"Julianna! Sasama ka ba samin sa party?" Sabi ni patricia sakin. Bakit naman ako sasama? Lahat sila may love life aano ako dun? Tatanga habang naglalandian sila?
"Ah, hindi na may project pa kami . Di ako pwede."I replied.
Hay nako, ano ba yung lintek na love na yan! I mean iiwan ka din naman nyan sa huli o kaya may aagaw jan at sasaktan ka lang.
"Julianna! Julianna!" Sigaw ni Mama sakin.
"Bakit po?" Sagot ko.
"Facebook ka na naman ng facebook. Bakit di ka sumama sa party?" Mom ask.
"Ayoko po. Wala akong time para sa mga yan." Sagot ko.
Sa totoo lang, mas updated pa yung nanay ko kesa saken, kung si mama yung papasamahin mo sa mga ganyan, aba'y di uurong yan. NAKO UMIIKOT NA YUNG PUWET NYAN.
Kinabukasan,gumising na ako ng maaga.
Bumaba na ako para makakain ng breakfast, sa totoo lang nakakasukang magluto si mama. Kung hindi sunod, hilaw naman! Kung hindi maalat, mapait naman. Hay hindi naman ganun magluto si mama eh, pero nung naghiwalay sila ni papa nagiba na lahat sa kanya, maging pagporma nya. Si papa kase e, ang landi, pero di ko sasabihing nagkulang sya sa pagiging ama.
Pag katapos kung kainin ng kung ano man yung kinain ko, naglakad na ako papuntang school,nilalakad ko lang sya dahil walking distance lang naman ang bahay papunta sa school.
Habang naglalakad ako, nakakita ako ng magjowa grabe magharutan.
Ano ba yan, landian kung landian?! Ganern?? Ah so sino naman lalandiin naming mga single?! Sarili namin!?
Tapos may isang lalaking nakasakay ng bike na lumapit sakin,
"Hi Miss Beautiful. Pwede bang makuha number mo?"
-Gago tong aso na to! Ang jeje masyado. Lintek.
"Oo naman!" Sabi ko. Nanguha ako ng papel at ballpen sinulat yung number ng Jollibee.Tinupi at ibinigay sa kanya.
Pagpasok ko ng gate sinalubong agad ako ni Patricia.
"Juls! Sayang wala ka sa party! Ang saya grabe!" Sabi nya.
-Ah so nangiigit ka? Ngud-ngod kaya kita?! Wala na nga yung tao sa party mangiingit ka pa.
"Ah. Sayang wala ako." Sabi ko. (Smile nalang ako)
"Oo nga e." Sagot nya.
-Kunwari ka pang gago ka.
Mabait naman si Patricia kaso feeling ko lumalapit lang sya sakin dahil crush nya ang best friend ko, si Kyle. Heartrob sya sa school, matalino, mayaman, mabait at pogi daw. Pero never ko sya nagustuhan. Madaming nagtatanong kung bakit hindi ko sya gusto. Pero ewan. Hindi talaga e.
Pumunta ako sa locker at nilagay yung books ko,out of no were dumating si Kyle.
"Oy! Juls!" He said, Inakbayan nya ako.
Napatingin ako sa balikat ko na hawak ng kamay nya.
Gusto kong sigawan at batukan si kyle nun kaso:
Number I
Ang daming babae ang magagalit at baka gantihan ako.
Number II
Best friend ko naman sya.
Number III
Baka sabihin nyang naglalagay ako ng malisya,
"Ah. Hello. Ahmm.. papasok na ako, baka malate pa ako.Sige" Habang dahan dahan kong binababa ang balikat ko para maalis yung kamay nya.
Aminin ko man o hindi, nilalayuan ko si Kyle, kasi kung gaano kadami ang nagkakagusto sa kanya, ganun kadami ang babaeng galit at naiingit sa akin.