:
Sobrang bilis ng panyayari pag pikit ng mata ko naramdaman ko ang lamig ng hangin na lumampas sa akin. Ang akala ko ba may babangga sakin? Yun na yun?
pag dilat ko tanging madilim na kalsada ang sumalubong sa akin
Damn patay na ba ako?? Ano to impyerno ba to??
"hahah.. haha hahaha.. HAHAAH boss ang kulit talaga nyang anak mong si si.. si nicole! Sinabi nang uuwi na tayo e tsk tsk mga kabataan talaga ngayon oo!" biglang sabi ng isang lalaki mula sa likod ko
!!
So hindi pa ako patay?!! May tao! More like demonyo
Agad akong humarap, sumalubong sa akin ang isang lalaking naka tayo at naka talikod ilang hakbang mula sa akin. Sa harap nito ay isang pulang motor mukhang siya yung nakasakay sa pasalubong na motor kanina sa akin.
"hahahaha tama ka jan unoy! Nicole halika na dine anak!" ani nung leader
Teka ako ba tinutukoy nilang anak nya?? yuck!!!
"anong anak kapal ng upog mo oy!" pogi pogi ng tatay ko tas i cle claim mong tatay kita layo uyy
Mukhang nagka gulatan pa yung grupo nila dahil mabubunyag sila once na itanggi ko. Tsh kung ano ano sinasabi nila maligtas lang sarili nila amp
"aba't ganiyan na ba talaga kayong mga kabataan ngayon?! Nagagawa nyo ng itanggi ang pamilya ninyo makatakas lang?!" madramang banggit ni unoy
Luh ano ako naglalayas na anak?
Nagawi ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko ng gumalaw siya pasakay sa motor niya
"Hindiiii!"
Aalis na sya! Pag iniwan nya akong maiiwan ako kasama ang mga gunggong at mukhang naniniwala pa siya sa mga sinasabi nitong mga lalaki na to!
Bago nya pa mapaandar ang motor at umalis, mabilis kong hinawakan ang braso nya
"tulungan mo ako! hindi ko sila kilala!" pasigaw kong bulong habang naka turo sa kanila
Tanging tingin lang ang ibinigay nya sa akin. Mukhang napa isip sya
Tama! Makinig ka, hindi naman sya titigil at titigildito kung hindi sya nag duda hindi ba?!
"nicole! Wag ka ng pasaway umuwi ka na! Sumama ka na sa amin" natatarantang sigaw nila
Sabay kaming napalingon sa kanila. Tiningnan niya ako na para bang sinasabing 'paano mo maipapaliwanag ang sinabi nya' inaakusahan nya akong nagsisinungaling!
"maniwala ka hindi ko sila kilala!" please tulungang mo akoo!
Pero walang epekto parang mas naniniwala siya sa mga lalaking iyon!
Kailangan kong tumakas! Kung tatakbo pa ako sigurado akong di na kakayanin ng katawan ko natatakot din ako baka mahimatay ako dahil sa hilong naramdan ko kanina
Jeez mas nakakahiya pag nahimatay ako sa gitna ng kalsada isipin pa ng taong makakakita sakin natutulog ako sa dun! Magmu mukha akong baliw!
I have no choice but to go with him. kung ayaw nya akong pakinggan isisigaw ko mismo sa tenga nya!
Without any hesitation umangkas ako sa motor nya
"the fuck?! Baba!" nice unang salita mura agad
"andar na!"
"putragis! Tatakas pa! Hilain nyo!" nooooooo
I immediately wrapped my arm around his waist. Hindi nila ako pwedeng alisin dito dapat kasama sya!
"fuck let go!!!"
"nicole sumama ka na!"
Lima silang nagtutulungan tanggalin ang kamay kong naka balot sa lalaking nasa harap ko
"kahit buong baranggay pa humila sakin hinding hindi ako bibitaw dito!!!!"
Putspa balat ko pa ata matatanggal sa kakahila nila e!
"nicole parang awa bitaw na!" gano ba sila ka pursigidong gawin ang plano nila sa akin na gagawin nila ang lahat mahuli lang ako!
"tarantado ka hindi ako si nicole!!"
Sigurado akong wala na silang masamang balak sa akin maliban nalang sa gantihan ako sa ginawa ko sa alphaq nila at para rin siguraduhing hindi ko sila isusumbong
"let go i said!"
"nooo" to make it sure na dinila ako madadala, pati yung binti ko ibinalot ko na din sa kaniya.
Wala akong oras para pairalin ang hiya sa ngayon papulupot muna papasalamatan nalang kita pagtapos nito.
"arghhh let go please!!"
"itakas mo na ako dito please!" bulong ko sa kaniya
"nicole halika na sige na" nagmamakaawang hila sakin ng mga gunggong
"please kuya andar na ma-mamatay ako dito" nagmamakaawa kong banggit.
"argh! How did I end up in this situation?" nagsi sisi nyang bulong
In the end wala syang nagawa kundi pihitin ang handle
Yesss guysss nanalo tayooo!!!!
"hinde! Hinde!! Hinde!!!! Nicoleee anakkkk!!!!!" nagta tangis na sigaw niya
"shut up! Hindi nga ako si nicoleeeee" sigaw ko pinaghahapas ang kamay nilang hinuhuli ako
"goodbyee assholesss!!" sigaw ko ng mag simula ng umandar ang motor
This is itttt guyss pauwi na tayooo
-TINENNNN
YOU ARE READING
MIDNIGHT
Adventurenori the woman who can't sleep soundly at night, the woman who is alone at night, the woman who always cry at night.