OSAKAffair to Remember

1.7K 85 32
                                    



Vic's POV

Maaga akong nagising for an obvious reason.

WE'RE GOING TO JAPAN TODAY!!!

At lahat kami ay excited!

This is one of the perks of being champions! Fruit of our labor coz we really gave everything to bring the crown back to DLSU. Not minding all the obstacles along the way.

Like me, di ko na inintindi ang knee injury ko. Ang importante, makapaglaro ako sa finals on my last year. And I did it. We did it.

I wasn't surprised to see that my teammates are already awake. Yung iba nga nag aalmusal na, nakaligo at nakabihis na pagbaba ko.

"Di ba 2pm pa flight natin? Aba eh ready to go na kayo ah! Di naman kayo excited hahaha!" Pangangantyaw ko sa kanila.

"Wow, eh ikaw nga dapat naghihilik ka pa ngayon eh, bakit gising ka na agad? Isa ka pa eh!" Balik kantyaw naman ni Ate Kimmy sa akin.

Nagtawanan na lang kami. Kami na lahat ang excited.

Umupo na ko ng mapansin ko na nakatutok na naman siya sa phone nya. Napailing na lang ako...

"Almusal muna, Yeye, aga aga di ka na naman makalas dyan sa phone mo." Sabi ko habang naglalagay ng pagkain sa plato ko.

Naramdaman ko naman na tumingin sya sa akin.

"Ang usapan pag nasa Japan na tayo di ba? Wala pa naman tayo sa Japan eh." Sabay balik ulit ng tingin nya sa phone nya.

Oo nga pala. Nasa Pinas pa kami. Wala pa sa Japan. Buntong hininga na lang ang sagot ko at saka nagsimulang kumain.

"Huy ano yang 'pag nasa Japan na kayo' na usapan nyo ha? Kayo lang nagkakaintindihan dyan ah. Parang may bumabalik ah..." Epal naman ni Ate Kimmy.

"Pinagpaplanuhan ka kasi namin pag nasa Japan na tayo, ipapakasal ka namin sa yakuza." Sagot ni Mika at nagsimula na din kumain.

At dun nagsimulang magtawanan at maging light ang breakfast namin habang palipat-lipat ang tingin ni Ate Kimmy sa amin ni Yeye.

"Meron kayong di sinasabi sa akin eh. Malalaman ko din yan." Pahabol pa ni Ate Kimmy. Tiningnan ko si Yeye at sabay na lang namin syang tinaasan ng kilay.

Sa amin na lang muna yun, Ate Kimmy. Sa amin na lang muna ni Mika.

Sa Japan. Sa Japan lang.

---

Mika 's POV

We're here at the airport. Waiting for boarding.

Tiningnan ko ang mga teammates ko na busy-busyhan sa mga dala nila. Yung iba sige ang selfie at upload sa twitter at IG.

#OSAKAlerki.

That's our official hashtag according to my baliw na teammates. Witty!

I checked my boarding ticket. Seat 11E.

Hmm sino kaya katabi ko? I know buddy ko si Ate Mowky pero iba iba pa din ang seats namin sa plane.

Then may naramdaman akong humihinga sa tenga ko. Paglingon ko, it was her.

KaRa One Shots: A Promise to ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon