinakamot ang buhaghag niyang buhok. Mababali siguro ang suklay 'pag sinuklay niya iyon. "Ano bang nangyayari sa'yo? Paghatian na natin iyan. Kanina pa ako kinukulit ng kapatid ko."

"Pasensya na. Sige." Magkakatulong na binilang namin kung magkano ang kinita namin sa maghapon.

"4,578," anunsyo ni Liro. Gamit ang hawak na 3310 nokia agad dinivide ni Jona ang kinita sa aming lima. "H'wag mo nang isama ang 78, para sa hapunan na natin iyon." Lahat kami ay sumang-ayon.

"Tig-900 tayo."

Nang matapos makuha ang parte, cellphone naman ang pinagkaguluhan namin. Ito lamang ang nakayanan naming bilhin. Uunahin pa ba namin ang mga 'di naman kailangan kesa sa aming pamilya. Kahit nga damit, bihira kami kung makabili.

Malalalim ang buntong hininga na nakatingin ako sa aking palad, naroon ang anim naraang piso. Saan kaya aabot ito? Ito na ang pinaka-malaking kinikita namin sa isang araw.

Kulang na kulang pa ito sa pamilya ko sa probinsya. Walo ang aking kapatid roon, buntis pa si nanay. Para lang siyang nangingitlog. Hindi man lang niya naiisip na wala na siyang maipapakain sa kanyang mga anak. Ako ang panganay sa siyam na magkakapatid. 20 palang ako, 17 no'ng lumuwas dito sa Manila at natutong mandukot.

Pambili lamang ito ng bigas. Paano ang gatas ng dalawa kong kapatid na nasa limang buwan pa lamang, at mahigit isang taon. Sa totoo lang, nakakapagod na. Araw-araw nalang iyon ang aking problema. Kailan kaya darating ang araw na hindi ko na iisipin kung paano ang budget ng pamilya ko?

Si Nanay naman kasi, kung sana hindi na lamang siya muling nag-asawa pa no'ng mamatay si Tatay, eh 'di sana tatlo lang kaming anak niya. Hindi, nag-asawa pa. Tamad at lasinggero pa ang inasawa. Dapat sana nasa eskwelahan ako ngayon, imbes na nandito.

"Kulang na naman ba?" untag ni Jona. Naupos siya sa aking tabi, nakatingin sa aking kamay na kuyom sa loob ang pera. "Hiramin mo muna itong sa akin."

"Ano ka ba, hindi na. Ipadala mo 'yan sa iyong pamilya. Marahil kailangan iyan ng kapatid mong nag-aaral." Tumayo ako at isinandal ang likod sa hamda ng pintuan. Nilagay ang dalawang braso sa ibabaw ng aking dibdib. "Kung minsan ba nakakaramdam ka rin ng pagod?"

"Oo naman. Biruin mo, magbibilad tayo sa init buong maghapon. Uuwi na pagod at gutom. Kapag minamalas, itutulog na lamang ang gutom dahil sapat lamang sa pamilya ang kinita." Tiningala ko ang kalangitan na ngayo'y pinamumugaran na ng kadiliman. Pantay-pantay nga ba ang mga tao? "Naiinggit ako sa mga kabataang namumuhay sa karangyaan. 'Yon bang gigising nalang para kumain. May gumagawa na ng lahat para sa kanila. Kung pwede nga lang mamatay, baka sakaling sa susunod na buhay ay iba naman ang katayuan ko. Pero hindi naman ako pwedeng maging makasarili, may pamilyang umaasa sa akin."

Saglit akong lumingon sa gawi niya, saka muling binalik ang tingin sa labas. Ito ang uri ng lugar na kaaayawan ng karamihan. Nagkalat ang tambay na nag-iinom sa gilid-gilid. May mabahong kanal na pinagtatapunan ng kung anu-anong maruming tubig. Mga batang masasayang naglalaro, akala mo hindi namomroblema ang kanilang mga magulang sa kung saan kukuha ng makakain para sa hapunan o kaya'y kinabukasan.

Sino ba ang may gusto ng ganitong uri ng buhay? Nakakasuka. Pero may pagpipilian ba ako? Gusto kong umangal, kaya lang sa tuwing naiisip ko ang pamilya ko, kinalilimutan ko na iyon. Sinubukan ko namang pumasok sa marangal na trabaho, pero madalas pangungutya at pandaraya lamang ang aking napapala.

Maging ang mangarap, nakalimutan ko na. May lugar pa ba iyon sa kagaya kong pinagkaitan ng lahat ng bagay sa mundo?

"Ito nalang muna ang hapunan natin." Nabaling ang atensyon ko kay Fely na biglang sumulpot, bitbit ang dalawang balot na bans tsaka tatlong lucky me chicken.

Kung ano lang ang putal, 'yon lang ang para sa amin.

"Ate Fely, bilisan mong lutuin huh, gutom na ako eh," tinig ni Kikoy na nakasalampak sa sahig. Nakahawak ito sa kanyang malaking tiyan.

Labing dalawa palang siya. Palaboy sa lansangan. Napabayaan na lamang ng magulang.

"Akin na Fely, ako na magluluto," presinta ko. Inagaw ko mula sa kamay niya ang noodles. Tinungo ang maliit na kusina.

Isang rice cooker at kalan ang gamit naming lutuan. Nilagyan ko ng tubig ang rice cooker tsaka sinalang.

Kung may tao lang na mag-aalok sa akin ng magandang trabaho, tatanggapin ko, ano man ang maging kapalit nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 15, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Guarding Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon