"Hoy Ano ba! San mo ba ako Dadalin?" Sigaw ko.
"Sumama ka nalang dami pang tanong eh." Sagot nya. Sumakay ako sa Kotse nya. Buti nalang wala na akong next class kung hindi madedetention ako.
"Saan nga!?"
"Sa Bahay."
"Nyo?!" Napalunok nalang ako.
-Aano ako dun? Bat sa bahay nya pa? Lord kayo na bahala sa lahat.
"Gusto mo sa bahay nyo." Nakangiti nyang sabi.
"Hoy anong binabalak mo ha?!"
-Ang dumi ng isip ko. -.-
"Hoy ang kapal ng mukha mo! Di ka maganda!" Magsasalita na sana ako nang narinig ko syang bumulong. "Konti lang."
Hindi ko masyado narinig ang sinabi nya.
"Anong sinabi mo?"
"Wala. Mag seat belt ka kako. " Tapos kinuha nya yung seat belt sa kanan ko kaya nag katinginan kami nang lumapit sya sa mukha ko. Hindi ako makagalaw. Pero naka tingin parin sya sa mga mata ko.
"Sabi ko na nga ba may gusto ka sakin eh." Nangingiti pa.
"Hoy wag kang feeler." Tapos tinulak ko sya palayo. Nakita kong tumawa sya ng mahina.
-Huminahon ka Juls. Huminahon ka. Baka makapatay ka pa nyan.
Tapos nagdrive na sya.
Awkward silence buong byahe. Hindi sya tumitingin focus sya sa pagdadrive tapos tumingin ako sa rear mirror sa harap. Nakita kong nakatingin sya pero nung tumingin ako, iniba nya yung tingin nya.
Habang naka tingin ako sa rear mirror napansin ko yung mga galos nya. Hindi ko napigilang magtanong.
"Ahmm.. Lance. Bakit andami mong sugat at pasa?" parang naawa ako sa kanya. Hindi ko napansin kanina.
Natawa sya ng mahina. "Nagaalala ka ba?" Tanong nya. Kahit kaylan talaga oh.
Tapos biglang huminto yung kotse. Hindi naman ganong kalayo ang bahay nila.
Tumingin sya sakin. Hindi ko napigilang Hawakan yung mukha nya gamit yung dalawa kong kamay."Ang dami mong pasa... At ang init init mo. " Nahawakan ko yung pasa nya.
"Aray!"
"So-sorry."
"Halika na." Tapos lumabas na sya ng Kotse Lumabas na din ako.
"Grabe anlaki ng bahay nyo, Mansion."
Natawa sya. "Halika na nga." Tapos pumasok na kami.
Grabe andami nilang maid. Mayaman talaga sila.
Hindi ko napansin na hawak pala nya yung kamay ko.
Nakita kong nagbubulungan yung mga maids Nung pumasok kami. Hinatak ko yung kamay ko mula sa pagkakahawak nya.
"Bakit?" Tanong nya.
"Anong Bakit eh Hawak mo yung kamay ko!"
"Hoy Di ka pa bayad sa utang mo."
"Ano bang nagawa ko?"
"Sinipa mo sa paa ko."
"Yun lang tapos pwede mo na akong gantohin?" Sagot ko
"Hindi lang yun." Sabi nya. Inisip ko yung mga maaaring dahilan nya. Naramdaman kong malalim nga yung dahilan nya.
Pero ano naman?"Hindi mo kilala ang mga tao sa paligid mo." Sabi nya.