Chapter 3

4 2 0
                                    

Nag lakad na ako papuntang store, medyo madilim na kaya lumalabo narin mata ko. 

Kukuhain ko na sana ang cp ko para mag silbing flash light ng biglang may umakbay sakin. Naamoy ko ang lansa at amoy alak, agad akong lumayo at napaharap. 

Nakita ko ang tatlong lalaking tawang-tawa at halatang may tama. Napa erap nalang ako at sinubukang umalis ng may maramdamang kamay na humihila sa braso ko. 

Hinablot ko ang kamay nito at inikot paligod nya, agad syang namilipit sa sakit. "Tigilan nyo nga ko, nag mamadali ako pwede ba" inis kong sabi. 

"bwiset! bitawan mo nga ko!" -boy 1. Mas lalo ko pa itong hinigpitan at mas lalo pa syang namilipit sa sakit. Rinig ko ang pag tawa ng dalawang lalaki sa likod. 

"Yan ang gusto ko sa babae, Yung palaban"-boy 2 "Tama. Miss wag kana pumalag, sama kana samin"- boy 3. 

Ramdam ko ang pag kapit nilang dalawa sa braso ko. Agad kong inunat ang paa ko at sinipa silang dalawa sa sikmura binitawan ko ang lalake at dali daling kumuha ng dos-pordos. 

"Not bad for a little warm-up" ngisi kong sabi at agad tumakbo para sumugod. "wag kang masyadong mayabang miss" -boy 2 

Agad silang lumapit at lahat sila ay pinag hahampas ko ng malakas gamit ang kahoy. Sinubukan nila akong patamaan ng kamao pero agad kong inuunahan ng malakas na sipa at hampas. 

"Tss.. sa tingin mo may laban ka samin?"-boy1  

"Oh really? bring it all" ngisi kong sabi. Sumugod sya sakin at inakalang suntok lang ito pero sa sobrang bilis ng pang yayari ay nakita ko nalamang na may hawak syang kotsilyo. 

Nakaiwas ako ngunit nag karon ng malalim na sugat ang kaliwa kong braso. Agad itong sumakit at may halong hapdi. 

Ramdam ko ang pag patak ng dugo ko. "Miss, nakaka asar kana" -boy 3 "suma-ma ka nalng kasi samin"-boy 1

"Y-you moron" tumindi ang sakit sa braso ko at tuloy tuloy parin ang pag tagas ng dugo ko. 

Bago mag dilim ang paningin ko ay nakita ang naka itim na lalaki na bigla nalang sumulpot sa harapan ko.

And everything went black.


TO BE CONTINUED

_______________________________

It's Just a DARETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon