El Filibusterismo

7 2 0
                                    

Kabanata 37: 
Ang Hiwaga

Talasalitaan:
Matabig - Matulak
Pulbura - Pulbos na madaling mag-apoy at sumabog

Buod:

Ito ang naging paksa ng usapan ng lahat-palihim nga lamang. Sa bahay ng mayamang pamilya Orenda ay ito rin ang paksa sa kuwentuhan. Malungkot na nakikinig si Isagani at ang pamilya Orenda sa kuwento ng platerong si Chichoy.

Nagtungo kasi si Chichoy sa bahay ni Don Timoteo upang magdala ng isang pares ng hikaw para sa bagong kasal, ang nadatnan niya ang paggiba ng kiyosko na naging komedor sa gabi ng piging. Nabigla siya sa kanyang nakita: punong-puno ng sako ng pulbura ang sahig, dingding, ilalim ng mesa, at ang loob ng mga upuan.

"Sino kaya ang naglagay ng mga pulbura?" tanong ni Kapitana Loleng.

"Iyan ang hindi maipaliwanag ninuman," tugon ni Chichoy, "kahit si Don Timoteo ay naguguluhan dahil sila pang dalawa ni Simoun ang namahala sa pag-aayos ng bahay."

"Walang maaaring gumawa nito kundi..." hirit ni Senyor Pasta na naroon din sa bahay ng mga Orenda upang dumalaw, "kaaway ni Don Timoteo o karibal ni Juanito."

"Magtago ka!" bulong ni Kapitan Loleng kay Isagani.

Ngumiti lamang si Isagani.

"Balisa nga akong umalis doon," ani Chichoy, "isang sigarilyo lamang na mahulog o matabig ang lampara, tiyak na wala na tayong Kapitan Heneral, Arsobispo, at mga Empleado. Ang lahat ng nasa pagdiriwang ay makikita na lamang nating abo... Ngunit ipaaalam ko sa inyo ang aking nabalitaan, subalit kailangan ninyong ilihim. Alam ba ninyo kung sino ang naglagay ng Pulbura?

"Ang mga prayle?!
"Si Quiroga?!"
"Isang mag-aaral?!"

"Hindi," tugon ni Chichoy, "nalaman ko mula sa kaibigan kong eskribyente na ang naglagay raw ay ang alaherong si Simoun!"

Nagitla ang lahat.

"Alagad talaga ng diablo ang Simoun na iyan!" ani Tiya Tentay.

Naalala uli ni Momoy ang pagkakaagaw sa lampara ni Simoun na noo'y namamatayan ng ningas. Ayon naman kay Chichoy, tinataya raw ng mga maykapangyarihan na ang regalong iyon ni Simoun ang siyang magpapasiklab sa pulbura.

"Hindi ba nahuli ang magnanakaw?"

Humiwalay na sa mga nag-uusap si Isagani.

"Sayang!" bulalas ni Momoy. "Napakasama ng ginawa ng magnanakaw! Namatay na sana ang lahat..."

"Masama ang kumuha ng pag-aari ng iba." ani Isagani. "Kung alam lang ng magnanakaw na iyon kung para saan iyon ay baka hindi niya gawin ang kanyang ginawa... kahit ano ang mangyari, hindi ko nanaising mapunta sa kanyang katayuan."

Saka nagpaalam si Isagani upang bumalik na sa kanyang tiyuhin.

El Filibusterismo Kabanata 37: Ang HiwagaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon