Chapter 1: End of sem!

18 0 0
                                    

Yes naman! Yes naman! Ang sarap sa feeling na tapos na yung exam, pati requirements. Makakauwi na din ako sa wakas!

*booog*


"Aw! Ano ba yan? Hindi mo ba tinitignan dinadaanan mo? Napakalaki ng daanan oh!" sabay turo ko sa napakalaking hallway.


"Sorry na miss. Ano ba pangalan mo?" tanong niya


"Uh, hi! Ako si Aishaima Zen Garde. 2nd year Civil Engineering. Kaka18 pa lang last month. Sa Caloocan ako nakatira. Anak ako nina Maria Corazon at Fernando Garde. Dalawa lang kaming magkapatid." masiglang sabi ko. Wait, parang bio data naman ata binigay ko?


"Ah, edi wow!" Sabay alis.


Aba, bastos yung batang yun ah! Ay hello. So siguro naman, kilala niyo na ako no? Hindi ako katangkaran. Hindi din ako kaputian. Hindi din madami ang pimples ko tulad ni Eya ng Diary ng Panget. Yun nga lang, medyo malapad ang noo ko na pwedeng maglanding ang pinakamalaking eroplano na dala ng mga Amerikano na nagbabalikatan dito.


"Jujoooooooot!!" tawag ni Micko habang tumatakbo


Tinakpan ko naman yung bibig niya pagkalapit na pagkalapit niya sa akin.


"Ano ka ba! Wag mo namang pagsigawan yung pangalan ko!"


"Harot neto ni watta. Taralets bakla! Gora tayo. Manghunting tayo ng boys sa Marikina"


"Hindi ako ang bakla, ikaw ang bakla! Puro ka boys. Lalaki ka din naman! Uuwi na ako."


"Nako! Pag nainis talaga ako sayo, iboboogie wonderland (bugbugin) na kita e! Tara na kasi. Ganda ganda mo e!"


"Wala akong panahon Micko—"


"Mickaela nga kase! MI-CKA-E-LA!"


"Oo na mickay!"


"Mickaela nga sabi!!" nanggigigil na sabi ni bakla


"Oo na kahit ano na, uuwi na ako. Ikaw na lang maghanap, remember.."


"wag magpapahawa ng AIDS" sabay naming sabi.


Oh syempre, uuwi na ako no. Maliban sa wala na talaga akong pera papuntang Marikina, sobrang bigat ng bag ko. Nagdodorm kase ako kaya dahil summer na, dala ko lahat ng gamit ko. Mala-pagong tuloy ako. Malapit na ako kaya pumara na ako.


"Manong! Para po."


"Para para ka dyan, hindi ka pa nga nagbabayad" pagsusungit neto


"Hoy manong, FYI, nagbayad na po ako. Kulang pa nga po sukli niyo e. Bali sa computation ko, 35 ang regular mula Cubao papunta dito. Ngayon, dahil estudyante ako.." sabay pakita sa ID kong panay stickers ng Kpop "..meron akong 20% discount kaya kung icocompute mo yon bali may discount dapat akong siyete pesos at kung hindi ako nagkakamali manong, may roll back kayong piso simula ng nakaraang linggo. Nagbayad akong 40, sukli mo saken sampu lang. Ngayon manong, sasabihin mo pa bang hindi ako nagbabayad e ikaw nga mali manukli tignan mo andi—"


Pagtingin ko sa labas ng bintana, lampas lampas na ako dapat sa bababaan ko.


"PARAAAAAAAAAAAA MANOOOOOOOOOONG! HAYUUUUUUUUUP KA MANOOOONG!! PAARAAAAAAA SABIIIIIIIIIIII!" sabay ng biglang pagpreno ni manong na halos nagsitalsikan na lahat ng pasahero niya pati na ako. T_T


"Dami mong satsat. Bumaba ka na nga!"


At dahil nasa bandang likod ako, maglalakbay pa ko papunta sa babaan kaya nagspeech muna ako para hindi maboring pati yung nakasakay sa jeep


"Talaga manong. Bababa na talaga ako. Anong gusto mo? Paabutin mo pa ako hanggang Bulacan? Sa susunod, magbigay kayo ng tamang panukli."


*wooosh*


Syempre nakababa na. At naglakad ng pagkalayo layo. Grabe ang inet! Damang dama ko na yung summer. Sobrang feel ko na! Yung pawis ko, kala mo nagkakarerahan pa kung makapag-agos naman sa mukha ko.


"Jut!" sigaw ng lalaki sa di kalayuan kaya naman napalingon ako


Oh my Virgo! Paano? Palapit na sakin si Richard. Ang ultimate crush ko since ginagawa pa lang ako ng mga magulang ko. Pero ang face ko, puro pawis. Aha! Yung panyo ko. Asaaaan?! Asan yung panyo ko? Parang hawak ko lang yun kanina. Malapit na siya. Napatingin ako sa kamay kong napakadumi malamang nakuha ko to dun sa bar ng jeep. Nanlumo ako. Bakiiiitttttt??


PS: Nagbayad talaga ako sa jeep. SWEAR!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 20, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Summer CalendarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon