18th Birthday

26 0 0
                                    

Sariwang hangin at tahimik na paligid. sa loob ng ilang taon ay tahimik na namumuhay ang pamilya Samson sa isang probinsya kung saan sila lumipat, maraming nagbago simula ng makalipat sila, sinimulan nila mamuhay sa isang lugar na wala silang kakilala at natutunan nila ang mas simpleng buhay..

Myrna," Maghahanda tayo bukas, gusto ko tulungan nyo ako"

Jude," Hindi mo nman birthday bukas ah, malayo pa ang birth day nmin ng mga anak mo"

Jellyn," Oo nga nman Ma, bakit ka maghahanda? para saan?"

Jessy," 18th Birthday ni ate Jean bukas, araw din ng kamatayan niya."

Napatigil saglit si Jude at Jellyn dahil sa sinabi ni Jessy. Malungkot naman na pinagpatuloy ni Myrna ang pagkaen niya at hindi na nagsalita pa..

Jellyn," oo nga pala, hindi na din natin namalayan na birthday niya nung nangyare yun. Hindi nman natin pinaghahadaan ang kaarawan nya at kamatayan niya dati diba?"

Jessy," debut nya dapat bukas kaya siguro gusto maghanda ni mama para sakanya"

sabay na lumingon ang magkapatid sa kanilang ina

Myrna," Tama ang ate Jessy mo, kaya gusto kong maghanda dahil 18th birth day nya.. kaso.. wala na sya.. ito nalang ang magagawa ko para sakanya.."

yumuko at malungkot na tumitig si myrna sakanyang plato,mabilis na inubos ang natitirang pagkain at dahan dahan tumayo at naglakad papunta sa kanyang kuwarto.. Samantalang bahagyang sumama ang tingin ni Jessy kay Jellyn na ikinabigla ni Jellyn

Jellyn:" Oh.. bakit? masama bang magtanong? totoo nman sinabi ko diba? sorry naman, nagtaka lang talaga ako kasi hindi nman talaga tayo naghahanda kpag birth day ni ate dati buhay man o patay siya.."

Inalis na ni Jessy ang pagkakatitig niya kay Jellyn, naiinis man sya sa kapatid ngunit wala nman siyang magawa, insensitive lang tlga siguro si Jellyn dahil may pagkaisip bata pa ito.. Ang kanilang ama ay patuloy lng sa pagkain at wala kahit na isang salita ang lumabas mula sakanyang bibig.

Kinabukasan maagang gumising at namili ang magiina, nagluto sila ng mga paboritong pagkaen ni Jean noong kasama pa nila ito.

Jessy," Ate, sa picture nalang ba talaga kita makikita? pinagaralan kong mabuti kung pano lutuin yung spaghetti na paborito mo, ilang taon na lumipas pero umaasa parin ako na babalik ka"

Tahimik lng na nkikinig sakanya ang mga magulang at kapatid nya, unang beses nila narinig na magsalita si Jessy tungkol sa kanyang ate mula nang mawala ito.. matapos yun ay nagtungo sa kuwarto niya si Jessy at hindi na inistorbo pa ng mga magulang niya. Nagdesisyon silang balikan ang tulay kung saan huling nakita si Jean, habang papalapit sila sa tulay ay may nakita silang tao na nakatayo sa mismong lugar kung saan tumalon si Jean..
Isang babae na may katamtaman ang kulay ng balat, naka dress na puti, heels at short hair.. Habang papalapit ng papalapit sa babae ay palakas ng palakas ang kabog sa dibdib ni Jessy at hindi na niya napigilan ang sarili at tumakbo papalapit sa babae...

James:" Pasensya na, hindi ka pwedeng lumapit sakanya"

Jessy:" Wag mo akong pakelaman! Sino ka ba? Sino ba siya? Gusto ko lang malaman kung sino ang babaeng yon! Bakit siya pumunta dito?"

James:" Nagpunta siya dito para sa kaibigan niyang namatay ilang taon na nkakalipas, kung sino siya ay hindi mo na dapat alamin ang mahalaga ay naipagdasal niya ang kaibigan niya.. Pasensya na kung nakaabala at nakagulo kami sainyong isipan"

Matapos siyang kausapin ni James ay umalis na ito sakanyang harapan at sinundan ang babaeng nakita ni Jessy. Bumalik siya sakanyang pamilya..

Myrna:" Kilala mo ba kung sino yun?"
Jessy:" Sabi saken kaibigan daw nang taong namatay dito, pero parang kagawig ni ate.. o baka nagkakamali lang ako.."
Jude:" Imposibleng ate mo yun, kasi kung siya nga yun bakit hindi siya bumalik satin"
Jessy:" May dahilan ba para hindi siya bumalik satin?"

Napatingin si Jude sa kanyang anak, nagtataka na para bang may ibigsabihin ang mga salitang binitawan nito sakanya.. Samantalang hindi binigyang pansin iyon ni Myrna ngunit si Jellyn ay inoobserbahan lamang ang ama at kapatid,kapansin pansin ang malalim at kakaibang tingin ni Jude kay Jessy..

Jessy:" Dumiretso tayo sa simbahan pagkatapos natin dito, magbawas tayo ng mga kasalanan"
Jellyn:" Bakit ate? Maraming kabang ginawang kasalanan lately?"
Jessy:" Sabi ko tayo, ako lang ba ang pwedeng gumawa ng kasalanan? Lahat naman tayo may nagagawang mali, tama nman ako diba Papa?

Sabay na lumingon si Jellyn at Mryna ka Jude dahil sa sinabi ni Jessy.

Jude:" Tama ang ate Jessy mo, Maliit o malaking pagkakamali man ay dapat tayong humingi ng kapatawaran sa Diyos"

Mabilis na naglakad si Jessy na para bang may ayaw siyang makasama sa pamilya. Matapos magsimba ay umuwi sila at nagulat sa nakita sa harap ng kanilang bahay..

Myrna:" Sino ang nagdala nito dito?"

Nagsimulang umiyak si Myrna habang hawak hawak ang damit na nakita niya sa labas ng bahay nila, ito ang damit na suot ni Jean noong araw na siya ay tumalon sa tulay.. Bag, wallet at Id lamang ang nakita ng mga pulis noong araw na iyon kaya nakakapag taka na bigla na lamang susulpot ang damit ni Jean sa kanilang bahay, makikita sa mukha ni Jude ang takot sa mga mata at ngiti nman sa mga labi ni Jessy na para bang may alam sa mga nangyayari..

Secrets and revengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon