Prologue

9 0 0
                                    

Walang humpay ang paghakbang ng aking paa, kahit pa namamanhid na ito dahil sa matulin kong pagtakbo. Bawat harang sa aking daanan ay binabangga o tinutumba ko, matakasan lamang ang mga humahabol sa akin.

Tirik ang araw. Nagkalat ang mga tao sa paligid. Lingon-likod ang aking ginagawa upang tingnan kung nasa likuran ko pa ba sila. Subalit hindi rin ata napapagod ang mga ito.

"Tigil!" sigaw ng pulis. Ano ako tanga? Ikukulong nila ako 'pag naabutan tapos hihinto ako? Kumurba ang isang ngisi sa aking labi nang may makita akong eskinita. Lusot na!

Ngiting matagumpay na ako nang matanaw ang kabilang kalsada. Nilingon ko ang mga humahabol sa akin at wala pa sila sa aking likuran.

Muli akong bumaling sa unahan. Nanlaki ang aking mata nang bumangga ako sa isang malambot na bagay. Awtomatikong pumulupot ang isang braso niya sa aking batok, kinawit ko ang isa kong bisig sa kanyang maliit na bewang nang sa gano'n hindi kami matumba sa sahig. Mabilis kong kinabig ang kanyang ulo gamit ang isa kong kamay upang hindi siya mauntog sa pader na nasa likuran niya. Ang suot niyang itim na sumbrelo ay dumausdos sa itim na itim niyang bagsak na buhok, hanggang sa mahulog ito sa samentong sahig. Lumantad ang maganda niyang mukha sa aking harapan.

Kapwa habol ang hininga na nakatitig kami sa isa't-isa. Nakasandal siya sa pader habang ang braso ay nakayakap pa rin sa aking batok, gano'n din ang aking kamay sa kanyang bewang.

Ilang segundong na-blanko ang aking utak habang nakatitig sa abuhin niyang mga mata. Nakatungo ako sa kanya dahil di hamak na mas matangkad ako.
Kagaya"W-What are you doing?" nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang maarte niyang tinig. Ilang sunod akong napalunok, amoy at ramdam ko ang mabango at malamig niyang hininga. Colgate rin ba Kagaya nito? Bat parang iba ang amoy? Baka close-up. Maging ang kanyang mamahaling pabango ay nanuot sa aking ilong. "H-Hey, l-let go of me!"

"Asan na 'yon?! Biglang nawala!" Nang marinig ang boses ng isa sa mga pulis na humahabol sa akin, agaran kong kinabig ang babae sa kabilang bahagi ng eskinita upang magtago. Kagaya ng pwesto namin kanina, nakasandal siya sa pader at magkaharap pa rin ang mukha naming dalawa.

"You pervert! Get your hands off m..."

Hindi na niya natapos ang sasabihin nang idiin ko sa labi niya ang aking labi, upang mapatahimik siya.

Guarding Your HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon